X

5.9K 151 20
                                    

#STILLINTOYOU

Try nyo po basahin habang naka play yung song. Hehez. :))

Samantha point of view

Huminto ang kotse ko sa tapat ng sementeryo kung saan nandoon ang puntod ng magulang ko. Kinuha ko ang bulaklak at kandila sa upuan at bumaba na. Nakita ako ng guard kaya binati ako nito. Binati ko din ito pabalik at naglakad na papunta sa puntod ng magulang ko. Nahihirapan ako maglakad dahil sa heels na suot ko, dapat pala nagpalit muna ako ng tsinelas.

Kumunot ang noo ko ng makitang may tao na nakaupo sa tapat ng puntod ng magulang ko. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko ito makilala. Malamang ay sya ang nagpupunta dito at dumadalaw sa magulang ko. Napangiti ako dahil naabutan ko din sya ngayon, maaari na akong magpasalamat sa kanya. Pero nang makalapit ako ng husto ay nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya habang nakapikit.

"Dwight?" Tawag ko sa pangalan nya. Napamulat ito pagkatapos ay gulat na tumingin sa akin. "A..anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pero nanatili itong tahimik. Napairap ako at umupo din sa tabi nya. Pinapakiramdaman ko sya at nararamdaman kong seryoso at malungkot sya. Sinindihan ko ang kandila at nagdasal ng sandali. Nararamdaman ko ang tingin ni Dwight sa akin kaya binilisan ko magdasal at tumingin sa kanya.

Hindi ko alam pero parang ibang Dwight ang kaharap ko. Hindi ganito ang aura nya nung kasama ko sya sa beach house. Sobrang layo nun. Parang may pinagdadaanan sya.

"Dwight hindi mo na kailangan gawin ito." Sambit ko at tumingin sa kanya. Nakatingin din ito sa akin pagkatapos ay suminghap sya. "Hayaan mo na akong gawin ito. Ito lang ang nakikita kong paraan para mapatawad ako ng magulang mo." Seryoso nyang saad. Iniisip nya pa din ba ang ginawa nyang pagtataboy sa akin? Tatlong taon na yun! Hindi pa din ba sya makalimot?

"Tatlong taon na yun, Dwight. Napatawad kana nila." Sambit ko. Tumingin ito sa akin gamit ang seryoso nyang tingin. Hindi ko alam pero napako na naman ako sa aking kinauupuan habang nakatingin sa kanya. "Ikaw? Napatawad mo na ba ako?" Tanong nya.

Napatawad ko na ba sya? Sa lahat ng sakit na dinulot nya sa akin noon? Ipinagtabuyan nya akong walang-wala. Tanging pride na lang ang nasa akin noon, pero natuto akong bumangon. Lahat kinuha nya, lahat minarkahan nya, pero nakuha nya akong itaboy dahil sa pag aakalang pera lang ang habol ko sa kanya. Tuwing naiisip ko ang dahilang iyon, napupuno ako ng galit at paghihiganti! Na isang araw titingin din ako sa mga mata mo na wala ng sakit at nararamdaman para sa kanya! Na isang araw, ikaw ang maghahabol sa akin na parang aso at magmamakaawang bumalik ako sayo. Pero nawala lahat yun ng makilala ko si Liam. Alam kong mabuti syang tao at hinding-hindi nya ako iiwan. Pero kung tatanungin ba ako kung napatawad ko na si Dwight? Hindi. Kahit tatlong taon na yun, nandito pa din ang sugat. Alam kong masamang magtanim ng galit, pero ito talaga ang nararamdaman ko.

"Hindi ko masasagot yan." Sagot ko. Napaiwas si Dwight ng tingin at huminga ng malalim. Hindi ko mabasa kung anong iniisip nya. "Sam ang sakit." Daing nya at tumingin sa akin. Nagulat ako ng makitang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

"Ang sakit na makita kang hawak ng iba. Ang sakit makita na mas masaya ka sa piling ng iba." Sambit nya habang pumapatak ang luha sa kanyang mga mata. "Hindi mo mararamdaman yan kung hinayaan mo akong ipaliwanag ang lahat." Sagot ko. Napasabunot sya sa kanyang buhok at napapikit.

"Hindi mo kasi ako hinayaang magpaliwanag, Dwight e. Nakinig ka sa magaling mong tatay." Ani ko. Hindi ko alam kung magagalit sya pero hindi. Tumingin sya sa akin habang lumuluha. "Sam, alam mo bang sobrang pagsisisi ko dahil nakinig ako sa tatay ko? Tatlong taon na pero sinisisi ko pa din ang sarili ko! Na dapat ako ang kapiling mo. Na dapat ako ang mahal mo.. ako dapat. Pero dahil sa walang kwentang dahilan, binitawan kita! At sobra akong nagsisisi dun. Gusto kitang bumalik sa akin. Please Sam, sabihin mo paano kita makukuha ulit?" Sambit nya at inabot ang kamay ko. Hindi ko mapigilan ang luhang lumandas sa aking pisngi habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam pero nararamdaman ko ang seryoso ng mga salita nya. "Sam, mahal na mahal na mahal pa rin kita. Ikaw at ikaw lang.." saad nya at hinalkan ang kamay ko. Doon ay napahawak ang isa kong kamay sa aking bibig habang nakatingin sa kanya.

