II

8K 186 10
                                    

#STILLINTOYOU

Samantha point of view

Pumasok kami ni Kate sa subdivision kung saan nakatayo dati ang bahay ko pero hindi ko yun matunton. Huminto ako sa isang malaking bahay na sa pagkakaalam ko ay dito mismo nakatayo ang bahay ko. Binaba ko ang salamin ng kotse ko at sinuri ng mabuti ang bahay. May mataas itong gate at tingin ko ay pinupuno ng nagmamahaling sasakyan ang garahe nun.

"Ayan ba yung bahay mo? Akala ko ba maliit lang yun?" Tanong ni Kate na lumapit din ng kaunti sa akin para makita nya ng mabuti ang bahay. Hindi ako maaaring magkamali dahil dito mismo nakatayo ang bahay ko, pero nasaan na yun? "Ewan. Pero dito nakatayo yung bahay ko noon." Sagot ko. Binatukan naman agad ako ni Kate kaya tiningnan ko sya ng masama.

"Baka nagkamali lang tayo." Walang gana nyang saad. Binalik ko ang tingin ko sa bahay. Hindi ako maaaring magkamali. Ginugol ko na ang labing siyam na taon ko dito sa lugar na ito kaya hindi ako maaaring magkamali. Biglang bumukas ang gate at may lumabas na isang yaya na nagtatapon ng basura. Agad akong bumaba at lumapit sa matandang babae na inaayos ang pagkakalagay ng basura.

"Ahmm, excuse me po. Pwede po magtanong?" Tanong ko sa babae. Tumingin naman ito sa akin pagkatapos ay ngumiti. "Oo naman iha. Ano ba yun?" Tanong nya pabalik. Ibinulsa ko ang kamay ko at tiningnan muli ang bahay pagkatapos ay binalik ang tingin sa babae.

"Sino po yung nakatira sa bahay na ito?" Tanong ko. Tumingin yung babae sa bahay tapos ay tumango. "Ah, si Sir.." naputol ang sasabihin nya dahil tinawag sya ng isang lalaking naka barong na mukhang galit. "Bilisan mo. Malapit na umuwi si Sir." Matigas na saad nung lalaki.

Hindi naman mapakali ang matandang babae kaya lumakad na ito. Hinawakan ko ito sa braso nya. "Teka lang po, hindi nyo pa po nasasagot yung tanong ko." Saad ko. Nakatingin lang ito at ibubuka na sana ang bibig kaso ay tinawag muli sya ng lalaking sa tingin ko ay driver o di kaya ay butler ng may ari ng bahay na 'to.

Nagpumiglas ang matandang babae at dali-daling pumasok sa gate at sinara iyon. Kumunot ang noo ko. Sayang, hindi nasagot nung babae ang tanong ko. Pero hindi ako maaaring magkamali, dito mismo nakatayo yung bahay ko. Pero nasaan na yun? Nagkamali lang ba talaga kami?

Bumalik ako sa kotse ko at huminga ng malalim. Ano ba 'to? Gulong-gulo na ang utak ko. Nung isang araw, may bumibisita sa puntod ng magulang ko. Tapos ngayon naman, hindi ko matunton ang bahay ko.. pero sure ako na dito mismo nakatayo yun. Aish!

"Mag mall na lang tayo!" Saad ni Kate. Tumango ako sa kanya dahil gusto ko din muna magliwaliw. Itinaas ko na ang bintana ng kotse ko at pinaandar ang sasakyan at umalis sa lugar na yun.

Ilang minuto ay narating namin ang mall. Nag park agad ako tapos ay bumaba kami ni Kate. Habang naglalakad ako ay katext ko si Liam. May meeting ito ngayon kaya hindi daw sya makakasabay sa lunch. Naaawa ako kay Liam dahil nauubos na ang oras nya sa trabaho. Well, ikaw ba naman ang magpatakbo ng naggagandahan at naglalakihang hotel dito sa bansa, ewan ko lang kung di ka maging busy.

"Kumain muna tayo." Saad nya tapos ay hinila ako sa isang restaurant. Umupo kami sa isang sulok katabi ay bintana. Lumapit yung waiter sa amin tapos ay inabot yung menu. Pagkatapos namin pumili ay nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya nagpaalam ako kay Kate na pupunta muna akong restroom.

Habang naglalakad ako papunta sa restroom ay nagtetext ako. Hindi ko mapigilan ang ngiti dahil sa nakakakilig na text ni Liam. Tiningnan ko ang daan at medyo malayo pa ako sa women's restroom kaya patuloy ako sa pagtitipa ng mensahe kay Liam hanggang sa may nabangga akong matigas na bagay.

"Sorry.." baritonong saad ng isang lalaki na syang ikinatigas ng katawan ko. Hindi ako nag atubiling lumingon dahil kilala ko ang boses na yun. Hindi ito tumigil at dire-diretso ito sa paglalakad. Narinig ko ang mga yabag nyang palayo na sa akin kaya nilingon ko iyon at tanging likod lang na ang nakita ko.

Still Into You (BedSpacer#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon