XXVI

5.2K 132 12
                                    

#STILLINTOYOU

Samantha point of view

"Pakipirmahan na lang po dito." Sabi ng contractor na nagdala ng mga materyales na gagamitin ko dahil pinapasimulan ko na ang pagtatayo ng bagong business ko. Kinuha ko ang ballpen at pinirmahan iyon tapos ay nagpaalam na sila sa amin. Pinapatag na ang lupa at pinag-aaralan na din ng mabuti ng mga inhinyero ang itatayong gusali dito.

Lumapit ako kay Engr. Valdez na syang namumuno ng pagawa kong ito. Nakinig ako sa usapan nila dahil gusto kong makasigurado na maganda ang kakalabasan nito. Humarap sa akin si Engr. Valdez at nag abot ng kamay.

"You have the perfect spot for your business." Sabi nya at ngumiti. Ngumiti din ako sa kanya at nagpasalamat. Kaya nga gustong-gusto ko ang lupang ito dahil matao ang bayan na ito. Nakatayo ako sa gilid habang pinapanuod na patagin ang lupa. Nagulat ako ng may biglang yumakap mula sa aking likuran at hinalkan ako sa pisngi.

"Gotcha." Sabi nya habang yakap yakap ako sa likuran. Napangiti naman ako at tumingin sa kanya. Inabot nya ang labi ko at hinalkan iyon. Ipinatong nya ang kanyang baba sa aking balikat at natahimik. "Bakit ka nandito? Wala ka bang trabaho?" Tanong ko sa kanya.

"Meron. Pero gusto kitang makita." Malambing nyang saad at kinagat ang balikat ko. Mabuti na lang pala at pinaalis ko na si Kate dito. Kanina kasi nandito sya pero pinabalik ko na sa coffee shop dahil walang nag aasikaso dun. "Seriously? Magkasama lang tayo kahapon e." Natatawa kong saad at tiningnan sya sa gilid ko pero ngumuso sya.

"Eh namiss kita e. Hindi mo ba ako namiss?" Tanong nya kaya naman tinaasan ko sya ng kilay. "Namiss din." Sabi ko kaya naman tumawa sya at hinalkan ako ng mariin. Nanatili kaming nakatayo dun habang nakayakap pa din sya sa likuran ko. Medyo mainit na dahil magtatanghaling tapat na.

"Anong balak mong sunod na business?" Tanong nya. Tumingin ako sa kanya tapos ay inabutan nya ako ng tubig. "Spa?" Sagot ko. Tumaas ang kilay nya tapos ay napatango. "Okay. Maganda yan, besides wala kang kakompetensya dito." Sabi nya at uminom din ng tubig. Tiningnan ko ang phone ko dahil ngayon uuwi si Liam. Baka bigla-bigla yung makapunta dito at maabutan kami ni Dwight na magkasama.

"Sa bahay ka ba uuwi?" Tanong nya. Iniangat ko ang tingin ko sa kanya at ibinaba ang phone ko sa mesa. "Ngayon ang uwi ni Liam galing Ilocos." Sagot ko. Kumunot ang noo nya at umupo ng ayos.

"So? Kailangan salabungin mo pa sya?" Sabi nya. Base sa tono ng boses nya ay halatang naiinis ito. Umiling naman ako. "Kailangan namin mag-usap." Sabi ko. Saglit itong natahimik tapos ay tumango na lang din.

"Hindi naman aabutin ng hatinggabi ang pag-uusap nyo diba? Edi sa bahay kana umuwi." Suhestyon nya. Napahinga ako ng malalim dahil wala na din akong magawa. Hindi naman nya ako titigilan hanggang hindi ako sumasang-ayon sa gusto nya. Tumango na lang ako kaya napalitan ng masayang ekspresyon ang mukha nya. "Okay, I'll wait for you then." Sabi nya at uminom ng tubig.

Huminto ang sasakyan ko sa tapat ng bahay nina Liam. Dito na ako pinadiretso ni Liam. Hindi ko alam kung bakit dito pero wala na din akong magawa. Pinagbuksan ako ng gate ng guwardiya kaya naman ipinasok ko ang kotse ko sa loob. Nakita ko agad si Liam na nakatayo sa harapan at hinihintay ako. Nakapaskil ang malawak at matamis na ngiti sa mga labi nya. Pinatay ko ang makina at tinanggal ang seatbelt ko tapos ay bumaba na sa kotse.

"Hi." Bati nya sa akin habang nakangiti. Nakapamulsa ang kanyang magkabilang kamay habang diretso ang tingin sa akin. Lumapit ito sa akin at hinalkan ako sa pisngi. Nginitian ko ito bilang ganti at hinawakan nito ang aking kamay. "Tamang-tama lang ang dating mo." Sabi nya at hinila na ako papasok.

Still Into You (BedSpacer#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon