#STILLINTOYOU
Dwight point of view
Sumakay ako sa kotse ko at nagdrive papunta kay Margaret. Mabilis ang tibok ng puso ko habang nakahawak sa manibela. It's my fault for letting her stay by my side, but I told her that there's no future for us. Hindi nya ba maintindihan yun? Hindi ko naman kasalanan na mas mahal ko si Samantha. Sya lang palagi. Yes, I made a wrong decision for letting her go, that's why I'm doing my best to get her back. Kahit mukhang hindi ako magtatagumpay dahil ipinangdidikdikan nya sa akin na mahal nya si Liam.
It hurts. It fcking hurts. I had her once, but I let her go. And now I'm begging her to come back to me. Im begging her to love me again just like before. Im such a stupid for pushing her away. Alam ko na sobrang sakit ng dinulot ko sa kanya, at hindi ko alam kung may kaunting pag-asa pa na bumalik sya sa akin.
Huminto ako sa tapat ng bahay ni Margaret at agad ay naglakad papunta sa pinto. Pinindot ko ang doorbell pero walang sumasagot o nagbubukas ng pinto. Namamawis ang mga kamay ko at inabot ang doorknob. Pinihit ko iyon dahilan para bumukas, hindi nya inilock ang pinto? Agad akong pumasok at iginala ang tingin sa paligid. It's so quiet. Nabibingi ako sa katahimikan.
"Margaret!" Tawag ko sa pangalan nya at hinanap sya sa kusina. Wala ang presensya nya duon kaya agad akong umakyat sa hagdan papunta sa kwarto nya. Pagkapasok ko ay narinig ko ang paglagaslas ng tubig mula sa bathroom nya. Dahan dahan akong naglakad papunta sa bathroom at nanlaki ang mata ko ng makita si Margaret na balisa habang may hawak na blade at nakahanda ng saktan ang sarili nya.
My heart beats so fast as I look at her face who is willing to end her life. Agad ko syang nilapitan at inagaw ang blade sa kanyang kamay at niyakap sya ng mahigpit. Rinig ko ang paghikbi nya at pilit nya akong itinutulak palayo.
"Stop it." Sabi ko habang nakayakap pa din sa kanya. Pilit nya pa din akong itinutulak kaya bumitaw ako sa yakap at hinawakan ang balikat nya habang nakatingin ng seryoso sa kanya. "Don't do that again! Fcking please!" Pagmamakaawa ko. Ayokong nakikita sya na umiiyak lalo na't ako ang dahilan. Gusto kong ibalik ang pagmamahal at atensyon na ibinibigay nya sa akin, pero hindi ko kaya.
Sya ang kasama ko nang iwan ako ni Sam. I told her our story. Every single detail of it, but I don't mention Samantha's name. Nakita nya ang panahong sirang-sira ako at walang hinahanap kundi si Sam. Siguro masakit para sa kanya na manatili sa tabi ko kahit hindi naman sya ang hinahanap ko. I feel pity for her, but I can't love her back. Kaibigan ko lang sya, kahit sinabi ko na sa kanya na wag syang mag-eexpect sa aming dalawa dahil nakatali ang puso ko sa iisang babae.
"Leave me alone! I want to end my life. I want to end my pain!" Sambit nya. Niyakap ko na lang muli sya hanggang sa umiyak sya ng umiyak sa balikat ko. I wish one day, she find her one true love. Ayoko na ma-stuck sya sa akin. Ayoko na maging katulad ko sya, na naghihintay sa iba kahit alam na naman sa sarili na wala na talaga.
Ilang minuto ay kumalma si Margaret habang nakayakap pa din sa akin. Kahit yakap ko lamang sya ay ramdam ko ang sakit na pinagdadaanan nya. Gusto kong pawiin lahat yun, pero hindi ko alam kung paano.
"Why can't you love me?" Pambabasag nya sa katahimikan at bumitaw sa yakap ko at tumingin ng seryoso sa mata ko. Her pretty eyes are now swollen because of me. Hinawakan ko ang kamay nya ng mahigpit at tumingin sa kanya. "Im sorry for causing you a lot of pain." I simply said. Lumandas na naman ang luha sa kanyang mata kaya pinunasan ko ang pisngi nya. Hinuli nya ang kamay kong pinunasan ang pisngi nya at hinalkan iyon.
"Kahit paulit-ulit mo akong saktan, okay lang. Mahal na mahal kita, Dwight." Sabi nya habang seryoso ang tingin sa akin. Iniwas ko ang tingin ko at tiningnan ang kamay naming magkahawak na nakapatong sa lap nya. "Hindi mo kailangan syang hintayin o habulin para mahalin ka nya ulit. Nandito ako, Dwight." Sabi nya gamit ang pagaw nyang boses. Binalik ko ang tingin ko sa kanya pagkatapos ay umiling.
BINABASA MO ANG
Still Into You (BedSpacer#2)
RomansaShe is almost over him. But then, he came back. Does their love still have a second chance? My Bed Spacer Lover Book 2. Written By Drone_Ranger.