#STILLINTOYOU
Samantha point of view
"Yeah, I know it's kinda bullshit but that's what I feel."
Natulala ako dahil sa sinabi nya. Nakatitig lang ako sa mata nyang parang kinakausap ako. Wala akong ibang naririnig kung hindi ang hampas ng alon sa dagat. Naaaninag ko ang mukha nya dahil sa maliwanag na sikat ng buwan. Nakita kong naghalf open ang bibig nya tapos ay bumaba ang tingin nya sa aking labi. Napasinghap ako ng hangin habang tinitingnan ang mukha nya. Unti-unti, lumapit ang mukha nya sa akin. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Ano bang nangyayari?
Hindi ako nag atubiling kumurap habang nakatingin sa mukha nyang papalapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito? Wala akong maigalaw kahit ano. Tumigil ito tapos ay tumingin sa akin. Halos magkanduduling na ako sa tingin sa kanya. Lumayo ito tapos ay tumingin sa dagat. Rinig kong bumuntong hininga ito at pumikit.
Wait? Muntik ba nya akong halikan? Shit! Iniiwas ko din ang tingin ko sa kanya at ininom ang wine na hawak ko. Ano ba 'tong nangyayari? Ngayon ko na lang muli naramdaman ang katawan ko. Aish!
"Pumasok na tayo sa loob. Medyo malamig na dito.." aya ni Dwight sa akin tapos ay tumayo na sya. Pinagpagan nya ang kanyang pwetan tapos ay tumingin sa akin. Naglahad ito ng kamay kaya tiningnan ko iyon. Binalik ko ang tingin sa kanyang mukha, bago ko tinanggap ang kamay nyang nakalahad. Hinila nya ako patayo at pinagpagan ko din ang aking pwetan. Nilagay ni Dwight ang kanyang kamay sa bulsa at yumuko.
Umuna sya maglakad kaya sumunod ako sa kanya. Nakatingin lang ako sa maskulado nyang likod. Sabay kaming umakyat ni Dwight sa hagdan at inihatid nya ako sa kwarto ko. Bago ako pumasok ay hinarap ko muna sya.
Nagkatitigan muli kami ng ilang segundo bago nya iniwas ang tingin nya. Napakamot sya sa ulo nya at tumingin sa akin.
"Goodnight.." sambit nya. Tumango naman ako at pinihit na ang doorknob. "Goodnight din.." ani ko at pumasok na sa loob ng kwarto. Bago ko sinara ang pinto ay sumulyap muna ako sa kanya tapos ay sinara iyon. Huminga ako ng malalim at napasandal sa pinto. Nanatili ako dun ng ilang minuto bago ko napagpasyahan na maglakad papunta sa kama ko. Sumampa ako dun at inabot ang phone ko kung may message, pero wala. Nagtipa ako ng mensahe para kay Liam tapos ay sinend iyon.
Hindi pa ako inaantok. Sumandal ako sa headrest at naghanap ng mababasa sa wattpad. Nung panahong broken ako, sa wattpad ako nakakarelate. Naranasan ko din matulog ng madaling araw dahil ayokong mabitin sa story. Haha. Andami ko na ngang natapos na kwento e, kaya kapag wala masyadong ginagawa o hindi pa dinadalaw ng antok, nag uutay akong magbasa nito.
Biglang nawalan ng ilaw sa kwarto. Nanlaki ang mata ko at agad ay binuksan ang flashlight ng phone ko. Pero tanga ang phone ko dahil low battery na pala. Buiset! Ilang minuto ay kusa na itong namatay kaya nag iisa ako sa madilim na kwartong ito. Kinikilabutan ako habang iginagala ang tingin sa paligid kahit wala naman talaga akong makita. Shit! Kinapa ko ang unan at niyakap iyon. Narinig ko na lang na bumukas ang pinto at bumungad si Dwight na may hawak na flashlight.
"Okay ka lang ba?" Bungad nyang tanong sa akin. Binitawan ko ang unan na yakap ko at bumaba sa kama at lumapit sa kanya. "Oo. Bakit walang ilaw?" Tanong ko. Tinutok nito ang flashlight nya sa switch ng ilaw. "Siguro walang power." Sagot nya. Nagtiim ako ng bagang dahil sa sagot nya. Oo nga naman! Walang power kaya walang ilaw.
"Dito ka muna, kukuha ako ng kandila sa baba.." pamamaalam nya pero hinawakan ko ang braso nya. Tumingin muna sya sa akin bago bumaba ang tingin nya sa kamay kong nakahawak sa braso nya. Agad kong tinanggal ang hawak ko sa braso nya at umantras ng isang hakbang palayo sa kanya. "Sa..sama na ako. Ayoko maiwan mag isa dito." Untag ko. Tumango naman ito kaya lumabas na kami ng kwarto at bumaba.
BINABASA MO ANG
Still Into You (BedSpacer#2)
RomanceShe is almost over him. But then, he came back. Does their love still have a second chance? My Bed Spacer Lover Book 2. Written By Drone_Ranger.