XVI

5.1K 117 65
                                    

#STILLINTOYOU

Samantha point of view

Mabilis na nakalipas ang isang linggo, at simula nung lumabas kami ni Dwight ay hindi na sya nagparamdam sa akin. Ni walang isang text na nanggaling sa kanya pagkatapos ng araw na iyon, pero ano nga bang pake ko? Ito nga yung gusto ko e. Yung mawala sya sa buhay ko, pero bakit parang hinahanap pa din sya ng isipan ko? Psh.

Agad akong umuwi sa condo ko pagkatapos ng pag-uusap namin ni Atty.Luna about sa updates ng lupa. Pinoproseso pa daw ang paglilipat ng lupa sa pangalan ko, kaya hindi pa din dapat ako maging kampante dahil hindi ko pa mismo iyon pag-aari. Gusto ko sana pasalamatan si Dwight sa ginawa nya, pero kung itext ko ba sya magrereply sya?

Tiningnan ko ang phone ko kung may text na si Liam. Nag-aalala na ako kasi kanina pa syang nagtext na on the way na daw sya pero hanggang ngayon wala pa din. Hanggang sa naisipan kong buksan itong tv ko. Naghanap ako ng magandang channel hanggang sa mahagip ng mata ko ang mukha nya. Kumunot ang noo ko habang pinapanuod si Mr. Danny Reyes na nagsasalita sa harap ng kamara. Binabalak nila na makipag partner sa isang multi-industry dito sa Pilipinas. Sinuri ko ang hulma ng kanyang mukha and still, he's an old hag. Psh. Ngayon ko lang din napansin na nakakalakad na muli ito, sabagay nabanggit nga pala ni Dwight na kumunsulta sila sa isang espesyalista sa abroad.

Kasabay ng pagpatay ko ng tv ay saktong bukas ng pinto at pumasok si Liam na may dalang box ng pizza at isang supot. Agad ko naman syang sinalubong ng ngiti at agad ay hinalkan sya sa labi.

"What take you so long?" Tanong ko sa kanya at inagaw ang supot na hawak nya. Nagningning ang aking mga mata ng makakita ng ice cream sa supot. "I've met an old friend." Sagot nya. Hinila ko naman sya papunta sa kusina at kumuha ng baso tsaka kutsara. Umupo ako sa high stool at sinimulan ng kumuha ng ice cream.

"Sino?" Tanong ko habang busy sa pagsandok ng ice cream. Inilapag naman ni Liam ang box ng pizza sa lamesa at umupo sa tabi ko. "Clark invited me on his birthday celebration later.." sagot nya. Nanlaki naman ang mata ko habang nakatingin kay Liam. Si Clark?! Kaya pala hindi ko mahagilap si Kate e! Baka busy sya kay Clark. Hmmp.

"Si Clark?" Pag-uulit ko. Tumingin naman si Liam sa akin na parang nagtataka. "Yeah, you know him?" Tanong nya habang kumukuha ng slice ng pizza at inabot sa akin. Tinanggap ko naman iyon at tumango bagos ay kumagat sa pizza. "Sya yung kasama namin nung nag bar kami ni Kate." Paliwanag ko. Tumango tango naman si Liam habang kumakain ng pizza.

"So, wanna come with me?" Tanong ni Liam. Agad naman tumaas ang kilay ko habang kagat-kagat ang pizza. "Oo naman!" Masigla kong sagot at tumalon pa, pero napangiwi din dahil nakaramdam ako ng biglaang pagkahilo pero hindi ko iyon pinahalata kay Liam. Siguro, mamaya nandon sya. Pwede ko syang pasalamatan ng personal.

**

Nagsuot lamang ako ng red dress. Hindi naman ito simple dahil kita masisilayan ang aking magkabilang balikat at ang aking collarbones. Medyo kita din ang cleavage dahil sa suot ko, pero hinayaan ko na lang since bar ang pupuntahan namin. Alangan naman na magbalot ako, mabuti na ang ganito para naman medyo hindi ako mukhang napadaan lang.

Bago lumabas ng kwarto ko ay sinilip ko muli ang aking itsura sa full-sized mirror, at nang makuntento na ay napangiti ako at lumabas na doon. Nagtungo ako sa kusina para uminom muna ng isang basong tubig at pagkatapos nun ay nakarinig ako ng doorbell. Nagmadali akong naglakad dun at pagkabukas ko ay muntik ko ng makalimutang huminga dahil sa itsura ni Liam.

Naka blue na polo shirt sya na bumabagay sa washed jeans nya at top sider na suot nya. Ngayon ko lang nakita na ganito ang suot nya, dahil kadalasan ay executive suit ang suot nya. Ngumiti si Liam sa akin at sinuri agad ang aking suot at napasipol.

Still Into You (BedSpacer#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon