XIX

5.6K 130 10
                                    

#STILLINTOYOU

Samantha point of view

Napailing na lang ako habang tinitingnan ang mga updates sa lupa. Napahawak na lang ako sa aking sentido habang tinitingnan iyon. Ang tagal naman nila ilipat iyon sa pangalan ko! Grabe, aabutin na ata ng isang buwan yun eh! Pwede nga ata ng isang linggo yun tapos yung kanila aabutin ng isang buwan? Hay.

Naagaw ang aking atensyon dahil sa isang text. Kumunot ang noo ko at kinuha ang phone ko para basahin ang text. Tumaas ang kilay ko ng makita ang pangalan nya.

From: Dwight

Come to my condo. 20 minutes.

Tumaas lalo ang kilay ko dahil sa nabasa kong text nya. Huh?! Pagkatapos nya ako sigaw sigawan?! Pinalabas nya pa ako na ako ang masama? Eh ako na nga ang dumamay sa babaeng sinaktan nya. Hindi na no! Bahala ka sa buhay mo! Kailangan mo lang ako kapag may kailangan ka sa akin? Buiset ka! Pero bago ko pa ilapag ang phone ko ay nagtext muli sya.

From: Dwight

Remember the deal.

Napamura ako sa aking isipan. Buiset! Talagang namba-blockmail ang lalaking ito ha? Buiset sya. Pasalamat sya at kailangan ko syang pakisamahan hanggang mailipat na sa akin yung lupa dahil kapag nangyari na iyon, hinding-hindi ako susunod na parang aso sa kanya. Psh.

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko tapos ay nagmartsa na papuntang pintuan pero bumungad si Liam na nakangiti sa akin. Nagulat ako dahil nakita ko sya ngayon.

"Hi, going somewhere?" He asked. Pinutol ko naman ang tingin ko at napakamot sa batok. Ano ba ito? Hindi ko naman pwede sabihing pupuntahan ko si Dwight. "Nah, lalabas lang sana." Sabi ko kaya naman inabot nya sa akin ang isang paperbag. Sinilip ko ang laman nuon habang sya ay malaki ang ngiti sa akin.

"Ano ito?" Tanong ko sa kanya. Umakbay naman sya sa akin at inilapit sa akin ang sarili. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sobrang lapit ng mukha nya sa akin, at naamoy ko ang mabango nyang hininga. "A gift." Sabi nya at nagnakaw ng halik sa akin. Nanlaki ang mata ko habang nakatulala sa kanya.

"Wa..wala namang okasyon diba?" Nauutal kong untag dahil nawiwindang ako sa ginawa nya. Bakit kaya iba yung aura ni Liam? Masyado syang masaya. "Hindi naman kailangan ng okasyon para bigyan ka ng regalo diba?" Paliwanag nya. Napanguso na lang ako at dahan dahan tumango dahil may sense naman yung sagot nya.

He intertwined our hands as he look at me seriously. Pagkatapos ay hinawakan nya ang aking batok at unti-unting inilapit ang mukha nya sa akin. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko hanggang sa naramdaman ko ang kanyang labi sa aking labi. It was a passionate kiss. Damn!  Nabitawan ko ang paperbag na hawak ko pati na ang bag ko at inilagay ang aking dalawang kamay sa kanyang balikat. I press myself on him and feel his masculine body. Damn! He bit my lower lip and deepen his kiss. Sinalubong ko ang munting bisita na pumasok sa bibig ko. Mas idiniin ko ang aking sarili habang sinasalubong ko ang dila nya sa akin. Nauuhaw ako, at naadik sa halik nya. He break the kiss and both of us gasp for air. Idinikit nya ang kanyang noo sa aking noo habang nakatingin sa mata ko. Those eyes, those pretty eyes which I love the most.

"Iloveyou.." he said using his husky voice. I gulp the lump in my throat and smile on him. "Iloveyou too." I answered. Gusto kong iparating kay Dwight na hindi nya kami kayang sirain. Dahil hindi ko kayang saktan si Liam. Kailangan ko lang maging malapit kay Dwight para makuha ang gusto ko, pero kapag natapos na iyon, maibabalik ko na yung dati. Yung dati na nauubos ang oras ko para lang kay Liam. Yung si Liam lang ang iniisip ko. Lahat puro si Liam.

Still Into You (BedSpacer#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon