IV

6.8K 177 11
                                    

#STILLINTOYOU

Samantha point of view

Lumipas ang mga araw at nagising ako sa araw na ayaw ko na sana magising. Linggo ngayon at ito ang araw na makikita ko ang magulang ni Liam. Tamad akong bumangon at nagtungo sa kusina. Nakita ko si Kate na tulog pa din sa couch. Dito ko sya pinatulog para sabay na kami kapag nagpunta para mamaya. Ayaw pa nga sumama ng kupal na 'to, mabuti na lang ay napapayag ko. Ayoko naman pumunta dun ng wala akong kakilala no? Baka ma-OP ako dun e, mas mabuti na nandun si Kate para naman may makakausap ako kung sakaling busy si Liam sa pakikipag usap sa mga bisita nila.

Sinalin ko ang kape at lumabas sa balcony ng condo ko. Umupo ako sa upuan at ininom ang kape. Dapat pala mamaya kailangan maging presentable ako pag humarap sa magulang ni Liam. Kinakabahan ako na ewan, kahit mamaya pa naman talaga kami magkikita. Simula ng magkaroon kami ng relasyon ni Liam ay hindi ko pa nakikita sa personal ang magulang niya. Bale ngayon pa lang, kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko mamaya.

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Kate na nasa likod ko na pala. Umupo din ito sa tabi ko tapos ay uminom ng kape. Bumuntong hininga naman ako habang nakatingin sa kanya. "Kinakabahan lang ako para mamaya.." sagot ko. Tumingin sa akin si Kate habang nakataas ang kilay.

"Bakit ka kakabahan?" Tanong nya at umirap. Palibahasa kasi hindi nya alam kung anong pakiramdam kapag pinakilala ka ng taong mahal mo sa pamilya nya. "Syempre, magulang yun ni Liam e. Paano kung ayaw nila sa akin? May magagawa ba ako dun?" Kwestyon ko. Bago ko mainom ang kape ko ay binatukan na agad ako ni Kate. Inirapan ako nito tapos ay umiwas ng tingin.

"Then make an impression to them! Paano ka magugustuhan kung hindi mo paghahandaan?!" Singhal nya sa akin. Napaisip naman ako. Tama sya. Siguro kailangan ko ng paghandaan yun dahil gusto ko magustuhan ako ng magulang ni Liam.

Natahimik kami ng ilang minuto. Mabuti na lang pala nandito si Kate dahil kung hindi, baka naluka na ako sa kakaisip.

"Sya nga pala, may dumating na package para sa'yo." Saad ni Kate. Kumunot naman ang noo ko at tumayo. Hinanap ko yung package at binuksan ang laman ng paperbag. Bale apat na paperbag yun. Kanino naman galing 'to?

Kinuha ko ang laman at bumungad sa akin ang isang black dress. Nanlaki ang mata ko habang nakatingin dito. Ibinaba ko ang dress at kinuha naman yung isang paperbag. Bumungad sa akin ang 6 inches pair of silver heels. Wtf? Kaya ko bang isuot 'to? Binuksan naman ni Kate ang isang paperbag at ganoon din ang laman ng paperbag. Parehas magaganda at mukhang mamahalin. Saktong tumunog ang phone ko kaya kinuha ko yun at binuksan ang message.

From: Liaaaam❤

Wear that later.. also Kate. See you! :**

Nasagot ang tanong ko dahil sa text nya. Tumingin ako kay Kate na nakatingin pa din sa dress habang nakangiti. Smile plastered on my face and bit my lip.

"Galing kay Liam.." saad ko habang may ngiti sa aking labi. Ngumiti lang din si Kate tapos ay naghanda na kami para sa event na pupuntahan namin. Inirapan ako ni Kate at pumasok na ako sa cr para makapag ayos na.

Ilang oras ay nakaayos na kami ni Kate. Ako ang nag ayos ng buhok nya at naglagay ng kaunting kire sa mukha nya. Tinulungan ako ni Kate sa pag aayos ng dress na binigay sa akin ni Liam. Pure black dress na hanggang tuhod lang. Tube type ito kaya kitang-kita ang mga collarbones ko. Nahihiya ako lumabas ng ganito.

"Ang kati naman nito." Reklamo ni Kate habang kamot ng kamot sa may bandang hita nya. Hinampas ko naman ang kamay nito at sinamaan sya ng tingin. "Hayaan mo na." Saway ko. Umirap ito at pinagpatuloy ang pagkamot.

Still Into You (BedSpacer#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon