#STILLINTOYOU
Dwight point of view
Try to read this chap while playing the song.
After 1 month..
I stood up straight as the bell rang signal that my bride is already here. My heart start to beats so fast as the pianist hits the keyboard. Today is the day, which I waited the most. Everyone is invited, to witness me and Sam saying our wedding vows in front of everyone, and especially God.
Napangiti ako ng maglakad ang aking best man na si Liam. Oo, si Liam. Okay na kami. Teka? Ayos naman talaga kami bago kami naghiwa-hiwalay ah. Nagpakalayo-layo sya. He flew to New York to start his new life. But when I sent him the invitation, I didn't expect that he will be attending this day. Well, I must say he's a very good person and a guy. I hope he will find his girl sooner or later.
Ngumiti sa akin si Liam at tinap ang balikat ko kaya nginitian ko din sya. Pumuwesto ito sa likuran ko at binaling ang tingin sa mga abay naming naglalakad sa aisle. Gray ang napili naming motif dahil iyon ang gusto ni Sam. Hindi rin kami kumuha ng madaming abay dahil gusto namin ay simple lang ang kasal namin, at ang mga taong importante lamang sa amin ang nandito.
Hindi uso sa amin ang beach wedding o kahit ano pang style ng wedding. Gusto ko mismo ganapin ang kasal namin sa tahanan ng Diyos dahil gusto kong magpasalamat sa Kanya. Gusto ko mismo iharap ang babaeng mahal ko, sa Diyos na syang nagbigay at naglapit sa aming dalawa.
Sina Clark at Kate na ang naglalakad kaya nagsimula nang mangilid ang luha ko. Nakasara ang pinto kaya hindi ko makita ang babaeng mahal na mahal ko. Tinanguan ako ni Clark kaya naman ngumiti ako sa kanya. Nang makapunta na sa kani-kanilang uupuan ay sabay-sabay kaming nag-abang sa pintuang nakasara.
Tumataas ang balahibo ko, at mabilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko akalain na aabot talaga kami sa ganito. Totoo nga pala na sa hinaba-haba ng prosisyon, sa simbahan din ang tuloy. Tama, dahil sa haba ng pagtitiis ko pati sya, kahit minsa'y kinamuhian na nya talaga ako, nagpapasalamat ako na dito pa rin kami tumuloy. Sa kasalan din nauwi ang lahat.
Mas lalong tumaas ang balahibo ko ng tumaas ang key ng keyboard kasabay ng pagbukas ng pinto at niluwal noon ang soon to be misis ko suot ang napaka ganda nyang wedding gown. Hindi ko napigilan ang paglandas ng luha sa aking mata habang tinitingnan syang magsimulang maglakad sa gitna. Everyone is looking at her. Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi pero ayaw magpaawat ng mata ko dahil sa sayang nararamdaman ko. Ang saya saya ko. Ang saya saya ko dahil nakita ko sya na handang pakasalan ako.
Huminga ako ng malalim at ng makaabot na sya sa may tapat ko. Nangangatog ang aking mga tuhod at nangangatal ang aking kamay habang nakatingin sa kanya. Walang pagsidlan ang sayang aking nararamdaman ngayon. Ngumiti ito sa akin kaya naman iniangat ko ang aking kamay at inabot ang kamay nya. Hindi pa din bumabalik sa normal na tibok ang puso ko dahil sa nararamdaman ko. Shet!
Iniangat ni Sam ang kanyang kamay at pinunasan ang luha sa aking pisngi habang nakangiti.
"Don't cry. Im already here." She said. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya. "Im just happy. Very happy." I said then we faced the altar. Nagsimulang mag signed of the cross ang lahat bago tumikhim ang pari.
"Today, we are here gathered to witness two hearts turned into one. Dwight Reyes and Samantha Lee." Sabi ng pari. Hindi ako makapag concentrate at hinawakan ang kamay ni Sam. Tumingin sa akin si Sam at ngumiti bagos ay binalik ang tingin sa unahan. Huminga muli ako ng malalim at nakinig na sa pari.
"Now, please do say your wedding vows." Sabi ng pari kaya humarap ako kay Sam at hinawakan ang magkabilang kamay nito at huminga ng malalim. "Three years ago, I accidentally knocked in your front door to be your bed spacer.." I said while looking straight in her eyes. "I wanna thank Dad and Britt because they're the reason why'd we met." Sabi ko at ngumiti sa kanya. Parang nag flashback lahat sa akin. Simula sa umpisa.
BINABASA MO ANG
Still Into You (BedSpacer#2)
RomanceShe is almost over him. But then, he came back. Does their love still have a second chance? My Bed Spacer Lover Book 2. Written By Drone_Ranger.