#STILLINTOYOU
Samantha point of view
Tambak ang mga papel sa ibabaw ng table ko. Ang tamad ko kasi pumasok kaya ganito. Nakaalis na si Liam kaninang madaling araw, kaya maghihintay na naman ako ng isang buwan para sa pagbabalik nya. Long distance na naman kaming dalawa, pero keri lang!
Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Kate na nakangiti. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Anong meron sa babaeng 'to? Dati parang supermoon yung ngiti nya. Haha.
"May naghahanap sayo.." malambing nyang saad. Mas lalong kumunot ang noo ko. Sinong maghahanap sa akin? Wala naman akong alam na kailangan kong imeet? "Sino?" Tanong ko pero tumalikod na ito sa akin pero huminto sya sa tapat ng pinto. "Customer. Bilis!" Saad nya tapos ay lumabas na.
Napakamot ako sa ulo. Customer? Bakit naman ako hahanapin? Aish! Tumayo ako at lumabas at iginala ang tingin sa buong shop. Tumingin ako kay Kate na nakatingin sa akin tapos ay ngumuso sa kaliwa. Nakita ko ang isang lalaking nag iisang nakaupo kaya naglakad ako papunta dun.
"Is there any problem, Sir?" I asked habang nakatingin sa menu na tinatakpan ang kanyang mukha. Unti-unti nyang ibinaba ang menu at nanlaki ang mata ko. Si Dwight?! Sawang-sawa na ako sa mukha nya! Ngumisi ito sa akin.
"Anong ginagawa mo dito, Dwight?" Tanong ko habang tinataasan sya ng kilay. Sawang-sawa na ako sa mukha nya. "Wait, are you stalking me?" Tanong ko kaya napatawa sya. Napatingin naman ako sa paligid pero busy ang mga ibang tao sa pagkain.
"Seriously?" Saad nya na parang kumakausap sya sa isang tanga. Kinuyom ko ang kamao ko habang nakatingin sa kanya. I should act cool. Umayos sya ng upo at tumitig sa akin. "Nagugutom ako kaya ako nandito." Untag nya muli pero inirapan ko sya.
"Okay, anong order mo?" Tanong ko. Nangalumbaba ito tapos ay nag isip. Lumalaglag ang panga ko dahil sa ginawa nya. What the? Kanina pa nyang tinitingnan ang menu pero wala pa syang alam na oorderin? Inuubos nya lang ang oras ko! "Sir, Im waiting." Pormal kong saad. Ngumisi ito tapos ay tinanggal ang kamay nya sa kanyang baba.
"Yeah, I know." Saad nya at nag isip muli. Kinuyom ko ang kamao ko at napapikit ng mariin. Gusto ko syang bigwasan ng isa dahil sa ginagawa nya. Napatingin ako sa paligid at may ilang customers na nakatingin sa amin. Shit! Kailangan kong maging friendly sa customers ko pero kung ganitong customer ang makakahalo bilo ko baka hindi ako makapagpigil.
"Can I have water instead? Nawala na ang gutom ko.." nakangiti nyang saad. Tinaasan ko sya ng kilay. Tubig lang pala ang gusto nya, eh ang yaman yaman nya hindi man lang sya makabili ng isang mineral water? Ngumiti ako ng plastik sa kanya tapos ay tumalikod ako at nagpunta sa kitchen.
Nung pumasok ako sa kitchen ay kung ano ano ang tanong ni Kate. Kinikilig daw sya kay Dwight na yun. Napapairap na lang ako habang pinapakinggan ang nakakadiri nyang sinasabi. Nilagpasan ko sya pero hinarangan nya ako.
"Wet ako sa tingin nya.." malanding sabi ni Kate. Hindi ko alam pero tiningnan ko sya ng parang nandidiri. Nasabi nya pa talaga sa akin yun ha? Wala talagang kahihiyan ang babaeng ito. "Malandi ka.." sabi ko at nilagpasan sya. Naglakad ako papunta sa table ni Dwight at inilapag ang tubig nya sa mesa.
"Here's your water, Sir. Kung may gusto po kayong orderin, we do have waiters here." Saad ko. Anong tingin nya sa akin? Waiter? Hello, boss ako dito! Hindi ako taga serve ng tubig ng isang lalaking pilosopo. Tumalikod na ako pero napatigil din ng marinig ang sinabi nya.
"Sit.." sambit nya habang nakatingin sa akin ng seryoso. Tinaasan ko sya ng kilay at lumapit muli sa kanya. "Im sorry, Sir.." pinutol na nya agad ako. "I said sit.." ulit nya. Napairap ako at tumingin muli sa customers na nakatingin sa amin. Wala na akong nagawa kung hindi sundin ang utos nya. Bakit nga ba ako sumusunod sa utos ng lalaking 'to? Buiset.
BINABASA MO ANG
Still Into You (BedSpacer#2)
RomanceShe is almost over him. But then, he came back. Does their love still have a second chance? My Bed Spacer Lover Book 2. Written By Drone_Ranger.