#STILLINTOYOU
Samantha point of view
Umayos ito ng tayo ng makita ako. Nakapamulsa ito habang nakatingin ng seryoso sa akin. Naglakad ako papunta sa kinakatayuan nya habang hindi pinuputol ang tingin ko sa kanya. Mabilis ang tibok ng puso ko hanggang sa makarating ako mismo sa kinakatayuan nya. Huminga sya ng malalim.
"I've been waiting you for 3 hours." Panimula nya. Tinaasan ko sya ng kilay. Bakit? Sino bang may sabi na hintayin mo ako? At tsaka paano nya nalaman na dito ako nakatira? Stalker! "Sinabi ko bang hintayin mo ako?" Mataray kong sagot at nilagpasan sya at binuksan ang pinto ng condo ko pero hinablot nya ang braso ko at iniharap ako sa kanya. Nagtiim ako ng bagang at sinampal sya sa kanyang mukha.
Kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha pero hindi pa din nito binibitawan ang aking braso.
"Bitawan mo ako." Mahinahon kong usal. Kuyom ko ang isa ko pang kamay at nagpipigil ng galit. Ang lakas ng loob nya na hawakan ako! Ang kapal ng mukha nya na pumunta dito. "No, unless we talk." Mautoridad nyang saad. Mas lalo kong tiniim ang bagang ko at binawi ang braso ko pero mahigpit ang hawak nya. Napapikit ako ng mariin at kinalma ang sarili.
"Wala tayong dapat pag-usapan, Dwight. Bitawan mo ako." Utos ko pero hindi nya ginawa ang hiling ko. Binuksan nya ang pinto ng condo ko at pumasok kaming dalawa dun pagkatapos ay sinara nya iyon at saka lamang sya bumitaw sa hawak sa braso ko. Masama ang tingin ko sa kanya dahil pumasok sya ng basta basta dito sa condo ko. Hindi sya welcome dito!
"Lumabas ka sa condo ko." Matigas kong utos pero nginisian nya lang ako at humakbang sya palapit sa akin. Nanatili akong nakatitig sa mata nya na parang nakikipaglaro. "Tungkol sa nangyari kagabi.."
"IT'S JUST A ONE NIGHT STAND!" Pagpuputol ko sa sasabihin nya. Kuyom kuyom ko ang magkabila kong kamay habang nakatingin sa mukha nyang bakas ang gulat dahil sa sinabi ko. Ano bang inihahabol nya sa akin? Buiset!
"Hindi lang yun basta basta one night stand, Sam." Seryoso nyang usal. Lumalaki ang butas ng ilong ko dahil sa galit at inis. Ano bang tawag dun? Hindi ba one night stand yun? Anong akala nya na uulit-ulitin namin yun? Nagkamali na ako kaya hindi na ako uulit. Mahal na mahal ko si Liam, at ayoko syang saktan.
"Alam ko mahal mo pa din ako dahil naramdaman ko yun sa halik mo.." seryoso nyang saad na syang ikinangiti ko. Ah talaga? Duon ba nalalaman yun? Buiset! Kung nasa tamang pag-iisip ako ng mga oras na yun hindi ko ilalapat ang labi ko sa mga labi mo!
"Lahat ng naramdaman mo, libog lang lahat yun. Matagal ko nang hindi nakakasama si Liam kaya sayo ko sya hinanap!" Usal ko na syang ikinagulat nya. Yumuko ito habang umiiling kaya umangat ang isang sulok ng labi ko. Tama itong ginagawa ko. Kung ipagpapatuloy ko ito, lalayuan na nya ako at titigilan na nya ako.
"Kaya kalimutan mo na lahat ng nangyari, dahil para sa akin.. one night stand lang ang nangyari.." dagdag ko. Dahan dahan nitong iniangat ang tingin nya at ngumisi sa harap ko. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa nya. Anong pumapasok sa isip nya at nakaka ngisi pa sya ng ganito sa akin? Gusto kong tanggalin ang ngisi nya.
"Kahit ano pang sabihin mo, hindi libog ang naramdaman ko. Kaunting pag-asa na mahal mo pa din ako.." mayabang nyang saad at biglang hinalkan ako. Doon ay nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa nya kaya pilit ko syang itinutulak pero isinandal nya ako sa pader habang nakadampi ang labi nya sa akin.
Hindi ko sya sinusuklian ng halik. Naiinis ako sa kanya dahil sa ginagawa nya sa akin. Bago sya bumitaw sa halik ay hinawakan nya ang magkabila kong braso at tumingin sya sa akin. Nakatiim ang bagang ko habang nakatingin sa kanya. Bastos! Anong karapatan nya na halikan ako?!
BINABASA MO ANG
Still Into You (BedSpacer#2)
RomanceShe is almost over him. But then, he came back. Does their love still have a second chance? My Bed Spacer Lover Book 2. Written By Drone_Ranger.