#STILLINTOYOU
Dwight point of view
Nakahiga ako sa kama ko habang nag iisip. Gusto ko makalimot pero hindi ko alam kung saan mag uumpisa. Napatingin ako sa phone ko ng marinig na tumutunog ito kaya inabot ko iyon at sinagot ang tawag.
[Dwight, wanna hangout?] Tanong ni Clark sa kabilang linya. Bumangon ako at napatingin sa picture ni Sam na nakadikit sa pader. Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. [Huh? Where?] Tanong ko. Narinig ko ang boses ng isang babae sa kabilang linya kaya napakunot ang noo ko.
[Sino kasama mo?] Tanong ko. Narinig kong tumawa sya. [Kate Del Mundo. Punta ka sa Golden Pub. Aasahan kita ha.] He said then the call ended. Napaisip ako, Kate Del Mundo? I heared that name. Tumayo ako at naglakad papunta sa picture ni Sam habang iniisip ang pangalang Kate Del Mundo. Ang tagal kong nakatingin sa picture nya pero iniwas ko din ang tingin ko dun at nagtungo na sa cr para maligo. Maybe I need to unwind. I really tried to forget her, but the more I tried the more I think about her. Fck life!
Lumabas na ako sa condo ko at nag drive na papunta sa Golden Pub. Ilang minuto lang ay narating ko iyon kaya bumaba agad ako sa kotse ko at pumasok doon. Agad kong hinanap si Clark na nakaupo habang may kausap na babae. Lumapit agad ako at umupo sa harap nila. Tiningnan ko ang babaeng kasama nya, then it hits me!
Kate Del Mundo. She is Sam's friend. What a small world. Nakatingin din sa akin si Kate habang gulat. Nginitian ko sya kaya nag iwas sya ng tingin at uminom ng whiskey. "Dwight this is Kate. Kate, he's Dwight." Pakilala ni Clark sa aming dalawa. Umayos ako ng upo at ngumiti.
"I know her." Sagot ko. Nanlaki naman ang mata ni Clark at tumingin kay Kate. "Really?" Tanong ni Clark kay Kate. Tumango naman si Kate at tumingin muli sa akin. Iniiwas ko ang tingin ko at iginala ang tingin ko sa paligid. Nagbabaka sakali na baka kasama nya ang babaeng mahal na mahal ko, pero mukhang wala.
Nagsimula na kaming uminom, at nagkakatuwaan na si Kate at Clark. Marami na ding babaeng lumalapit sa akin pero hindi ko sila ine-entertain. Wala lang kasi ako sa mood. Tumayo si Kate habang hawak ang phone nya kaya napaisip ako kung sino ang kausap nya pero ipinilig ko ang ulo ko dahil sa mga naiisip ko. I can't stop thinking about her. Damn!
"Saan mo sya nakilala?" Tanong ko kay Clark. Uminom ng beer si Clark at inayos ang buhok nya. "Coffee shop." Sagot nya. Napatango ako dahil baka kay Sam na coffee shop nya nakilala si Kate. Lumipat ng upuan si Clark at tumabi sya sa akin habang nag iinuman kami.
Nagulat na lang ako ng may biglang babaeng umupo sa tapat namin habang kasama si Kate. Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya. Her pretty eyes stares at me. Gulat din sya habang nakatingin sa akin. Bakit sya nandito?
"Sam this is Clark. Kilala mo na naman si Dwight diba?" Nakatingin lang ako sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa dibdib nya na medyo nakikita ko na dahil sa blouse na suot nya. "Hi Sam!" Naputol ang tingin nya sa akin ng batiin sya ni Clark. Nag abot sila ng kamay tapos ay binigyan nya ng matamis na ngiti si Clark. Those sweet smiles captivated me.
Tumawa ang medyo lasing na si Kate at ininom ang alak na nasa baso. "Kate lasing kana. Halika na iuuwi na kita." Aya ni Sam pero hindi pumayag si Kate imbes ay inakbayan nya si Sam. Kita ko ang pag ngiwi nya marahil dahil sa bigat ni Kate. Pumaskil ang maliit na ngiti sa labi ko. "Ano kaba? Magsaya ka naman! Hindi yung puro ka trabaho." Sambit ni Kate at tumayo. Tumingin sya kay Clark. "Clark sayaw tayo." Aya nya kaya tumango si Clark bagos ay tumingin sa akin pero umiling ako. Hindi ako sumasayaw. Inaya ni Kate si Sam pero tumanggi din ito.
Sinundan ng tingin ni Sam sina Clark at Kate bagos ay tiningnan ako ng masama kasabay ng pagbato nya ng tissue na nakalapag sa mesa sa akin.
"Tell your friend to stop hitting my friend!" Naiinis nyang saad. Ininom ko ang alak at tinaasan sya ng kilay. "Bakit ka na nag aalala sa kaibigan mo? Clark is a good guy." Sambit ko pero hindi sya nagpatinag. Inabot nya ang whiskey na nakapatong sa mesa kaya kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Kailan pa sya natuto uminom?
BINABASA MO ANG
Still Into You (BedSpacer#2)
RomansaShe is almost over him. But then, he came back. Does their love still have a second chance? My Bed Spacer Lover Book 2. Written By Drone_Ranger.