#STILLINTOYOU
Samantha point of view
Hindi ako makatingin sa kanya. Damn! I wasn't expected this. Mabilis ang tibok ng puso ko habang nakayuko. Bakit ba ako kinakabahan? I already moved on. Hindi dapat ako kabahan dahil lang na malapit lang sya sa akin. Kinalma ko ang sarili ko at huminga ng malalim. Stop being paranoid Sam. Just be yourself.
--
"Hindi ko naman talaga plano ang mangibang-bansa, napilitan lang ako." Saad ko habang inaayos ang papeles sa ibabaw ng table ko. Umupo si Kate sa upuan ko at nangalumbaba. "Eh anong rason?" Tanong nya.
Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa kanya. Aaminin ko, masakit pa din ang iniwang sugat ng nakaraan kong pag-ibig. Hindi ko nga alam kung kaya ko pa syang kalimutan. Parang ayoko na muling umibig. Parang ayoko na muling magmahal dahil ayoko ng masaktan.
Totoo nga pala ang sinasabi nila na kapag nagmahal ka, masasaktan ka. Pero deserve ko ba 'to? Hindi naman diba? Nagmahal lang naman ako. Ang hindi ko alam, wala palang tiwala sa akin ang lalaking mahal ko. Na akala nya pera ang habol ko sa kanya at hindi ang pag-ibig nya.
"Para makalimot." Kusa na lamang itong lumabas sa mga labi ko at habang nakatulala. Kaya ko pa ba makalimot? Tumingin ako kay Kate pero naka serious mode pa din ito. "Sinong kakalimutan mo? Alam mo, ang hirap mo spellingin. Kinuwento mo sa akin ang pamilya mo, pero ayaw mo ikwento ang dahilan kung bakit ka nagpunta dito?" Diretso nyang sambit.
Nangangatal ang mga kamay ko habang hawak ang mga papel. Tumingin muna ako sa paligid at kakaunti na ang tao dahil uwian na din naman. Siguro kung ilalabas ko ang sakit sa dibdib ko, baka makahinga ako ng maluwag. Baka sakali, mabawasan ang sakit.
"Im here to listen." Sambit ni Kate at hinawakan ang balikat ko. Nakatingin ako sa mata nyang sincere. Siguro mapapagkatiwalaan naman ang babaeng 'to. Isa pa, sya lang naman ang kumakausap sa akin sa kompanya na 'to.
Umupo ako sa isa pang upuan at yumuko. Pinaglalaruan ko ang aking daliri habang iniisip kung paano ko sisimulan ang kwento.
"Napapadpad ako dito dahil gusto ko makalimot." Paninimula ko. Nakatingin sa akin si Kate at parang sinasabi nya na ituloy ko ang aking kwento. Huminga muli ako ng malalim kahit ang bigat ng dibdib ko.
"May isang lalaking pumasok sa buhay ko.. naging bed spacer ko sya. Hindi ko sya gustong patuluyin sa bahay ko dahil una, lalaki sya, at pangalawa, kami lang dalawa sa bahay na yun.." pagkukwento ko. Tumango-tango naman si Kate habang nakatingin sa akin. "Hindi ko inaasahan na magtatapat sya sa akin ng kanyang pag-ibig. Syempre, nung una hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin kaya itinaboy ko sya, kahit nakakaramdam ako ng kakaiba twing malapit sya sa akin." Dagdag ko.
"Naging malapit kami sa isa't-isa. Niligawan nya ako, hanggang sa naging mag nobyo't-nobya na kami. Masaya kami, at magkakaanak na sana.." pagal kong saad. Kinuyom ko ang kamao ko at tumulo ang luha sa mata ko.
"Tutol ang magulang nya sa aming dalawa, dahil may nais ipakasal na ibang babae para sa kanya. Isang araw, bumisita ako sa opisina nya para mag sorry dahil sa kasalanan ko, pero naabutan ko ang babaeng nais ipakasal sa kanya. Inunsulto nya ako kaya sinabi ko sa kanya na magkakaanak na kami, pero sa isang iglap... nawala ang anak ko." Sambit ko. Patuloy ang pagtulo ng luha sa aking mata. Naramdaman ko ang pag-tap ni Kate sa balikat ko habang binibigyan ako ng tissue.
"Nasaktan ako, and I felt so useless! Hindi ko naprotektahan ang anak ko sa iba. Na-depressed ako dahil sa nangyari. Ilang araw akong wala sa sarili, tubig lang sapat na. Hanggang isang araw okay na muli kaming dalawa. Masaya kami ng araw na yun hanggang sa tumawag ang kapatid nya at sinabing naaksidente ang tatay nya." Mas lalo kong kinuyom ang kamao ko habang ikinukwento ito kay Kate.
BINABASA MO ANG
Still Into You (BedSpacer#2)
RomantizmShe is almost over him. But then, he came back. Does their love still have a second chance? My Bed Spacer Lover Book 2. Written By Drone_Ranger.