#STILLINTOYOU
Samantha point of view
"Ngayon ako naman hihingi ng pabor sayo." Seryoso nyang saad habang nakatingin ng seryoso sa akin. Nakatingin lang ako sa mata nya habang lumuluha. Hindi pera ang habol ko sa'yo. Kung alam mo lang na itinatago ko ang perang ibinabayad mo dahil gusto ko iyon ibalik sayo, pero napapangunahan ka ng galit. Galit na sa pag-aakalang ginamit kita dahil sa pera. Galit na sa pag-aakalang niloko lamang kita, pero hindi totoo lahat ng iyon. Minahal kita, higit pa sa sarili ko.
Humigpit ang hawak ko sa kanyang kamay habang nakatingin sa kanya. Walang humpay ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Mahal ko sya, sobra. Hindi ko kayang mawala sya sa piling ko ngayong nasanay ako na palagi syang nasa tabi ko.
"UMALIS KANA SA BUHAY KO!"
Agad akong bumangon dahil sa panaginip ko. Napahawak ako sa aking ulo at napapikit habang iniinda ang sakit. Malamang ay may hangover ako. Iyon pa lang ang unang beses na nalasing ako, at hindi ko akalain na ganito pala ang epekto nun. Pagkamulat ko ng aking mata ay sya ring aking ikinagulat ng masuri ang paligid.
What the? Where in the hell I am? Dahan dahan kong inalala ang mga nangyari kagabi. I was about to fetch Kate at Golden Pub, then I met Clark and Dwight. Uminom ako ng dalawang shot ng whiskey at apat na beer. I was dancing on the dancefloor and Dwight suddenly grabbed my arms and then everythings went blank. Kinuyom ko ang aking kamay at napatingin sa kumot na nakabalot sa aking katawan.
My heart starts to beat so fast. Dang! Dahan dahan kong sinilip ang aking katawan sa ilalim ng kumot. Fck! I was totally naked in this fucking bed! Napahawak ang aking kamay sa aking bibig habang inaalala ang mga sumunod na nangyari. What the? Si Dwight ang kasama ko kagabi, so it means?
"Arrghh!" Naiinis kong usal habang pinipitik ang noo ko. Ano bang pumasok sa isipan ko at nagawa ko iyon? Dali dali akong bumaba sa kama at pilit tumayo ng ayos kahit masakit ang aking ibaba. Mabilis kong sinuot ang aking mga damit at agad nag martsa papunta sa pinto pero napatigil din ako dahil sa nakita ko.
What the hell? Anong ginagawa ng napakalaki kong picture sa kwarto ni Dwight? Ang tagal kong nakatingin dun habang pinoproseso ang utak ko. So totoo nga? Mahal nya pa din ako? Paano si Margaret? Ugh! Napahawak ako sa ulo ko at napapikit. Lintik na hangover ito ah! Dumadagdag pa sa problema ko! Iniwas ko ang tingin ko sa picture at dahan dahan lumabas ng kwarto.
Dyusme! Sana naman wag magtagpo ang landas namin ni Dwight. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at ginawa ko iyon? Naalala ko tuloy ang sinabi kong 'make love to me..' sa kanya. Pwe! Parang nandidiri ako sa sarili ko. Siguro dahil sa sobrang kalasingan kaya ko nasabi yun. Bumaba ako ng hagdan at babagtasin na sana ang daan palabas pero napahinto ako nang makarinig ng tunog ng kubyertos sa kusina.
Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa direksyong iyon. Nagluluto sya? Anong tingin nya? Mag-aalmusal pa ako dito pagkatapos ng mga nangyari? Buiset. Iniwas ko ang tingin ko at lumabas sa condo nya. Pagkalabas ko ay parang hinahabol ng kabayo ang aking dibdib dahil sa lakas ng tibok nito. Bakit ka ako kinakabahan? Normal lang naman yun kapag nag bar ka diba? One night stand may happen, but worst case.. he's my ex. And Im already in a relationship.
Si Liam. Siya ang lalaking may karapatan sa akin. Siya ang lalaking mahal na mahal ko. Siya ang lalaking tumulong sa aking makalimot at magmahal muli. Pero anong ginawa ko? Sinaktan ko sya. I cheated. Hindi man totally pangangaliwa yun pero mali ang mga nangyari. We had sex. In my ex-boyfriend's condo. Hindi deserve ni Liam na makaranas ng ganito, pero anong gagawin ko? Hindi naman nya malalaman diba? Ayokong iwan nya ako. At tsaka, ito ang una at huling may mangyayari sa amin ni Dwight. Kailangan ko na syang layuan dahil maaaring masira ang relasyon namin ni Liam.
BINABASA MO ANG
Still Into You (BedSpacer#2)
Любовные романыShe is almost over him. But then, he came back. Does their love still have a second chance? My Bed Spacer Lover Book 2. Written By Drone_Ranger.