Hindi ko dapat nararamdaman ito, pero nasasaktan ako para sa kanya. Nasasaktan ako ngayong tinitingnan ko syang lumuha. Hilingin man nya na bumalik ako sa kanya, hindi na maaari. Ayokong saktan si Liam. Napakabuti nyang tao para saktan lang.

"Dwight tama na.. itigil mo na'to." Untag ko habang nakatingin sa kanya. Nag angat ito ng tingin at tumitig sa akin. "Hindi mo kailangan magpaka stuck sa akin. You deserve better than me. Marami pa dyang iba." Ulok ko pero umiling ito at niyakap ako. Patuloy ang paghikbi nito sa balikat ko.

"I'd rather fight with you, than love anyone else Sam!" Untag nya habang nakayakap sa akin. Unti-unti, nilagay ko ang aking kamay sa kanyang likuran at hinaplos iyon habang tumutulo ang aking luha. Damang-dama ko ang kanyang paghihinagpis, pero hindi ko pwedeng tapatan iyon dahil may tao kaming masasaktan.

"Tama na Dwight. Hindi ko kayang saktan si Liam." Mahinahon kong saad. Bumitaw ito sa yakap at hinawakan ang magkabila kong kamay. Nakatingin ako sa mga mata nyang namumula at namumugto sa kakaiyak. "Hindi nya kailangan malaman. Kahit maging kabit mo na lang ako habangbuhay, okay lang. Kahit pagkatapos nya, ako naman. Tatanggapin ko yun, Sam. Ang mahalaga sa akin ay maambunan ako ng atensyon at pagmamahal mo. Basta sa huli sa akin ka uuwi, kuntento na ako dun." Ani nya. Umiling ako at pinunasan ang luha sa mata nya. Hindi nya deserve ito.

"Hindi mo kailangan gawin yun, Dwight. Marami ka pang makikitang mas higit pa sa akin. Just open your heart to others." Sambit ko. Mas lalong humigpit ang hawak nito sa aking kamay. "Hindi kita mahanap sa iba, Sam. I fuckin tried to forget you, pero hindi! Ikaw lang ang hinahanap ng puso ko! You still have me! Please, Sam. Alam kong walang kapatawaran ang nagawa ko, pero please, hayaan mo akong pagbayaran yun at magsimula uli tayo sa umpisa. I want you so bad. Please, please.." pagmamakaawa nya. Patuloy ang pag agos ng luha sa mga pisngi namin. Ayaw ko syang nasasaktan, pero hindi ko kayang gawin ang hinihiling nya. Hindi ko kayang saktan si Liam na syang tumulong sa aking bumangon. Hinawakan ko ang pisngi nya at dahan-dahan umiling.

"Sorry Dwight. Pero hanggang kaibigan lang ang kaya kong ialok sa iyo." Untag ko. Pagkasabi ko noon ay natigilan sya at bumitaw sa aking mga kamay. Pinunasan nya ang kanyang luha at tumingin sa malayo. "Sana mahalin mo ulit ako,.. kagaya noon, na ako lang ang mahal na mahal mo." He said. Tumingin ito sa akin pagkatapos ay lumapit. Pinunasan nito ang aking luha pagkatapos ay isiniping ang takas ng aking buhok sa likod ng aking tenga. Nakatingin ako sa mata nyang malungkot pagkatapos ay unti-unti nitong inilapit ang mukha nya. I feel the warmth of his lips on my forehead. I feel secure.

"Hush, don't cry. I don't want to see you crying because of me." Ani nya habang pinupunasan ang aking pisngi dahil sa luha. "You're right, I have to open my heart to others." He said and hold my hands.

"I love you so much. I just want you to be happy. Even if that happiness no longer includes me." Seryoso nyang saad. Hinawakan ko ang balikat nya. "We can still be friends." Alok ko pero ngumiti ito sa akin. Bakas ang lungkot sa kanyang mga mata. "We can't. Mas lalo lang ako mahihirapan na bitawan ka." He said and stood up. Tumayo din ako at tumingin sa mga mata nya.

"I think I have to let you go. Don't worry, I won't bother you anymore. Im setting you free, and I will always love you Sam." Saad nya at ngumiti ng pilit. Dahan-dahan ay binitawan nya ang aking kamay at humakbang paantras.

"Goodbye Sam.." he said and walk away from me. Bumalik ang alaala ko noong naglakad din sya palayo sa akin nung nasa field kami. Noong nag away kami dahil kay Ethan. Ngayon, ito na naman ang nakita kong mukha nya.

Ayoko man syang saktan, pero wala akong magagawa. Hindi ko pwedeng iwan si Liam para kay Dwight, dahil wala akong kasiguraduhan. At kung mayroon man, mahirap pa din sumugal. Kuntento na ako sa pagmamahalan namin ni Liam.

TO BE CONTINUED..

[A/N]: Hello, Happy New Year mga beshie! Sorry matagal ang update. Hehez. Enjoy reading! Free to vote and comment. Pa-follow na din mga bes.

Still Into You (BedSpacer#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon