Twelve

24 2 0
                                    

"Oh, ayan na oh." Turo ni Sean kay Ardi na kakapasok lang ng Shots.

Nilapitan na sila ni Ardi. "Ang aga niyo naman." Napatingin sa tatlong beer at sisig sa table.

"Hindi, late ka lang talaga. Kanina pa kami dito." Sagot ni Pat sa kanya.

"Ang gwapo gwapo mo ngayon ah." Sabi ni Austin bago maupo si Ardi. Kanina pa siya nakatitig sa porma ng kaibigan. "Sana man lang naginform ka. We are so underdressed."

Naka pantalon at simpleng tshirt lang kasi silang tatlo nina Pat.

"May pinuntahan lang kasi ako." Sagot ni Ardi.

"Business? May job interview ka ba?" Tanong ulit ni Austin.

Nagpalitan lang ng tingin sina Pat at Sean, hindi kasi nila nabanggit kay Austin ang tungkol dun at ngayon ay tahimik lang silang dalawa. Bahala na si Ardi ang magexplain.

"Oo, trabaho yong pinuntahan ko." Sabi ni Ardi.

Tumango si Austin. "What job?"

Napatingin si Ardi sa kanya. "Sinapain ka ba ni Chad? Si Chad lang naman yong chismoso sa atin ah."

Austin laughed. "What? Is it wrong to ask? You're my friend, dude, at matagal na akong hindi nakasabay sa inyo. I want news."

"Its up to you, sinabi mo nga sa amin yang pinasukan mo eh." Pat shrugged nang mapatingin si Ardi sa kanya.

Austin opened his mouth. "Oh gawd, dude? Bumigay ka? Nageescort ka?" He said with total disgust.

Gustong basagin ni Ardi yong bote sa ulo ni Austin dahil sa sinabi niya, pero tinakpan na lang niya yong bunganga ni Austin at piniga. "Ang laswa laswa ng pagiisip mo."

"Then tell me, ang hilig niyo kasing magtago tapos nakakaduda yong palitan niyo ng tingin." Namula yong bibig ni Austin nung bitawan ni Ardi.

Kinwento na din ni Ardi sa kanya yong tungkol kay Scott at ang trabaho niya. Kinwento din niya sa mga kaibigan ang nangyari kanina.

"Ahh...okay." Sabi ni Austin nang matapos na si Ardi.

"Okay naman ba kanina yong parents niya?" Tanong ni Pat.

"Hindi ko masyado nakausap eh, busy kasi sa ibang bisita." Sabi ni Ardi at uminom na ng beer na inorder niya.

"Aren't you scared?" Tanong ni Austin.

Umiling si Ardi. "Alam ko naman ang gagawin ko eh at napagusapan na namin ni Scott yon."

Austin waved him off. "No, what I mean is aren't you afraid that you might...you know, fall?"

Agad din namang napatingin sina Pat at Sean kay Ardi. Obviously, naglalaro din sa isipan nilang dalawa ang tanong yon.

Mabilis din namang umiling si Ardi. "Hindi noh. Ano ka ba. Nagpapakaprofessional nga ako, ayoko ngang maattach sa kanya masyado. Trabaho lang."

The three of them made a face, hindi sila convinced.

"Ayan na naman kayo eh." Napakamot si Ardi sa ulo niya.

"What? Wala naman kaming sinasabi ah." Natatawa na si Sean dhil naaasar na si Ardi sa kanila. Kung nandito lang sana si Chad.

Tumigil na sila sa panunukso at naginuman na lang.

"Come to think of it, may girlfriend ka na." Simula na naman ni Austin. "Hilaw nga lang."

Binato siya ni Ardi ng kalamansi.

***

Scott checked her reflection sa mirror and fixed her hair.

Magkikita silang dalawa ni Wren at nagmamadali na ito.

Bumaba na si Scott at pinuntahan ang mommy niya para magpaalam. "Mom? Lalabas lang po muna ako."

"Are you going shopping again, Scarlett?"

"Yes, mom. I need new shoes." She lied and made a mental note na bibili ng sapatos mamaya for proof.

Her mom nodded. "Is your boyfriend coming with you?"

Natigilan si Scott saglit, muntik nang nakalimutan na si Ardi pala ang tinutukoy ng mommy niya. "Ahmmm...yes, magkasama kami."

"Then invite him to come over, dito na siya maglunch since hindi ko siya naentertain kahapon."

Lumakas ang kabog ng dibdib ni Scott sa sobrang kaba. Magagawa kaya nila yon ni Ardi on such short notice? "...i'm not sure, baka po kasi---"

"Don't you want me to meet your boyfriend? Why? Is there something wrong?" Her mom smiled, teasing her.

Hinugot na ni Scott ang lahat ng lakas ng loob, at kinuha ang phone niya sa kanyang bag. "I'll just...call him and invite him over." Sabi niya at nanginginig na dinial ang number ni Ardi.

***

"Gising na! Tanghali na!" Tawag ni Pat sa mga kaibigan niya.

Dun na natulog sina Sean at Austin sa apartment nila. Nakipagsiksikan dun sa kwarto.

"...liar...ang aga pa." Austin murmured with closed eyes.

"Gusto mo ipamukha ko sa'yo yong relo ko?" Sabi ni Pat na naunang nagising sa kanila at nagluto na ng pagkain nila.

Pero hindi pa din gumagalaw sina Austin, mahimbing pa din silang natutulog. Naistorbo nga lang ang tulog nila nang magring ang phone ni Ardi.

"Yaaaaarrggghhh!" Reklamo ni Sean at nagtakip ng unan. Nakahiga sila ni Austin sa sahig.

Pikit matang kinuha ni Ardi ang phone niya sa ilalim ng unan at sinagot. "...'lo?"

"...b-babe? Hi!"

Blanko ang utak ni Ardi saglit. "...Scott?"

"Nasaan ka na ngayon?" Nanginginig ang boses ni Scott sa kabilang line.

"...apartment, bakit?"

"Ahmmm...sabi ni mommy dito ka daw maglunch, since 'magkikita' naman tayo sa labas...at para makapagbond naman kayo, sobrang busy kasi siya kahapon sa mga bisita niya." Sabi ni Scott, inemphasize ang word na magkikita. "...sunduin mo ako dito... please?"

"Ano!?" Tuluyan nang nagising si Ardi. Nagulat naman ang dalawang natutulog sa biglaanniyang pagbangon.

"...can you come over? Now? Please?" Nagmamakaawa na ngayon si Scott sa kanya.

"Okay, okay. Papunta na ako." As soon as the call ended, tinapon ni Ardi ang phone sa kama niya at tumakbo papuntang banyo para maligo.

"May date ba kayo ng girlfriend mo?" Tanong ni Sean nang makabalik na si Ardi ng kwarto. Less than five minutes lang yata ang paligo niya.

"Ha? Hindi, pinapapunta ako ng mommy niya sa bahay nila." Natataranta na siya ngayong naghahanap ng masusuot niya.

"Ahummp...mother in law na hilaw." Sabi ni Austin at bumalik sa pagtulog.

"Anong susuotin ko?" His hands are frantically searching through his clothes.

Binuksan naman ni Pat ang dresser niya at kinuha ang malinis na polo shirt. "Hiramin mo na muna oh." Sabi niya sabay abot kay Ardi.

"Salamat, salamat." Dalidali nang nagbihis si Ardi at inayos ang sarili.

END OF CHAPTER TWELVE

ARDI [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon