XXIV

5.5K 161 37
                                    

#STILLINTOYOU

Samantha point of view

Umupo kami ni Ethan sa isang bench sa park. Malapit lang ito sa condo ko at pwede ko na ito lakarin. Inaya ako ni Ethan kumain sa labas kaya naman pinagbigyan ko sya tutal wala naman si Liam dahil nasa Ilocos sya. Isang linggo sya dun kaya naman matagal-tagal ko din sya ulit bago makita.

Si Dwight? Hindi ko sya nakita ngayong araw. Ewan ko ba pero parang ang lungkot ko dahil hindi ko man lang sya nakita. Eto naman yung ginusto ko diba? Pero masakit pala. Sana pala naisip ko muna yung magiging epekto. Oo ayoko na mapalapit sya kay Margaret, pero wala namang kami kaya hindi ko sya pwedeng ipagdamot. Siguro ay pinipilit na nya talaga ako kalimutan para mabawasan na yung sakit na dinulot ko sa kanya.

"Bakit sa condo ka nakatira? Eh ang laki laki ng bahay mo?" Tanong ni Ethan. Pumaling ako sa kanya habang nakakunot ang noo. Ano daw? Malaki yung bahay ko? Hindi ko nga makita yun e! "Akala ko nga kayo pa din ni Dwight kasi nakita ko syang lumabas dun sa bahay nyo. Ang laki na nun, parang mansion." Sabi nya na syang ikinalaki ng mata ko.

Tinutukoy nya ba yung bahay na mismong nakatayo sa dating bahay ko? So akin talaga yun? Bakit naman kinamkam ni Dwight? Lahat na lang ba kukunin nya? Paano naman kaya yun mga pictures ng magulang ko dun. Aish!

"Noon, bumalik ako dun para kamustahin ka pero sya yung bumungad sa akin. Kinuwelyuhan nya pa nga ako kasi akala nya itinatago kita." Natatawa nyang saad tapos ay tumingin sa akin. "Mahal na mahal ka nya." Diretso nyang untag.

Kusang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Ethan. Ewan ko ba pero may part sa akin na umaasa na mahal nya pa din ako. Ewan ko ba kung bakit? Ang gulo!

"Tingin mo?" Bigla ko na lang ito natanung. Gusto ko lang malaman. Ngumiti sya at tumingin sa langit. "Yes. Nakita ko kung paano sya naghirap. Lagi ko syang binibisita noon, at natatagpuan ko syang laging lasing sa bahay mo, umiiyak.. kaya naman hinanap din kita, pero wala kang bakas na iniwan. Naging laman ng dyaryo ang kompanya nya dahil sa pagbagsak nito. Kaya naman napilitan na yung tatay nya na mag manage muna ng kompanya habang hindi pa sya umaayos." Paliwanag nya.

Nakatingin lang ako sa kanya. Nakagat ko ang aking labi dahil sa mga narinig ko. Sobra ko syang sinaktan. Hanggang ngayon, sinasaktan ko pa din sya. Mali pala ako, dahil higit pa ang sakit na nararamdaman nya kaysa sa naramdaman ko noon.

"Margaret is always on his side. But that jerk is madly inlove with you, he can't love Margaret back." Natatawa nyang saad. Napayuko ako at naisip ang mga nangyari. Tuwing umiiyak sya ng dahil sa akin, si Margaret ang kasama nya. "I don't know if Margaret is a fool, but I think she loves him so much. She stay on his side eventhough Dwight screams for your name." Dagdag pa nya. Napaglaruan ko ang aking daliri. Masakit na manatili sa tabi ng isang tao lalo na kung hindi ikaw ang hinahanap nito. Gusto ko syang pasalamatan, for taking good care of him.

"Bumalik ka ba para maghiganti sa kanya?" Tanong ni Ethan kaya napako ako sa aking kinauupuan. Oo, gusto ko syang makita na humahabol sa akin. Gusto ko makita na magkandarapa sya sa harap ko. Gusto ko makita na hahabol-habulin nya ako na parang aso. Oo, ginusto ko iyon, at nangyari na.. pero hindi pala masaya. Hindi pala masaya na makita syang umiiyak at nasasaktan. Hindi pala. Sobrang sama ko dahil sa mga ginawa ko. Hindi ko nakita yung sakit na dinanas nya.

Tumingin sa akin si Ethan tapos ay seryosong tumingin.

"If you're here just to make revenge on him,. Please stop." Sabi nya kaya naman nangilid na ang luha sa mata ko. Nakagat ko ang aking labi habang nakatingin sa kanya. "He suffered to much, Sam. He's into pieces.." Sabi nya kaya naman lumandas ang luha sa mata ko. Alam ko, na sirang-sira na sya ng dahil sa akin. Alam ko, at galit na galit ako sa sarili ko.

Still Into You (BedSpacer#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon