Tahimik na nakaupo si Scott sa passenger seat, katabi ng mommy niya na nagdadrive.
Honestly, she was a bit surprised nang sinabi ng mommy niya sa driver nila na siya na lang ang magmamaneho. Her mom doesn't like being behind the wheel pero nang makalabas na sila ng gate, napangiti na lang ito sa tuwa.
Hindi alam ni Scott kung saan sila pupuntang dalawa. Sabi ng mommy niya maglulunch sila pero marami na silang nadadaanang restaurant, wala namang sign na hihinto sila.
They're approaching an intersection at naabotan sila ng red light.
Napahinga ng malalim ang mommy niya at napatingin sa kanya. "Alam mo ba kung bakit hindi ko pinadrive ang driver?"
Blank ang mukha ni Scott. "...because you want to take over the stirring wheel?" She shrugged.
"Because I wanted to be alone with you." Sabi ng mommy niya, and she looked away. Ibinaling ang atensyon niya sa traffic light. "There are things you didn't know about me, there are things I kept from your dad."
Tahimik lang si Scott pero nagtataka kung ano bang ibig sabihin ng mommy niya. "...w-what are you saying?"
Hindi na nakasagot ang mommy niya dahil ngstart nang mag-green light. So Scott waited for her mom's answer.
"Saan mo gustong kumain?" Tanong ng mommy niya.
"Mom, iniiba mo usapan."
Scott was surprised seeing her mom gave her a smirk. "Let's eat here. Shall we?"
Next thing she knew ay hininto na ng mommy niya ang sasakyan at hinihintay na din siyang lumabas.
"Let's go." Ngiti ng mommy niya sa kanya, completely forgetting about wgat she said in the car.
Sumunod naman si Scott sa kanya papasok ng restaurant, hoping that she would find out kung ano bang tinatago ng mommy niya.
***
Binaba ni Ardi ang lapis niya at tingil ang ginagawa para magpahinga sandali, medyo sumasakit kasi likod niya.
"Tol, lunch break ka na muna." Sabi nung kasama niyang si Sid, siya ang unang nakasundo ni Ardi sa station nila. "Pahinga muna tayo, meron pa naman mamaya eh. Sumasakit na likod mo diyan." Biro nito.
"Medyo sumasakit na nga." Sabi ni Ardi at niligpit na ang mga gamit niya.
"Tara, sama na tayo." Niyaya siya ni Sid.
Sabay na silang lumabas ng station nila kasama ang isa pang illustrator na si Dave. Nagaalinlangan pa si Ardi kasi medyo madistansya 'tong si Dave sa mga bagohan.
Nadaanan nila ang cubicle ni Gene at tamang tama din na palabas ito. "Ardi, maglalunch ka na?" Tanong ni Gene nang makita si Ardi.
Napatigil si Ardi sa paglakad, ganun din ang dalawang kasama niya. "Oo eh."
"Sumabay ka na lang sa akin, maglalunch na din kasi kami ng kasama ko." Gene offered.
"Uhmmm..." Ardi stammered. "May kasama na kasi ako."
Gene felt funny, ngayong lang kasi niya napansin ang dalawang kasama ni Ardi. Napangisi siya. "Sorry, hindi ko alam na may kasama ka na pala." He waved at the two. "Bawi ka na lang next time." Sabi ni Gene sa kanya.
Tumango naman si Ardi at nagpaalam nang umalis.
"Magkakilala na pala kayo ni boss Gene." Sabi ni Sid nang makalabas na sila ng opisina.
"...ahh...oo." Sagot naman ni Ardi, hoping na hindi na si Sid magtatanong kung paano sila nagkakilala.
Papasok na sana si Ardi ng canteen nang pinigilan siya ni Dave, na kinagulat naman ni Ardi kasi pinansin na siya nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/82709015-288-k118663.jpg)
BINABASA MO ANG
ARDI [BOYS BE SERIES]
Short StoryBOYS BE SERIES BOOK 3 [COMPLETE] Inside joke na ng mga kaibigan ni Ardi na tuksohin siyang allergic sa babae. He doesn't have time meeting and mingling with girls, para kay Ardi priority niya ang trabaho niya at uunahin niya yon. Until he accepts a...