"Patayin mo na nga kasi yong ilaw."
"Its past midnight and its way too dark, walang may makakakakita sa atin."
"Kahit na Wren. Look, i'm going. Baka may makakita pa sa atin dito." Lumabas na siya ng kotse, pero dumungaw siya ulit sa bintana. "I'll see you tomorrow, okay?"
Wren leaned in to kiss her on her lips. "Okay, same time, same place?"
"I'll try."
Hindi na niya hinintay na makaalis ang sasakyan ni Wren, dahandahan na din siyang pumasok ng gate nila at dalidaling tumakbo papunta sa pintuan ng bahay.
"Scott."
She jumped. "Oh shit! K-kuya?" She said clutching her chest. "Nagulat naman ako sa'yo...kanina ka pa ba diyan?"
Hindi naman siya sinagot ng kuya Gene niya na nakaupo sa balkonahe nila. "Si Wren ba yong kasama mo?" Tanong sa kanya.
Scott looked away. Hindi niya alam kung paano sasagutin yon. Wren is her boyfriend pero her family is not okay with it, except for her kuya Gene. Ang kuya lang niya ang nakakaintindi sa kanya.
Gene sighed when Scott nodded. "Scarlett, kailan pa ba kayo titigil sa kakatago niyong dalawa? Ako mismo ang napapagod just by watching you two."
"Kuya alam mo namang hindi pwede." Sabi ni Scott.
Everything started nang dinaya ng daddy ni Wren si mr. Mendiola, Scott's dad. Both were running for senator last year, and after nang pagkatalo ng daddy ni Scott naging mahigpit na ang lahat.
"I'm not saying na maghiwalay kayong dalawa. Just be careful, okay?" Gene said, smoothing Scott's hair.
Ngumiti si Scott sa kuya niya. "Anong ginagawa mo dito sa labas?"
"Nagpapahangin lang, kakarating ko lang din eh." Isang journalist si Gene. "Nakakastress kasi sa trabaho."
Ngiti lang ang nagawa ni Scott, alam niyang mas higit pa sa trabaho ang dahilan ng pagkastress ng kuya niya. His girlfriend of four years broke up with him without any reason. Para kay Scott, her kuya Gene is better off without that girl. Hindi deserve ng kuya niya ang ganung klaseng babae.
"Ayaw mo pang mahpahinga? May trabaho ka pa bukas kuya." She said, touching Gene's shoulder. "Tara na sa loob."
"Sige, para makapagpahinga ka na din." Pumasok na silang dalawa sa loob ng bahay nila. "Kumusta na pala yong sinasabi mong company?"
Scott made a face. "Hmmp, tsaka na yon kuya. Hindi pa naman ako nagmamadali eh."
Tumigil ang kuya Gene niya sa paglakad, and looked at her. "What? Scarlett? Sayang yong panahon mo, okay? Bakit sa susunod pa?"
"Kasi kung isesend ko na yong application ko, malaking chance na aalis na ako kaagad." Sabi ni Scott at nahihiyang napangiti. "Ayoko pang umalis dito kuya."
"Is it because of Wren? Scott, pangarap mo yon. Please, don't waste your chance to achieve that dream. Okay? Kung mahal ka ni Wren, makakahitay siya at maiintindihan ka niya."
Scott nodded. "Yes kuya."
Pumasok na din silang dalawa sa loob ng bahay.
***
The next day at breakfast, tahimik na kumakain si Scott nang bigla siyang kinausap ng daddy niya.
"May nakakita sa'yo na kasama mo ang anak ni senator de Vera." Sabi ng daddy niya, hindi man lang siya tinititigan habang kinakausap. "Is he your boyfriend Scarlett?"
Napatigil si Scarlett sa tanong ng daddy niya, napatingin siya sa kuya niya, napasulyap naman ito sa kanya. She looked up at nakitang nakatingin na sa kanya ang daddy at mommy nila.
"Well? Boyfriend mo ba siya?" Tanong ng mommy niya, a surprised look on her face dahil hindi niya maisip kung bakit sa dinamidami ng lalake, dun pa sa anak ng kaaway nila.
