XXV

5.5K 162 8
                                    

#STILLINTOYOU

Samantha point of view

I slowly opened my eyes as I felt soft and gentle kisses on my lips. Bumungad agad si Dwight na nakangiti sa akin habang hinahaplos ang aking pisngi. Ngumiti ako sa kanya at dinama ang haplos nya.

"Goodmorning beautiful." He greeted using his sweet voice. Nakaramdam ako ng kilig sa katawan dahil sa mga titig nya. His eyebrows, his eyes, his nose, his lips, they're everything. They are so fucking everything. "Goodmorning din." Bati ko pabalik. Ngumiti sya at naramdaman ko na pumulupot ang kanyang braso sa bewang ko at inilapit ako sa kanya.

"You're the best thing that ever happened on me." He said. Nakagat ko ang aking labi at naramdaman ang labi nya sa aking noo. Hindi ko akalain na pagkatapos ng sakit, may sayang nakaambang. Wala akong magawa kundi piliin palagi sya dahil sa piling nya lang ako sasaya. Kahit may kaakibat na sakit ang pagmamahal nya, wala akong ibang magawa kundi ang piliin sya at bumalik sa mga bisig nya.

"I love you, Sam. We will live well I promise you that." He promised and sealed his lips on mine. It was a sweet and passionate kiss. His lips, his kiss, always my addiction. As we break the kiss, my phone ring. Agad kong nilingon ang phone ko na nakapatong sa side table at inabot iyon. Kita ko ang pangalan ni Liam sa screen kaya naman tumingin ako kay Dwight na seryosong nakatingin sa akin.

Bumaba ako sa kama at nagsuot ng robe bago lumabas ng kwarto at sinagot ang tawag nya. Malambing na boses ang bumungad sa akin kaya hindi ko mapigilang mangilid ang aking mga luha.

[Goodmorning sunshine!] Masigla nyang bati. Kinagat ko ang aking kuko dahil sa awa na nararamdaman ko. Wala syang kaalam-alam na may nangyayari ng iba. [G..goodmorning din.] Nauutal kong bati pabalik sa kanya. Rinig ko syang bumuntong hininga dahil na rin siguro sa pagod sa trabaho nya.

[I tried to call you yesterday, but you didn't answered.] Sabi nya. Binasa ko ang aking ibabang labi at umupo sa high stool chair. "S..sorry ha, pagod na kasi ako nun." Pagsisinungaling ko. Kay Dwight naman talaga ako napagod. My second thought interferred. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang lahat, dahil hindi ito ang tamang panahon. Nagpunta sya dun para sa trabaho kaya naman kung sasabihin ko sa kanya ngayon, maaaring maguluhan sya at hindi makapag focus sa trabaho. Siguro pag-uwi nya na lang para kung sakaling maguluhan sya, kaya kong ipaliwanag ang lahat sa kanya.

[It's okay. By the way, do you want something? I'll buy some souvenirs here.] He said. Umiling naman ako kahit hindi nya ako nakikita. [Wala. Makauwi ka lang ng ayos, okay na sa akin yun.] Sagot ko. Rinig ko naman syang nag chuckle. Sana matutunan nya pa din magmahal kahit sinaktan ko sya.

[I missed you.] Malambing nyang sabi. Pumatak ang luha sa aking mata. Hindi na ito kagaya ng dati. Hindi na. Kapag sinasabihan nya ako ng mga ganitong salita, my heart usually beats so fast, but now, it's gone. It is already gone.

[Liam?] Tawag ko sa pangalan nya. He hummed in response. I compose the thoughts in my head. [There's something I need to tell you when you come back here.] I said seriously. Saglit syang natahimik pero nariring ko ang mabibigat nyang hininga.

[Woah, that's serious baby.] He answered. Nakagat ko ang aking labi at saglit muli syang natahimik. [Is there something wrong?] He asked.

Oo. May mali. Lahat mali. Mali na sinaktan kita, mali na niloko kita. Mali na nagkita tayong dalawa. Mali na minahal kita, kasi hindi kita kayang pangalagaan. Hindi ko pa din pala naaalis si Dwight dito sa puso ko. Malaki ang parte nya dito sa puso ko at sya lang ang isinisigaw nun. I want to tell you everything, but it is not the right time. Tatanggapin ko ang masasakit na salitang bibitawan mo laban sa akin dahil mas masakit pa ang ginawa ko sa kanya. Sinaktan, niloko.

Still Into You (BedSpacer#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon