XXX

5.6K 137 8
                                    

#STILLINTOYOU

Samantha point of view

Mabilis na nakalipas ang isang linggo. Sa isang linggong iyon, normal ang naging takbo ng buhay ko. Sa trabaho nauubos ang oras ko, pati kay Dwight. Patuloy pa din ang pagtatayo ng isa ko pang business dahil si Dwight na ang nag-aasikaso dun.

Pinagpag ko ang aking kamay at tumayo na sa pagkakaupo dahil tapos na ako magbalot ng mga gamit ko. Huminga ako ng malalim at iginala ang tingin sa paligid. Napagpasyahan ko ng ibenta ang condo ko dahil hindi na rin naman ako titigil dito. May sarili na kaming bahay ni Dwight, kaya naman hindi ko na kailangan ito.

Kinuha ko ang phone ko at nagtipa ng mensahe kay Dwight.

To Dwight: All done. I'll wait for you here. Drive safely. Iloveyou. 😗

Napangiti ako at tumingin sa relo ko. Pasado alas sais na pala. Malamang ay papunta na dito si Dwight. Nagtungo ako sa kusina para uminom ng isang basong tubig upang mapawid ang uhaw. Pagkatapos ko ay nakarinig ako ng doorbell kaya naman nakaramdam akk ng excite dahil nandito na agad si Dwight.

Pero bago ko sya pagbuksan ng pintuan ay tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin. Inayos ko ang buhok ko at nagpolbo para naman hindi maging oily ang mukha ko. Ngumiti ako at huminga ng malalim bago nagmartsa papunta sa pintuan.

Pagkabukas ko noon ay gulat ako ng makita syang nakatayo sa harap ko.

"Sam.." pagaw nyang tawag sa pangalan ko. Napalitan ang sayang nararamdaman ko sa hindi ko maipaliwanag. May awa, guilt, lungkot, at sakit akong nararamdaman habang nakatingin sa kanya. "L..Liam?" Nauutal kong tawag sa pangalan nya. Umangat ang isang sulok ng labi nito at agad akong nabalot ng mainit nyang braso at yakap.

Habang nakayakap ako sa kanya ay hindi ko napigilan ang paglandas ng luha sa aking mata.

"I miss you, Samantha." Wika nya habang mahigpit na nakayakap sa akin. Pinunasan ko ang mga luhang lumandas sa aking pisngi at pinilit na kumawala sa yakap nya. Mabuti na lang ay bumitaw sya sa yakap at agad tumingin sa akin. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin.

Anong nangyari? Bakit ba sya nakangiti?

Ikinulong nya ang mukha ko sa kanyang palad at pinakatitigan ng mabuti.

"L..Liam, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Bumaba ang kamay nito sa aking mga kamay at hinawakan ang iyon ng mahigpit. "Sam, I can't let you go. Please, don't leave me alone." Pagmamakaawa nya.

"Im sorry." Banggit ko. Hinuli nito ang tingin ko and gave me a warm smile. "Apology accepted." Sabi nya at hinalkan ang noo ko. Napapikit ako ng mariin ng dumampi ang kanyang labi sa aking noo.

"You don't understand, Liam. Im sorry for hurting you." Sabi ko kaya natigilan sya at tumitig sa mata ko. Humigpit ang hawak nito sa aking kamay at nagsimulang mangilid ang luha sa kanyang mata. "Im sorry if I lied to you. Im sorry if I chose him o--." Untag ko pero pinutol na nya ako.

"Don't. Please don't.." sabi nya habang nakatitig sa akin at unti-unting nagsialpasan ang luha sa kanyang mata. "Please don't leave me alone, Sam. If you did I'll die." Sabi nya at niyakap ako.

"Im sorry. Im not the right one for you." Untag ko kaya naman bumitaw ito sa yakap at agad umiling habang umiiyak. "Please, give me a chance. Let's fix this." Hiling nya kaya naman napaiyak na din ako at umiling.

"It's already done. Im really sorry, but I still love him." Sabi ko kaya naman napasabunot sya sa kanyang buhok at napaantras. "No.. no.. you promise me right? Nangako ka na hindi mo ako ipagpapalit? Bakit ganito ang nangyari? Bakit bumalik ka sa piling nya? Hindi ka ba masaya sa piling ko? Ano bang meron sya na wala ako? Minsan ka na nyang sinaktan pero bakit pinili mo pa din sya?" Tanong nya.

Still Into You (BedSpacer#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon