#STILLINTOYOU
Samantha point of view
Alas singko ng umaga ay agad akong bumangon dahil kailangan ko ng umuwi. Pagkalabas ko ng kwarto ay bumaba ako at nakarinig ng boses sa bandang may kusina. Pumunta ako dun at nakita ko si Tita Sandra na nakaupo sa upuan habang nagkakape. Nakita nya ako kaya naman ngumiti ito sa akin.
"Goodmorning po." Bati ko. Binati din nito ako pabalik at inutusan ang katulong na ipaggawa ako ng kape pero tumanggi na ako. Kailangan ko na kasing umuwi. Kailangan kong makita si Dwight. "Sigurado ka ba na uuwi kana? Tulog pa si Liam gusto mo ipagising ko?" Tanong nya pero umiling ako.
"Wag na po. Pasabi na lang po na maaga akong umalis." Sabi ko. Tumango naman si Tita Sandra at hindi na ako pinilit na manatili pa doon. Agad akong naglakad palabas ng bahay nila at sumakay sa kotse ko. Pinagbuksan ako ng guwardiya ng gate kaya naman agad akong nagdrive papunta sa bahay namin ni Dwight.
Mahigpit ang hawak ko sa manibela. Nangako ako kay Dwight na uuwi ako sa kanya kagabi, pero hindi na ako nakauwi. Tapos hindi ko pa nasabi kay Liam ang lahat. Aish! Alam kong magtatampo iyon dahil sa hindi ko natupad ang pangako ko.
Pero bago ako pumunta sa bahay namin ni Dwight ay dumaan muna ako ng condo. Kailangan ko munang magpalit dahil didiretso na din ako ng shop pagkatapos kong puntahan si Dwight. Pagkasakay ko ng elevator ay agad akong nagtipa ng mensahe para kay Dwight.
To Dwight: Good Morning Asawa ko.. 😚
Napangiti ako dahil sa tinext ko. Pagkabukas ng elevator ay mabilis akong naglakad papunta sa condo ko. Pagkabukas ko noon ay agad akong nagtungo sa banyo para maligo. Dahil baka hindi ko na maabutan si Dwight sa bahay ay nagmadali akong maligo. Pagkalabas ko ng banyo ay naghanap na agad ako ng masusuot. Kahit anong damit na ang mahagip ko dahil nagmamadali ako.
Nang makapagbihis na ay naglagay ako ng lotion at polbo. Naglagay din ako ng lip gloss at sinuklay ang buhok. Nang makasigurado na ayos na ang itsura ko ay nagspray ako ng pabango pagkatapos ay dinampot ko na ang susi at phone ko. Habang isinasara ko ang pinto ay tinitingnan ko kung nagreply si Dwight pero hindi. Nagpout ako. Galit kaya sya?
Sumakay agad ako ng kotse at nagmadali ng magdrive papunta sa kanya. Habang nakahawak ako sa manibela ay hindi mapakali ang kamay ko. Para bang anlaki ng kasalanan ko kay Dwight, well sa totoo malaki talaga. Hay. Ilang minutong pagdadrive ay nakarating na din ako sa bahay. Bumusina ako kaya naman lumabas ang isang lalaking nakabarong palapit sa kotse ko. Ibinaba ko ang salamin kaya naman agad itong nagbow sa akin.
"Goodmorning po, Miss Sam." Bati niya. Binati ko din sya at binuksan nya ang gate. Ipinarada ko ang sasakyan ko sa garahe ni Dwight at agad bumaba dun. Kahit hindi pa ako masyadong pamilyar sa bahay na ito, dinala ako ng mga paa ko papunta sa kwarto namin. Pero pagkabukas ko noon ay tahimik at malinis na kwarto ang bumungad sa akin.
Walang bakas ni Dwight ang naiwan. Ang kama ay malinis at maganda ang pagkakatiklop. Tahimik ang buong kwarto. Agad kong idinial ang numero ni Dwight pero hindi ito sumasagot. Aish! Sinara ko ang pinto at bumaba. Nagpunta ako sa kusina at naghahanap ng mapapagtanungan. Nakita ko ang isang matandang babae na may dalang plato na may pagkain. Nagulat ito ng makita ako.
"Goodmorning Miss Sam." Bati nya. Binati ko naman sya at nginitian. Siguro naman alam nya kung nasaan si Dwight. Pero naagaw muli ang aking atensyon ng mga pagkain na iniimis nila. "S..saan nyo po dadalhin ang mga yan?" Tanong ko. Tiningnan naman nya ang hawak nyang plato tapos ay binalik ang tingin sa akin.
"Pinapatapon na po ito ni Sir Dwight." Sagot nya. Mas lalong kumunot ang noo ko. "Pinaluto nya po ito kagabi at hinintay nya po kayo. Pero hindi naman po pala kayo umuwi, kaya natulog na din po sya ng walang laman ang tyan." Paliwanag nya. Nanigas ako sa aking pagkakatayo. Hinintay nya ako? Diba nagtext ako sa kanya na wag na nya akong intayin? Aish.
BINABASA MO ANG
Still Into You (BedSpacer#2)
RomanceShe is almost over him. But then, he came back. Does their love still have a second chance? My Bed Spacer Lover Book 2. Written By Drone_Ranger.