#STILLINTOYOU
Liam point of view
I took a glance at my wristwatch to check the time. Sumandal ako sa upuan habang nakatingin sa nagrereport ng annual report this year. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa trabaho. Tumingin ako sa phone ko at tinitigan ang litrato nya.
Sa tingin ko sobra na ang pagkukulang ko sa kanya. I spend most of my time in working, and I hate myself for doing this. Alam kong nagkukulang ako sa kanya, and Im so blessed because I have a girl like her. Naiintindihan nya ako. I think it's the right time para bumawi ako sa kanya. An idea came up from my mind.
Pagkatapos ng limang oras na meeting ay lumabas ako at tinawagan si Liz, ang aking secreatary. Nakita ko sya na nakakunot ang noo dahil sa sobrang daming papeles na nakatambak sa table nya dahil pinapaayos ko lahat iyon.
"Liz." I called her. "Ano?!" Irita nyang saad at nag angat ng tingin pero nagbago ang nakabusangot nyang mukha sa gulat na mukha. "Sorry Sir.. ano po yun?" Tanong nya. Kinausap ko ito ng mga ilang minuto. Tumango naman ito kahit madami syang trabaho. Alam kong hindi ito parte ng trabaho nya pero wala naman akong kakilalang makakatulong sa akin ng kagaya nito.
Agad akong sumakay ng kotse ko at nagdrive. Hindi mapawi ang ngiti sa labi ko dahil iniisip ko kung anong magiging reaksyon ni Sam mamaya. Gusto kong bumawi sa kanya, and besides I have something to tell her. Huminto ako sa isang flower shop. Umorder ako ng roses dahil iyon ang paboritong bulaklak ni Sam. Inabot ko ang bayad at humakbang na palabas pero may nabangga ako.
"Sorry.." sabay naming saad pagkatapos ay parehas nanlaki ang mata namin. "Dwight?" Tawag ko sa pangalan nya. "Liam?" Tawag nya pabalik sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya. "Brad, long time no see!" Saad nya at sinuntok ako sa balikat. Shit! Sya nga si Dwight.
He's my bestfriend. Sobrang close ang pamilya namin sa pamilya nya. We're like brothers because we got each other's back. I can't believe na makikita ko sya ulit. I studied my bachelor's degree abroad, kaya nawalan ako ng balita sa kanya. And now, he's standing right in front of me like nothing's changed.
"Oo nga brad! P*ta anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Ngumiti ito sa akin at sinuklay ang buhok nya gamit ang kanyang daliri. "Bibili lang ako ng bulaklak." Kaswal nyang saad. Tumango-tango naman ako.
"Girlfriend?" Tanong ko. Kumunot ang noo nito tapos ay umiling habang natatawa. "Nah.. for my mom." He said. Tumango-tango ulit ako sa kanya. Napatingin naman sya sa hawak kong roses. "Ikaw? Girlfriend?" Tanong nya. Tumingin naman ako sa hawak kong roses at tumango habang nakangiti.
"Yeah. Kailangan ko na kasing bumawi sa kanya." Nakangiti nyang saad. Nakangiti din ito sa akin tapos ay tinap ang balikat ko. "Lucky girl, huh?" Biro nya. Napatawa naman ako.
"Yeah, pero mas maswerte ako dahil akin sya.." Seryoso kong saad. Tumango-tango naman ito at tumawa. Naalala ko tuloy yung babaeng patay na patay kay Dwight noong elementary kami. Haha, hindi ko makalimutan na sumakay yung babae sa compartment ng kotse nina Dwight para makarating sa bahay nina Dwight. Nagpakilala pa na girlfriend sya ni Dwight kay Tito Danny.
"Well, how's Tito Danny?" Tanong ko. Tumikhim ito tapos ay umantras. "Well, he's okay now. Naaksidente sya nuon dahilan para maparalisado sya. But we consulted specialist abroad kaya ayun, nakakalakad na ulit." Masaya nyang saad. Tumango din ako sa kanya.
Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. "You must be in hurry." He said. Napatawa naman ako. "Yeah." Sagot ko. Tinap muli nito ang balikat ko at tumawa. "So, see you the other day?" Tanong nya. Nagtaas ako ng kilay habang nakatingin sa kanya. "Sure.." sagot ko. Ngumiti ito tapos ay nagpaalam na ako sa kanya. Lalabas na sana ako ng shop kaso may naalala ako.
BINABASA MO ANG
Still Into You (BedSpacer#2)
RomanceShe is almost over him. But then, he came back. Does their love still have a second chance? My Bed Spacer Lover Book 2. Written By Drone_Ranger.