"Ano ba yan." Sabi ni Pat, binaba ang backpack niya sa upuan.
"Oh bakit?" Tanong ni Ardi, nakasunod kay Pat. Ready nang umalis.
Magkikita sila ng mga kaibigan nila sa labas ng subdivision nina Sean, malapit kasi sa kanilang lahat.
"Si Chad, nagtext, kakagising lang daw niya." Sagot ni Pat sa kanya.
Si Chad dapat ang naunang nagising dahil kukunin pa niya yong nirentahang van na gagamitin nila.
Napapikit si Ardi at gustong magface palm. So that means madedelay sila dahil hihintayin pa nila si Chad. Some things never change naman talaga.
Naupo na lang sila ni Pat sa couch at sabay na ipinatong ang paa sa coffee table.
"So maghihintay na lang tayo dito?" Tanong ni Ardi kay Pat.
"Ano pa nga ba. Excited pa naman sana ako." Sagot nito at pinikit ang mga mata.
Kinuha naman ni Ardi ang phone niya at tinext ang taong kagabi pa nita iniisip.
Si Scott.
Kumusta ka na boss? ☺
As he expected, sumagot naman kaagad si Scott sa text message niya.
Boss ka diyan! Haha! Eto, nangangape kasama si kuya. Dito ako ngayon sa condo niya.😊
Aba... mukhang okay ah.😀
Medyo boring nga. Netflix lang ako dito, hindi naman pwedeng lumabas si kuya ngayon may kailangan kasi siyang tapusin. Hindi ka naman available kasi may outing kayo.😑
Ardi smiled to himself. Palagi na lang kasi itong nabobored at parang may ADHD. He chuckled.
Napatingin si Pat sa kanya. "Oh anong problema mo diyan?" He scooted para makita kung anong binabasa ni Ardi sa phone niya.
"Wala." Sabi niya sabay baba ng phone para makita ni Pat, kahit na wala naman talaga.
"Anong tinatago mo? If I know si Scott lang naman yang kausap mo." Sabi ni Pat na may tonong nanunukso. "Ano bang meron sa inyo?"
"Nakita mo naman kami di ba? Magkaibigan." Sabi ni Ardi sabay tayo at kuha ng bag. "Mauna ka na lang kina Sean. Magkita na lang tayo dun."
Napanganga si Pat. "Oy teka, saan ka pupunta?"
"Sandali lang." Sinuot na ni Ardi ang bag niya. "Susunod na lang ako kina Sean, ha?"
"Last time na sinabi mo yan natagalan ka eh." Sabi ni Pat pero pumayag na din. "Oo, text na lang kita."
Ngumiti si Ardi. "Promise, sandali lang ako." At lumabas na siya ng apartment nila.
***
"Nasaan na ba sila?" Naiinip na tanong ni George.
Nasa labas sila ng subdivision nila at hinihintay si Chad at si Ardi.
"Papunta na daw si Chad eh. Ewan ko kay Ardi, hindi sinasagot text ko eh." Sagot ni Pat na humahaba na ang leeg kakahintay sa dalawa.
"Ay naku, uuwi na ako." Isa pang reklamo ni George.
Sean caressed George's cheek, trying to calm her down. "Agang aga highblood ka." Sabi niya sa girlfriend. "Saan ba pumunta si Ardi?"
"Ewan ko." Pat answered for the nth time. "Hindi naman sinabi. Sandali lang daw siya."
"Saan na kaya yon. Try ko ngang tawagan." Kinuha na ni Sean ang phone niya and dialled Ardi's number.
BINABASA MO ANG
ARDI [BOYS BE SERIES]
Storie breviBOYS BE SERIES BOOK 3 [COMPLETE] Inside joke na ng mga kaibigan ni Ardi na tuksohin siyang allergic sa babae. He doesn't have time meeting and mingling with girls, para kay Ardi priority niya ang trabaho niya at uunahin niya yon. Until he accepts a...