XV

5.9K 127 10
                                    

#STILLINTOYOU

Samantha point of view

Pagkatapos ng business deal kay Dwight ay agad akong nagdrive pauwi. Tinetext ko si Liam pero hindi ito nagtetext. Malamang ay tulog na iyon. Pinark ko ang kotse ko at sumakay sa elevator. Habang nag-iintay ay dinial ko ang numero ni Liam at tinawagan iyon pero naka-off ang phone nito. Napataas na lamang ang aking kilay at naglakad papunta sa condo ko. Kinuha ko ang susi at binuksan ang pinto pagkatapos ay sinara iyon. Pagkabukas ko ng ilaw ay laking gulat ko ng makita si Liam na nakatayo sa gitna ng nagkalat na rose petals na hugis puso habang may hawak na bouquet.

Ngumiti ito sa akin pagkatapos ay naglakad palapit sa akin. Ano na naman kayang pakulo nito? Kaya pala ayaw nyang sagutin ang text at tawag ko dahil may binabalak sya. Hmmp.

"Advance Happy Valentine's Day, baby.." malambing nyang bungad agad sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa lambing ng boses nya. Inabot nya sa akin ang bouquet of roses at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. "Hindi ka naman excited no?" Pambabara ko. Ngumiti naman sya at hinalkan ang kamay ko.

"Gusto ko kasi ako ang unang babati sayo nun e." Sambit nya na syang ikinakunot ng noo ko. Anong sinasabi ng lalaking ito? "Baliw! Ikaw lang naman talaga ang babati sa akin nun e dahil boyfriend kita." Paliwanag ko. Sinalubong nito ang aking tingin kaya hindi ko mapigilan ang pagsinghap ng hangin.

I avoid his gaze as my hear beats so fast. Naiinis ako sa kanya dahil tuwing ganitong sitwasyon ay palagi na lang akong kinikilig dahil sa mga pinaggagagawa nya. Hinawakan nito ang aking baba at inangat ang aking mukha at hinuli ang aking tingin.

"I love you.." sambit nya na syang lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. Aish! Ano ba? Nakakainis kana talaga. Bago pa ako maka recover sa sinabi nya ay agad nya akong hinalkan sa labi. It was a sweet and passionate kiss. Habol ko ang aking hininga ng bumitaw sya sa halik at idinikit nya ang noo sa aking noo.

"Dinner?" Liam asked. Dahan dahan naman akong tumango kaya naglakad kami ni Liam papunta sa kusina. May tiwala naman ako sa cooking skills ni Liam dahil nung nasa New York pa kami, madalas akong ipinagluluto ni Liam ng lunch. Ipinaghila ako ni Liam ng upuan kaya umupo ako dun. Tiningnan ko ang mga pagkaing hinanda nya. "Kaya pala hindi ka nagrereply sa mga text at tawag ko dahil dito?" Tanong ko. Tumingin naman si Liam sa akin tapos ay tumango.

"Bakit? Hindi ba natin ito macecelebrate bukas?" Pagkatanong ko nuon ay nagulat si Liam at pinaglalaruan ang kutsara na hawak nya. Inabot ko ang kamay nya at hinawakan iyon pagkatapos ay binigyan sya ng ngiti. "I have a business meeting in Cebu tomorrow." Liam explained. Ako naman ang napako sa kinauupuan ko dahil sa sagot nya.

"Ayoko naman umalis ng hindi tayo nagdadate, kaya I planned for this since I can't be with you tomorrow. I hope you understand." Hiling nya. I nodded and gave him a warm smile then we start to eat. Palagi nang busy si Liam sa trabaho nya, pati ako pero natutuwa ako na humahanap pa din sya ng panahon at oras para sa aming dalawa.

"Baby don't be mad please." Liam said. Agad naman akong nag-angat ng tingin tapos ay ngumiti sa kanya. "Im not mad. I do understand the situation." Paliwanag ko. Ngumiti si Liam tapos ay nagpatuloy na kami sa pagkain.

Nang matapos kami ay umupo kami sa couch at nanuod ng romantic movie. Habang nanunuod ay nakasandal ako sa balikat ni Liam habang nakaakbay ito sa akin. This is what I want. Kaming dalawa lang. No other else. I want to spend my time with him. Kahit na ngayon lang nangyari na magcecelebrate kami ng valentines ng magkalayo, naiintindihan ko ito. We're mature enough to handle this kind of situations. Hindi na kami bata para pag-awayan ang mga ganitong bagay.

Still Into You (BedSpacer#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon