Epilogue

7.7K 228 24
                                    

#STILLINTOYOU

Dwight point of view

"Apple anak, upo ka lang jan ha?" Sabi ko sa anak ko na iniupo ko sa ibabaw ng kama dahil kakatapos ko lamang ito paliguan. Tumingin ako sa relo ko bagos ay pumunta ulit ng bathroom para kunin naman si Peaches.

May chika ako sa inyo, kambal ang anak namin ni Sam. Haha. Ang galing ko no? Parang hit two birds in one stone. Napangiti ako at binuhat si Peaches na pinaglalaruan na ang sabon. Napahinga ako ng malalim at hinugasan ang kamay nya bago kami lumabas sa bathroom. Inilapag ko si Peaches sa ibabaw ng kama pero nawawala si Apple.

"Apple anak." Tawag ko at nakarinig ako ng pagtawa sa ilalim ng side table. Nakita ko si Apple na humahagilhil habang nakatingin sa akin. Kinuha ko sya at inihiga silang kambal sa kama para malagyan ko na ng pampers.

Oo aaminin ko, mahirap magkaroon ng kambal. Hirap ka sa pagbabantay kasi hindi lang isa ang babantayan mo, kundi dalawa. Tapos kung ganito pa kakulit ang dalawa, nako! Kaya hindi na namin masundan ang dalawang ito. May time pero hindi masyadong napagtutuunan ng atensyon. Kaya nga sad ako e. Si Sam, busy sa trabaho nya kaya kapag wala akong masyadong ginagawa sa office, umuuwi agad ako ng maaga para maalagaan sila.

"Up, up." Sabi ni Apple na gustong magpakarga sa akin. Napailing ako at inihiga sya at nilagyan ng diaper. Hindi ko pa naaayos ang diaper ni Apple ay tinulak ni Peaches ang lampshade na nakapatong sa side table. Mabuti na lang at mabilis ang time reaction ko at nasambot iyon. "Bad yun, Peaches." Sabi ko kay Peaches at inihiga na din sya at nilagyan ng diaper. Nang maayos ko na ang diaper ay sinuotan ko sila ng damit ay ibinaba ko sila sa kama kaya naman walang tigil sila sa pagtakbo at paglalaro.

Napaupo ako sa kama at tiningnan ang relo ko. Pasado alas singko na ng hapon kaya malamang ay pauwi na si misis. Isang taon na ang kambal namin kaya naman siguro pwede na namin silang sundan. Pero ewan ko ba kay Sam, umiiwas ata. Haay.

Narinig kong tumunog ang phone ko kaya naman kinuha ko agad yun sa bulsa at sinagot ang tawag.

[Hello, asawa ko..] malambing nyang bungad. Umakyat ang dugo sa aking pisngi ng marinig ang boses nya. Ayiee. [Hi, asawa ko.] Bati ko din habang nakamasid sa dalawa na naglalaro ng barbie nila. [Kamusta yung kambal?] Tanong nya.

Napahinga ako ng malalim at napakamot sa ulo.

[Naglalaro sila. Ang kulit nga e.] Reklamo ko. Rinig ko syang nag chuckle kaya napangiti ako. [Gusto ko sila marinig.] Sabi nya kaya naman tumayo ako at lumapit sa kambal. Ni-loud speaker ko para marinig nung kambal ang sasabihin ni Sam.

[Peaches, Apple..] tawag ni Sam sa pangalan ng kambal. Tumingin ang dalawa sa phone at inagaw ni Apple iyon. [I..nay! Inay!] Tawag ni Apple kaya napatawa ako. Rinig ko din ang pagtawa ni Sam sa kabilang linya. Inagaw ni Peaches ang phone kay Apple kaya naman umiyak si Apple. Binuhat ko si Apple at pinapatahan. [Nay.. uwi kana.] Turan ni Peaches. Napangiti ako habang si Apple ay hindi pa din tumatahan.

[Sige, uuwi na si Inay ha? Bigay mo kay Tatay ang phone.] Sabi ni Sam. Inabot ko ang phone kay Peaches kaya naman nagpatuloy maglaro si Peaches. Buti pa itong si Peaches, hindi iyakin. Samantalang si Apple, parang papaya. Kaunting sundot lang iyak na agad. [Bakit asawa ko?] Tanong ko.

[Pauwi na ako. Sorry ha, dapat ako nag-aalaga sa kanila.] Hingi nya ng paumanhin kaya naman napatawa ako. [Ano kaba, anak naman natin ito. No need to be sorry.] Sabi ko kaya natagalan sya sumagot.

[Get home safely huh? Hinihintay ka ng kambal at ng gwapo mong mister.] Sabi ko kaya napatawa sya. [Opo. Sige na, Iloveyou.] Sabi nya. Kinagat ko ang aking labi. [Iloveyou more. Ingat.] Sabi ko tapos ay pinatay na nya ang tawag.

Still Into You (BedSpacer#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon