XI

6.3K 141 18
                                    

#STILLINTOYOU

Samantha point of view

Umuwi ako sa condo ko at binuksan ang pinto. Bumungad agad si Kate na nakahandusay sa couch habang nakataas pa ang paa at kumakain ng pizza habang nanunuod. Tumingin ito sa akin tapos ay ngumiti at bumangon.

"Sam! Kanina pa kita hinahanap. Saan ka galing?" Tanong nya. Hindi ko ito pinansin at nagtungo ako sa kitchen para kumuha ng maiinom. Nakasunod naman agad si Kate sa akin at tiningnan ako na parang sinusuri. "Umiyak ka ba?" Tanong nya. Binaba ko ang baso at tumingin sa kanya. "Hindi." Sagot ko at hinablot ko ang bag ko at nilagpasan sya pero hinablot nya ang braso ko.

"Pwede ba Kate, wala ako sa mood makipag biruan sayo!" Nanggagalaiti kong sigaw na syang ikinagulat nya. Bumitaw ito sa hawak at umantras. Tinuro nya ang bag ko kaya tumingin ako dun! Anong mali sa bag ko?! Puta! "May tumatawag sayo. Kanina pa, hindi mo ba naririnig?" Tanong nya. Nanlaki naman agad ang mata ko at agad kinuha ang phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Liam sa screen kaya agad ko iyong sinagot.

[Hello?] Sagot ko. Narinig ko syang bumuntong hininga. [Are you busy? Im calling you for almost 15 times.] Sambit nya. Tumingin naman ako kay Kate na nakamulaga din sa akin. Tinalikuran ko sya at naglakad ako papunta sa kwarto ko.

[Im sorry. Ahm, pagod lang kasi ako.] Sagot ko. Humiga ako sa kama at hinintay ang sagot nya pero wala. Tiningnan ko ang screen at nandun pa naman ang tawag ni Liam pero ayaw nya magsalita. [Liam?] Tawag ko sa pangalan nya dahil ayaw nya sumagot. [It's okay. Alam ko naman na napapagod ka rin jan sa business mo.] Sagot nya. Kinusot ko ang mata ko at humikab.

[Sige na, ibababa ko na. Take a rest baby. I love you.] He said. Lumungkot ang aking mga mata dahil nararamdaman ko ang lungkot ni Liam. He's trying to make time for us. Napapagod ako dahil sa nangyari kanina. Hindi ko dapat ginagawa kay Liam ito, pero wala lang talaga ako sa mood. [Okay. Love you too.] Sambit ko at pinatay na ang tawag. Napahinga ako ng malalim at bumangon sa higaan para maligo pero nakita ko si Kate na nakatayo sa gilid ng pintuan.

Lumapit ito sa akin pagkatapos ay inamoy ako. Kumunot ang noo ko habang tinitingnan sya. Tinulak ko sya at naglakad ako papunta sa cr pero nagsalita si Kate.

"Magkaaway ba kayo ni Liam?" Tanong nya. Hinarap ko sya pagkatapos ay umiling. Nag cross arms si Kate at tinaasan ako ng kilay. "Kung hindi, bakit ganyan ka? Para kang broken hearted?" She asked. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Kate ang mga nangyari. Siguro sa susunod na lang kasi sesermonan nya lang ako, tapos sasakit lang ang ulo ko.

"Pagod ako." Ani ko pero tumawa sya. Lumapit sya sa akin tapos ay binatukan ako. "Pagod? Taena Sam, wala pang alas dos umalis kana ng shop tapos sasabihin mo pagod ka? Niloloko mo ba ako?!" Naiirita nyang saad. Buiset! Napairap ako tapos ay tinulak na sya palabas ng kwarto ko. "Bukas ko na lang ikukwento! Sige na patulugin mo na ako!" Sambit ko at pilit na tinutulak sya palabas pero matigas ang lola nyo kaya sumuko na ako. Umupo ako sa kama ko at napahawak sa aking ulo. Kahit kailan talaga, nakakasakit ng ulo ang mga lalaki.

"You can always share your problems with me, Sam." Sambit nya at tumabi sa akin pagkatapos ay tinap ang balikat ko. Tumingin ako sa kanya pagkatapos ay ngumiti ako ng pilit sa kanya at huminga ng malalim. Maybe I should tell it to Kate to reduce the pain. Baka kapag kinipkip ko ito e, maloka na ako sa kakaisip.

"I met my ex in my parents grave." Paninimula ko. Kumunot naman ang noo nya habang nakatingin sa akin. "Wa..wait? Yung ex mo?" Paninigurado nya kaya tumango ako. Sumenyas sya na ipagpatuloy ang aking kwento kaya pumikit ako ng mariin. "He asked me to be with him again. Sobra na daw syang nagsisisi sa ginawa nyang pagtataboy sa akin." Dagdag ko kaya nanatiling nakatingin sa akin si Kate. Unti-unti nangilid ang aking luha dahil naalala ko muli ang nangyari.

Still Into You (BedSpacer#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon