XXIX

5.5K 143 10
                                    

#STILLINTOYOU

Samantha point of view

Agad kong naisara ang pintuan ng condo ko at napasandal dun. Panay ang paghikbi ko dahil sa mga nangyari. Hindi dapat nangyari ito. Hindi dapat naaksidente si Liam. Hindi nya dapat nararanasan ang sakit at paghihirap na tinatamo nya ngayon.

"Sam, open this door!" Bulyaw ni Dwight sa labas habang kinakatok ang pintuan. Niyakap ko ang tuhod ko at umiyak ng umiyak dun. "Asawa ko.. please, open this goddamn door!" Matigas at mautoridad nyang utos. Tumayo ako at humiga sa couch ko habang umiiyak.

Ano bang ginawa nya para gawin ko ito sa kanya? Bakit kailangan nyang maranasan ang mga ganitong bagay? Eh wala nga syang ginawa kundi ang mahalin ako, tapos ito pa ang igaganti ko?

Yung galit nya kanina, yung pag-iyak nya, bakas ang sakit doon. Wala syang kaalam-alam sa nakaraan namin ni Dwight kaya para syang tanga. Tapos naaksidente pa sya ng dahil sa akin. Gusto ko ng mamatay, ayoko ng mamroblema.

Napaigtad ako ng biglang kumalabog ang pintuan at bumukas iyon. Niluwa nun si Dwight na seryoso ang mukha pero nagbago ang mukha nito ng makita akong umiiyak. Mabilis itong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Nandito na ako.. wag kana umiyak please." Pagmamakaawa nya. Hindi ko pwedeng itago na lamang ang mga luhang nais umalpas sa aking mga mata. Niyakap ko din sya ng mahigpit at umiyak sa balikat nya. "K..kasalanan ko ito." Nauutal kong untag habang humihikbi. Bumitaw si Dwight sa yakap at ikinulong ang mukha ko sa palad nya at pinakatitigan ako ng mabuti. Pinunasan nya ang luhang lumalandas sa aking pisngi.

"Walang may gusto nito okay? Wag mo sisihin ang sarili mo." Sabi nya at hinalkan ang noo ko. Napapikit ako ng maramdaman ang halik nya sa akin. Tumayo ito tapos ay dinala ako sa kwarto. Inihiga nya ako sa kama ko at umupo sya sa gilid. Tinanggal nya ang heels na suot ko pagkatapos ay nilagyan nya ako ng kumot. Ngumiti ito sa akin.

"Dwight, gusto ko syang makita.." untag ko. Natigilan si Dwight dahil sa sinabi ko. Hinaplos nya ang buhok ko habang nakatingin sa akin. "Hindi pa pwede, Sam. Hayaan mo muna natin syang magpagaling.." seryoso nyang turan. Huminga ako ng malalim at napaisip.

Birthday ngayon ni Liam pero nasa ospital sya. Gusto ko din mag sorry kay Tita Sandra at Tito Martin dahil sa mga ginawa ko. Hindi ko alam kung kaya kong humarap sa kanila, pagkatapos ng mga dinulot ko sa anak nila.

"Magpahinga kana." Sabi ni Dwight at hinalkan ako sa noo. Tatayo na sana ito pero inabot ko ang kamay nito kaya napatingin sya sa akin. "D..dito ka lang. Wag mo akong iiwan." Sabi ko. Ngumiti si Dwight at tumango.

"Oo, dito lang ako. Hinding-hindi kita iiwan." Sabi nya. Huminga ako ng malalim dahil panatag na ang aking loob. Pakiramdam ko ay palagi akong protektado kapag nandito si Dwight. Pinikit ko ang mata ko at nagpadala na sa ugoy ng antok dahil na rin sa pagod.

Bumangon ako ng wala na si Dwight sa tabi ko. Nag-iwan sya ng mensahe na kailangan nyang pumunta sa opisina, pero babalik din daw agad ito. Napagpasyahan ko din na hindi ako pupunta ngayon ng shop. Parang wala pa ako sa kondisyon dahil sa mga nangyari.

Humiga ako sa couch at tiningnan ang phone ko. Gusto ko tawagan si Liam, pero natatakot ako. Napapangunahan ako ng takot at kaba kapag napapag isipan ko na tawagan sya. Huminga ako ng malalim at niyakap ang isang throw pillow ng mahigpit.

Hindi lang sa emosyon ko nasaktan si Liam, pati na rin sa pisikal. Naiinis ako sa sarili ko. Kung sana ay naipagtapat ko ang lahat ng mas maaga, baka hindi nangyari ito sa kanya. Hindi sana sila nagpalitan ng suntok ni Dwight, hindi sana sya naaksidente, hindi sana sya nakahandusay sa ospital, at hindi sobra sobra yung sakit na naranasan nya. Kahit natatakot ako, gustong-gusto kong makita si Liam. Gusto kong magsorry sa kanya, sa lahat ng nagawa ko. Tatanggapin ko ang masasakit nyang salita, dahil nararapat lang iyon sa akin.

Still Into You (BedSpacer#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon