Six

50 2 2
                                    

Pumasok na si Scott ng Night Owl and scanned the room, looking for someone.

Nang makita na niya ang hinahanap niya ay agad naman niya itong nilapitan. She approached the table and carefully sat across that person.

"Hi, sorry...kanina ka pa ba? Medyo matraffic kasi dun." Sabi ni Scott.

"Hindi, okay lang." Sagot naman ni Ardi.

Scott wasn't expecting na makakatanggap siya ng text from Ardi. Akala kasi niya hindi na magbabago ang isio ni Ardi tungkol dun sa sinabi niya nung isang araw. Well, she's thankful dahil pumayag si Ardi, wala na kasi siyang maisip na paraan.

"Ahmmm...care for a drink?" Offer ni Scott.

"Mabuti pa pagusapan na lang natin yong pinunta natin dito?"

Nahihiyang ngumiti si Scott sa kanya. "Okay. I'm Scarlett Mendiola." She started by introducing herself again. "Bale yong boyfriend ko ang magbabayad sa'yo."

Ardi was confused after hearing that. "Meron ka naman palang boyfriend."

Scott nodded. "Well, yes, pero its a very complicated thing at malalaman mo din yon sa susunod kung bakit."

"Kung malalaman ko lang naman din, bakit hindi mo pa sabihin ngayon?" Ardi shrugged. "Siguro pwede ko naman malaman yong dahilan since papasok ako sa ganito."

Scott pursed her lips. May point din naman si Ardi. Hindi din naman siya basta basta papasok sa isang bagay kung wala siyang kaalamalam. Kaya minabuti na niyang sabihin kay Ardi. "Ayaw ng parents ko sa pamilya ng boyfriend ko. Nagduda nga sila sa akin and asked me about it pero I denied it. Alam ko kasing paghihiwalayin pa din kami kung malaman nila, at may kutob ako na meron silang gustong ipakilala sa akin." She explained.

Speechless naman si Ardi at pinasink in sa sarili ang sitwasyon ni Scott. "So...ano yong plano mo? Anong gagawin ko?"

Napangiti si Scott nang sinabi ni Ardi yon. Feeling niya kasi nagcocooperate na si Ardi sa pinaplano niya. "Next week, dadating yong family friend namin, merong lunch at sinabi sa akin ni mommy na iinvite daw yong sinabi kong boyfriend ko."

Ardi felt uneasy, napayuko siya. "Okay. Bale pupunta lang ako dun sa lunch? Pagkatapos nun, wala na?"

"Pupunta ka lang dun, ipapakilala kitang boyfriend ko."

"Paano kung hanapin nila ako pagkatapos nun? Paano kung mabuking tayo?" He asked Scott with a worried look on his face.

Umiling si Scott and hold out her hand para patahimikin si Ardi. "I'll come up with something, kaya nga tayo nandito ngayon para pagusapan. Ang importante sa akin ngayon is yong may ihaharap ako sa kanilang boyfriend ko."

"Hindi naman kaya ako mapahamak nito?" Hindi pa rin nawawala ang pagaalala ni Ardi.

"No, i'll make sure na walang mangyayaring masama sa'yo at hindi ka mapapahamak." Chineck niya ang phone niya sandali and blew out some air. "Tayo sana tatlong maguusap ng boyfriend ko, kaso may pinuntahan daw siyang importante at sabi ako na muna bahalang makipagusap sa'yo." May kinuha si Scott na papel sa bag niya at pinabasa kay Ardi.

"Ano 'to?" Kinuha na yon ni Ardi at binasa. "Contract? Akala ko ba isang araw lang akong magtatrabaho sa'yo? Bakit meron ka pang naisip na ganito?" Sunodsunod niyang tanong habang binabasa ang contract.

Pinipigilan ni Scott na mapangiti sa ganung ugali ni Ardi, pero hinayaan na lang niya. "Just in case na magbago isip mo the last minute, at maipit na naman ako."

Ardi paused from reading and looked up at her. "Just in case?"

"Yes. Don't worry, its not that official gusto ko lang ng may pinanghahawakan to make sure of something, everything."

Babawiin na sana ni Scott ang contract kay Ardi but he held it out of her reach, and signed it. "Kailangan ko lang talaga ng extra." He said while signing. "Let's help eachother out."

"Okay, deal." Scott smiled and held out her hand, and shook hands with Ardi.

***

"Ano?! Anong ginawa mo?" Pat burst out nang naikwento na ni Ardi sa kanya ang tungkol sa contract niya kay Scott.

"Ilang araw lang naman eh, at sayang yong ibabayad nila." Sabi ni Ardi, napaupo na sa couch at nagpahinga.

"Sigurado ka ba diyan sa  gagawin mo? Baka mapapahamak ka lang diyan ah."

 Actually, kanina pa pinagiisipan ni Ardi yan. Pero okay lang naman at iilang araw lang din naman siya magtatrabaho, makakaya niya yon as long as hindi siya papalpak sa pinapagawa sa kanya.

"Okay na, may usapan na kami. Isipin mo na lang na nakuha ako bilang extra sa isang pelikula." Sagot ni Ardi kay Pat, habang hinuhubad ang sapatos. "Parang ganun na din yon eh."

Bumalik na din ang atensyon ni Pat sa laptop at nagpatuloy sa kakapanood ng movie. "Nakakagulat yang mga raket mo ah. Baka sa susunod malalaman na lang namin na nagbebenta ka na ng laman dun sa kanto." Biro niya at tsaka tumawa.

Natawa din si Ardi sa biro ni Pat. "Grabe, kahit kailan hindi ko magagawa yon. Magutom na kung magutom." Sabi niya at tuluyan nang humiga sa couch.

"Ano bang apelyido nung boss mo?" Tanong ni Pat, pinause yong pinapanood na movie.

"Mendiola yong apelyido nung babae. Scarlett Mendiola. Hindi ko nakilala yong boyfriend niya eh, hindi nakapunta." Pikit mata na sagot ni Ardi.

"Bigatin siguro yong boyfriend niya dahil yon yong magfifinance." Pinlay na ulit ni Pat yong pinapanood.

"Siguro." Tahimik na sagot ni Ardi.

Ganun na nga siguro. Sobrang yaman na nga siguro dahil mukhang walang pakialam sa paggasto ng pera niya. Kung iisipin halos one month na niyang sweldo ang ibabayad sa kanya, kaya siya pumayag.

"Sobra sobra siguro pagmamahalan nila dahil naisipan pa nilang gawin yon." Sabi ni Pat, nakatingin sa screen ng laptop niya nawawalan na ng gana sa pinapanood niya.

Hindi na lang din sumagot si Ardi. Wala naman siyang pakialam dun sa problema ni Scott at ng boyfriend niya. Gagawin lang niya yong pinapagawa sa kanya at pagkatapos wala na, bahala na sila sa buhay nila.

"Hoy." Pinalo siya ni Pat ng unan. "Basta ipangako mong huwag ka masyadong mainvolve sa kanilang dalawa."

Ardi sighed. "Haay, wala akong time diyan."


END OF CHAPTER SIX

ARDI [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon