#STILLINTOYOU
Samantha point of view
Lumipas ang isang linggo. Sa isang linggong iyon, hindi nagparamdam at nagpakita si Dwight. Siguro naman tinupad na yung pabor na hiniling ko sa kanya. May kaunting tuwa pero may sakit din dahil sa nangyari. Kailangan ko pa tuloy maghanap ng bagong lupa para sa bago kong business. Tapos na din ang deal ko sa kanya, kaya naman hindi ko na kailangan magsinungaling kay Liam.
"Sam.." tawag ni Liam kaya naman tumingin ako sa kanya. Pinuntahan ko si Liam sa opisina nya kaya niyakag nya ako kumain. "Nakikinig ka ba? Kanina pa kita kinakausap.." sabi nya. Iginala ko naman ang tingin ko sa paligid bagos ay tumingin ulit sa kanya. Kanina pa ba ako pre occupied? Grabe. "Ha?" Tanong ko kaya inabot nya ang kamay ko at hinawakan iyon.
"May problema ba?" Tanong nya habang nakatingin ng seryoso sa mata ko. Binaba ko ang kutsara na hawak ko tapos ay sinalubong ang tingin nya. Kinagat ko ang aking labi. Bakit ba ganito? Si Liam ang kasama ko pero si Dwight ang iniisip ko. Bakit ko pa sya iniisip e hiniling ko na naman na umalis sya sa buhay ko. Ngayong wala na sya, bakit iniisip ko pa din sya? Umasta kang walang pakialam sa kanya okay?
"W..wala." sagot ko. Naputol ang tingin ni Liam tapos ay napangiti pero pilit lang iyon. Tinanggal nya ang pagkakahawak nya sa kamay ko at sumandal sa upuan. "You don't trust me right?" Tanong nya kaya agad akong umiling.
"Hindi sa ganon. A..ayoko lang na pati ikaw mamroblema." Paliwanag ko at kinagat ang aking labi. Inabot nya muli ang kamay ko at tumitig sa mata ko. "Boyfriend mo ako. Lahat ng problema mo, dapat alam ko diba?" Sabi nya. Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin.
"Y..yung lupa kasi na balak kong bilihin, may nakabili na." Sabi ko. Tumaas ang kilay ni Liam. Isa pa itong pinoproblema ko. Gustong-gusto ko pa naman talaga ng pwestong iyon, pero hindi na maaari. Kasi kung ang kapalit nun ay ang pagiging malapit kay Dwight at ang pagsisinungaling ko kay Liam, mas mabuti na igive up ko na yun.
"Edi maghahanap ulit tayo ng iba." Suhestyon nya. Ngumiti sya sa akin kaya ngumiti ako ng pilit. Gusto ko talaga yun e, ayoko na maghanap pero anong magagawa ko? Kailangan ko talaga maghanap. "You should eat. You look pale." Sabi nya at iniabot sa akin ang kutsara kaya naman ngumiti na ako at kumain. Sumulyap ako kay Liam na nakamasid sa akin.
Hanggang sa matapos kaming kumain ay nakatingin sa akin si Liam. Naiilang tuloy ako at parang hindi nabusog dahil sa titig nya. Hay. Niyakag na nya ako umalis kaya naman inihatid nya ako sa aking kotse bago sya pumasok sa opisina nya.
"Drive safely, okay." Sabi nya at ginulo ang buhok ko. Ngumiti naman ako at tumango. "Iloveyou.." malambing nyang saad. Pero pakiramdam ko dati kapag sinasabi nya ito, kinikilig ako at nakakaramdam ng paro paro sa tiyan pero ngayon, parang normal na lang lahat. Siguro dahil sa matagal na kami. "Iloveyou too." Sagot ko at hinalkan sya sa labi. Mabilis ko lang syang hinalkan tapos ay pinagbukas nya ako ng pinto. Pumasok ako dun at sumakay na. Naglagay muna ako ng seatbelt bagos pinaandar ang kotse. Tumingin ulit ako kay Liam na kumakaway kaya naman ngumiti ako tapos ay umalis na.
Nagdrive ako pabalik sa shop ko. Binuksan ko ang radyo para naman mawili ako at hindi ako makapag isip ng kung ano ano pero hindi ko talaga kayang gawin iyon. Lumiko ako papunta sa kompanya nya at ilang sandali ay huminto ako sa tapat nun. Mataas at malawak ang kompanya nya. Nakaupo ako sa driver seat habang tinitingnan ang main entrance ng kompanya nya. May nagsisilabasan na empleyado marahil dahil lunch break na. Nanatili ako dun ng ilang minuto, dahil nagbabaka sakali na makita sya, pero wala. Inapakan ko muli ang gas ng kotse ko at umalis dun.
Habang nagdadrive, pinipitik ko ang noo ko. Ano bang iniisip ko? Bakit ko sya gustong makita? Siguro gusto ko lang malaman kung okay lang ba sya? Pero bakit? Diba dapat wala na akong pakialam sa kanya? Diba dapat ganon? Pero bakit ganito? Parang nag-aalala pa ako sa kanya. Hay! Sasabog na ang utak ko. Buiset!
BINABASA MO ANG
Still Into You (BedSpacer#2)
RomanceShe is almost over him. But then, he came back. Does their love still have a second chance? My Bed Spacer Lover Book 2. Written By Drone_Ranger.