#STILLINTOYOU
Samantha point of view
Bumalik ako sa loob ng venue at umupo muli sa tabi ni Liam. Ngumiti ito sa akin at hinawakan ang kamay ko pagkatapos ay hinalkan nya iyon. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. May sineset up na stage sa unahan habang may tugtog na nakakaindak.
Nahagip ng mata ko si Dwight na pumasok na habang nakapamulsa ito at seryoso ang tingin sa akin habang naka half open ang bibig nya. Napasinghap ako at iniwas ang tingin. Buiset. Anong problema ng lalaking 'to? Itataboy-taboy nya ako noon tapos ngayon sasabihin nya na bumalik ako sa kanya? Ano ako bale? Hinding-hindi na ako babalik sa kanya. Mas gugustuhin ko pa sa relasyon namin ni Liam, kahit hindi ganoon kaperpekto ang relasyon namin ay okay na sa akin ito. At hinding-hindi ko na sya papakawalan.
Umupo si Dwight sa harap ko habang nakatingin pa din sa akin. Kinabahan ako dahil sa tingin nya. Kinakabahan ako dahil baka mapansin ni Liam ang pagtitig nya sa akin. Hindi alam ni Liam na magkakilala na kami ni Dwight, at worst pa nun, ex ko sya. Wala akong balak sabihin ito kay Liam, dahil nakaraan na yun.
"Brad mag eenjoy ka mamaya. Baka makahanap ka ng ka-date mo sa auction." Masiglang sabi ni Liam kaya naputol ang titig sa akin ni Dwight. Ngumiti ng pilit si Dwight at nag chuckle. Bago pa sumagot si Dwight ay naagaw ang atensyon ng lahat ng isang babaeng nagsalita sa mic. Pumalakpak kami habang nakatingin dito.
"Goodevening ladies and gentlemen. We're here gathered at Urban Life Hotel to have their 15th year charity event. We 're kindly asking for your participation to the success of this auction." Saad ng babae. Napatango naman ako at naramdaman ang kamay ni Liam sa balikat ko. Tumingin ako dito at ngumiti pero bago ko ibalik ang tingin sa emcee ay napatingin ako kay Dwight na nakatiim ang bagang habang nakatingin sa kamay ni Liam. Inirapan ko na lamang ito at itinuon ang atensyon sa unahan.
Anong problema nya? Tatlong taon ang nakalipas, at wag nyang sabihin sa akin na sa tatlong taon na yun ay hindi pa sya naka move on? Imposible. Sa tinik nya sa babae? Imposibleng hindi sya naka move on. Hindi naman sya tanga para ma-stuck sa isang katulad ko. Kaya nga nya kasama si Margaret dahil ayan yung girlfriend nya, gusto nya pa ata ako gawing kabit? Ano ako tanga? Nagpaka tanga na ako sayo noon pero hindi na ngayon.
"Ang perang malilikom sa auction na ito ay ibabahagi sa napiling organisasyon na tinutulungan ng Urban Life Hotel. We come up with this kind of auction because this way, we we're able to collect money from you guys! Haha. And besides, we didn't expect that many pretty girls or should I say elegant ladies would be attending this night. So, let's start the ball rolling.." saad nung emcee at tumingin sa card na hawak nya.
Pumalakpak kami at napatingin sa babaeng tumabi kay Margaret habang pawis na pawis. Nanlaki ang mata ko ng makita si Juli. Kinulbit nito si Dwight at nag okay sign tapos ay napatingin sa akin. Nagulat ito at parang nakakita ng multo ng makita ako.
"Ms. Sam?" Tawag nya sa akin na syang ikinataranta ko. Sumikip ang aking paghinga habang nakatingin sa kanya. Napatingin ako kay Dwight na nakahawak sa sentido nya at napapailing. "Kilala mo sya baby?" Tanong ni Liam sa akin at hinuli ang tingin ko.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Putik! Anong gagawin ko? Namamawis ang kamay ko habang nakapatong ito sa lap ko. Tumingin ako kay Liam at nag isip ng palusot.
"A...ano, oo. K..kaklase ko sya noon. H..hindi ko ba nabanggit si Juli s..sayo?" Palusot ko. Napataas naman ang kilay ni Liam at napatango. "Oh really? Hindi mo kasi sya nabanggit." Saad ni Liam. Napatingin ako kay Kate na nakatingin din sa akin habang nakakunot ang noo.
"Kaklase ba ki.." hindi na natapos ni Juli ang sasabihin nya dahil tiningnan sya ng masama ni Dwight. Na-gets naman siguro ni Juli ang tingin nya kaya humalakhak ito. "Oo! Friend, ang ganda mo na! Ang tagal natin hindi nagkita.!" Natatawa nyang saad habang nakatingin sa akin. Napilitan din ako sa pagtawa ay tumango. "O..oo nga friend. Hehe.." sagot ko at tumingin kay Liam. Nakangiti din ito sa akin.

BINABASA MO ANG
Still Into You (BedSpacer#2)
RomansaShe is almost over him. But then, he came back. Does their love still have a second chance? My Bed Spacer Lover Book 2. Written By Drone_Ranger.