Scott opened her mouth but nothing came out, kinakabahan siya ngayon ng sobra. Naiipit siya ngayon kung sasabihin ba niya or hindi. Gusto niyang sabihin ang totoo para maging malaya na sila ni Wren, at gusto niyang ipamukha sa parents nila na labas na sila ni Wren sa anumang gulo nila. Pero knowing their parents, hindi nila maiintindihan yon.
Napasulyap siya sa kuya Gene niya, na medyo mas nahihirapan pa sa sitwasyon niya ngayon.
"Scarlett? Is that de Vera boy your boyfriend? Naalala kong may nakapagsabi din sa akin last time, you're at a mall with a boy." Sabi pa ng mommy niya.
"...No." Sagot ni Scott.
"Are you telling the truth?" Tanong ng mommy niya.
She sighed. "Yes, mom."
Napangiti ang mommy niya at napatingin sa daddy niya. "Good, because I wanted you to meet someone."
"Someone? Sino po?"
"Naaalala mo pa ba si tita Divina mo? She's going to visit the country with Harry next week. Its been so long since the last time you've seen eachother, no?" A smile appeared in her mom's face, alam na alam ni Scott ang ngiting yon. "Your tita Divina told me that he's excited to see you."
Napayuko si Scott saglit para hindi makita ng parents niya her worried look, at bago pa niya mapigilan ang sarili niya lumabas na ang mga salita sa bunganga niya. "Mom, I can't. May boyfriend na po ako." Sabi niya.
Napatigil ang mommy niya at pati na din ang daddy niya, samantala si Gene naman ay nakaabang sa sasabihin niya.
"You already have a boyfriend? Who?" Tanong ng mommy niya.
"Its that de Vera boy!" Galit na pagkasabi ni mr.Mendiola.
"No, hindi si--- hindi yong anak ni senator de Vera." She lied. "His name is..." Nagisip siya ng pangalan, and the name crossed her mind. "His name is Ardi." Yes, yon yong naalala niya.
"Okay, well, gusto namin siyang makilala." Sabi ng mommy niya, halatang na dismaya dahil gusto pa niya yata si Harry para kay Scott.
After nilang magbreakfast, pabalik na si Scott ng kwarto niya para makapagisip. Late na siyang natauhan sa mga pinagsasabi niya kanina para lang makatakas sa mga kinekwestyon sa kanya.
"Are you crazy? Anong pinagsasabi mo kanina dun?" Tanong ni Gene, sinundan niya si Scott.
"Hindi ko alam." Napatigil si Scott at napatingin, baka kasi biglang sumulpot ang mommy nila. "Lumabas na lang yon basta basta kanina. I wasn't thinking, kuya anong gagawin ko? Pwede ko pa bang bawiin yon?"
"Ang magagawa mo na lang talaga is to tell them the truth about you and Wren."
Scott gasped. "Kuya hindi ko masasabi sa kanila yong totoo. Nakita mo naman kanina yong reaction nila di ba? Kapag malaman nilang kami ni Wren, ipupusta ko yang sasakyan mo, gagawin nila ang lahat para maghiwalay kami." She sighed. "At ayokong mangyari yon."
"To tell you the truth sis, hindi ko talaga alam kung anong gagawin mo. At ayokong isipin paano na lang kung mahuli ka at malaman nila yong totoo."
Bigla silang napatigil dahil dumating ang mommy nila.
"Oh, Gene bakit nandito ka pa? You'll be late for work if hindi ka pa aalis ngayon." Sabi ng mommy nila.
"Paalis na mom." Sabi naman ni Gene, taking his time na umalis. Hindi pa kasi sila tapos ni Scott magusap, and he knows his sister is gonna be in big trouble.
"Scarlett." Ngiti ng mommy nila. "I forgot to tell you that we're having a luncheon next week with your tita Divina and Harry. And your boyfriend's invited, please tell him that."
END OF CHAPTER TWO

BINABASA MO ANG
ARDI [BOYS BE SERIES]
Short StoryBOYS BE SERIES BOOK 3 [COMPLETE] Inside joke na ng mga kaibigan ni Ardi na tuksohin siyang allergic sa babae. He doesn't have time meeting and mingling with girls, para kay Ardi priority niya ang trabaho niya at uunahin niya yon. Until he accepts a...