Twenty Five

21 2 0
                                    

Nang makarating sila sa rest house nina Choi, pumili na sila ng kwartong gagamitin. The girls decided na isang room na silang tatlo, and to Austin's dismay.

Past noon na silang dumating at dahil hindi masyadong nakakain, mabilis din silang kumilos para magprepare ng food. Thankful na sila ngayon kay Chad na naisipang magprepare ahead at may dalang marinated pork, and ready to grill.

Dun na sila nagbarbeque sa maliit na beach hut na nandun. Kahit na maliit, pinilit nilang magkasya sa hut pati na din ang mga dalang pagkain. Dahil na din siguro sa place kaya sila naeexcite.

"Ang ganda ng lugar nina Choi dito noh?" Tanong ni Chad sa kanila habang pinapaypayan ang barbeque.

Tumango naman sila at nagcocomment.

"Sino si Choi?" Bulong naman ni Scott kay Ardi.

"Kaibigan din namin. Sa kanila 'tong rest house." Sagot ni Ardi at umupo na sa tabi ni Scott. "Kaso nasa abroad yon ngayon."

"Ahh...I see." Sabi niya, and then taking a sip of her cola sa plastic cup.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Ardi sa kanya. "Huwag kang mahiya, madaling makisabay sa mga kaibigan ko. Hindi naman kita isasama dito kung alam kong hindi okay." Sabi niya pagkatapos ay binuksan ang chips at binigay kay Scott.

"Thanks." She smiled at kumain na siya. Mayamaya ay sinubuan niya si Ardi. She meant nothing. Gusto lang niyang gawin yon pero nakaramdam ng kunting hiya dahil nakita niyang nakatingin sina Pat.

Kahit na si Ardi ay nahiya din yata kasi nagblush siya ng kunti. He cleared his throat. "Kausapin niyo naman bisita ko." Sabi niya sa mga kaibigan niya.

George's giving him a sly smile pero siya na din ang nagsalita. "Nagaaral ka pa ba?"

Umiling si Scott. "Kakagraduate ko lang."

"Ka-edad lang natin siya." Pat informed them. Bilang nauna siyang nakasabay ni Scott, he already knew a little bit about her.

"Ahhh...except for Chad, of course." Singit ni Austin. "Hey! Ouch!" Binato siya ni Chad ng plastic cup.

"Naku! Kapag ako natamaan pa ulit...." Billy threatened them, magkatabi kasi sila ni Austin. Well, hindi din naman kasi lumalayo si Austin sa kanya.

"Just be thankful na walang laman yong plastic cup." Sabi ni Austin, wrapping his arms around Billy's waist.

"Austin, remind ko lang sa'yo na walang aagaw kay Billy." Sabi ni George, na hindi na kinakaya ang pagkaclingy ni Austin kay Billy. "So please..."

Austin looked at George, naparang walang idea kung anong pinagsasabi niya. "What?"

Napalingon din si Chad sa kanila at mukhang nabwesit. "Idikit mo pa lalo pisngi mo kay Billy. Huwag ka nang magbigay ng gap." He said sarcastically at binalik ang atensyon sa pagluluto.

"Yayain mo na lang kasi ng kasal." Sabi ni Pat, tumawa naman si Sean.

"Soon, okay? Malapit na." Sagot naman ni Austin.

Pinalo naman siya ni Billy. "Anong pinagsasabi mo? Imbento ka diyan."

Austin acted hurt. "Why? Ayaw mong magpakasal sa akin? I have plans for us you know." At inisa isa na niya ang mga yon.

Napapangiti lang si Scott habang nakikinig sa mga plano ni Austin sa kanila ni Billy, habang yong iba naman ay parang nasusuka kasi ilang beses na nilang narinig yon kay Austin.

"Hmmm..." Ngiti ni Billy sa boyfriend niya. "Okay na okay yong plano mo, pero mas okay kung matutupad lahat ng yon." She said touching the tip of his nose.

ARDI [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon