XVII

5.2K 129 13
                                    

#STILLINTOYOU

Samantha point of view

Naalimpungatan ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking puson. Idinilat ko ang aking mga mata at pilit na bumangon kahit masakit at nagulat na lang ako sa nakita ko. There were blood stains on my bedsheet. Napapikit ako ng mariin at pilit inaabot ang phone ko para tawagan si Liam pero hindi ko magawang maabot yun dahil namimilipit na ako sa sakit.

Sa ilang minutong pagtitiis ng sakit ay bigla na lang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nun si Dwight na may dalang mga supot. Nang makita nya ako ay bigla nyang nabitawan iyon habang nakatingin sa akin habang gulat.

"Sam!" Tawag nya sa pangalan ko at agad ay lumapit sa akin para suruin ako. Napatingin sya sa bedsheet ko na puro dugo tapos ay napapikit ng mariin. "Sam what happen? The baby lost again?" He asked seriously while looking at me. Gusto ko syang sigawan at batukan dahil sa sinabi nya. "Im not pregnant, stupid! I have a monthly period!" Sigaw ko sa kanya. Doon ay namulaga sya habang nakatingin sa akin. Napairap na lang ako at napahawak muli sa puson ko dahil sa sakit.

"Ouch. Arrgh!" Daing ko sa sakit. Doon ay bumalik si Dwight sa ulirat at tumayo habang tumatango. Naglakad ito palayo sa akin kaya sinundan ko ito ng tingin habang pumapasok sya sa bathroom ko. Napakunot nalang ang noo ko at napapikit ng mariin. Hanggang sa bumalik si Dwight at binuhat ako at dinala sa bathroom. Hindi na sya nadidiri sa akin? At tsaka, bakit ba sya nandito?!

Ibinaba nya ako at iniupo sa bowl. Tumingin ako kay Dwight habang nakakunot ang noo at inirapan sya sa sakit.

"I prepared a warm bath for you." He said and about to pull up my shirt but I stop him. I send him a glare. Baliw ba sya?! Sa tingin nya maghuhubad ako sa harap nya?! "Umalis kana! Kaya ko na 'to." Sambit ko at tumayo para hubarin ang damit ko pero napaupo din ako at napahawak sa puson ko dahil sa sakit.

"Damn it, just take it off!" Singhal ni Dwight sa akin. Tiningnan ko muli sya ng masama at kinuyom ang kamao ko. "Lumabas ka nga!" Sigaw ko pero hindi sya nagpatinag. Inihilamos nya ang kanyang palad sa kanyang mukha tapos ay tumingin sa akin ng masama.

"Why?! Itinatago mo pa sa akin yan, e nakita ko na naman yan! There's no need to hide, Samantha! Uunahin mo pa ba yang arte mo kaysa sa sakit na nararamdaman mo?!" Sigaw nya pabalik sa akin. Nagulat naman ako sa sinabi nya. Psh. Buiset! I cursed his name in my mind. Damn you, Dwight! Ikaw lang ang nakakagawa nito sa akin! Buiset ka talaga.

Kusang gumalaw ang kamay ko para hubarin ang shirt ko. Nakapikit ako at kinokontrol ang iyamot sa sarili. Hindi ko alam kung nakatingin ba sya sa akin, pero tama naman sya. Uunahin ko pa ba yung arte? Mas gugustuhin ko muna gumaan yung pakiramdam ko.

Hanggang sa undies ko na lang ang natira. Dahan dahan ko yun binaba at tumayo. Inalalayan naman ako ni Dwight na maglakad at pumunta sa thub. Tumingin ako kay Dwight na nakatingin lang sa mata ko. Inilublob ko ang sarili ko sa maligamgam na tubig at napapikit ako dahil sa sarap noon sa pakiramdam. Umupo si Dwight sa bowl habang nakatingin sa kamay nya.

"So you're not pregnant?" Dwight said in the middle of silence. Tumingin naman ako sa kanya at hindi ko alam kung disappointment ba yung pumapaskil sa mukha nya. "Yeah." Sagot ko at napapikit na lang dahil habang tumatagal ay nawawala ng kaunti ang sakit sa puson ko. Naramdaman ko na lang na tumayo si Dwight at lumabas ng bathroom. Kumunot na lang ang noo ko at pinikit na lang ang mata.

Nang makalipas ang sampung minuto ay umahon na ako sa thub at ibinalot ang hubad kong katawan sa robe. Nandoon pa din ang kaunting sakit pero kaya ko pa naman tiisin yun, hindi kagaya kanina na talagang masakit. Pagkalabas ko ay wala na ang may dugong bedsheet at napalitan na iyon sa puti at malinis na bedsheet. Lumapit ako sa kama at doon ko nakita ang damit kong nakahanda habang nakapatong sa kama ko. Hindi ko alam pero napangiti na lang ako ng makitang may nakahanda ng panty na may napkin na at kulang na lang ay isuot ko yun. Paano naman nya nalaman ang mga paglalagay ng ganitong bagay? Pinilig ko ang ulo ko at  huminga ako ng malalim at hinanap si Dwight pero wala na sya. Napakunot ang noo ko at sinuot ang mga nakahandang damit doon.

Still Into You (BedSpacer#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon