Nakaupo lang sa couch si Ardi at kanina pa nakahawak sa phone niya. Gusto niyang tawagan si Scott, pero inaalala niya si mr.Mendiola at ang asawa nito.
"Pasok na ako sa kwarto ah. Magpahinga ka na din." Sabi ni Pat nang makatapos siyang magligpit ng pinagkainan niya.
Hihiga na sana si Ardi sa couch nang may kumatok sa pintuan, nagtinginan sila ni Pat.
"Ako na." Sabi ni Pat at lumapit na sa pintuan para buksan.
Si Ardi naman ay napahiga na sa couch.
"Scott?" Sabi ni Pat pagkabukas niya ng pintuan.
Napabangon naman kaagad si Ardi at napatingin sa pintuan kung saan nakatayo si Scott.
"...pwede ba akong pumasok?" Tanong ni Scott kay Pat pero nakatingin ito kay Ardi.
Tumango naman si Pat. "..pasok ka." Pinapasok na si Scott.
Tumayo na din si Ardi at nilapitan si Scott. "Ba't ka nandito?" Napatingin siya sa bag ni Scott. "A-ano yan?"
Pero hindi sumagot si Scott, niyakap lang niya si Ardi at umiyak. "...Ardi." She sobbed.
Ardi hugged her back.
Naramdaman niyang out of place na siya, Pat decided to leave the room at pumasok na lang sa kwarto niya.
Ardi closed his eyes as he lock Scott with his embrace. "Alam ba nilang pumunta ka dito?"
Scott let go of Ardi. "Hindi nila alam, at hindi na ako babalik dun."
Napatigil si Ardi. That explains the bag na dala dala ni Scott. "..tumakas ka na naman?" Tanong niya kay Scott, haawakhawak niya ang magkabilang braso.
"Hindi na ako babalik dun." Ulit ni Scott, napaupo na sila ni Ardi sa couch. "Kaya ko namang magisa eh. May pera ako dito, mahahanap ako ng trabaho."
Ardi just stared at her, breathing deeply. Naiintindihan niya kung bakit nakaapagisip si Scott ng ganito, pero ayaw niyang gawin ni Scott ang mga yon. He value Scott, alam niyang there's much more to her. Sayang lang king magkakaganito siya.
"Maglalayas ka?" Ardi blurted out. "Kaya mo na bang mabuhay magisa?"
Hindi makasagot si Scott kaagad, but she did managed to stammer. "...k-kakayanin ko. Basta... ayoko nang bumalik ng bahay." Sabi niya, and then she added in a low voice. "...sasama ako sa'yo."
Nanlaki ang mga mata ni Ardi. He was taken aback sa narinig kay Scott. Obviously, hindi pa niya kaya yong ganun. Oo, mahal niya si Scott pero wouldn't go to far para itanan siya. Plus, inaalala niya ang mga sinabi sa kanya ng parents ni Scott. He too, thinks that he doesn't deserve her. Meron diyan na mas babagay kay Scott, someone like Harry. Mas magiging okay ang buhay ni Scott kung sa iba siya mapupunta. "Scott... pagisipan mo muna ng mabuti yang sinasabi mo."
"Nakapagdecide na ako." Sabi ni Scott. Nakita niyang naghesitate si Ardi. "...Ardi...what's wrong?"
"...nakapagisip na kasi ako." He paused. "Huwag na lang natin sigurong ituloy 'to---"
Scott blinked. "What? You're breaking up with me before it even started?" Gulonggulo na siya ngayon. Pumunta siya dito kay Ardi dahil alam niyang hindi siya pababayaan nito, tapos ito pa ang mangyayari. "What's wrong? Pwede mo ba sabihin sa akin ang dahilan?"
Ardi stared at her. He opened his mouth but the words won't come out. "...h-hindi kasi tayo pwede."
"Hindi pwede?...a-anong pinagsasabi mo?" Tanong ni Scott. Hindi makapaniwala sa narinig niya. Alam man niya ang dahilan kung bakit nasabi ni Ardi yon, pero ayaw niyang tanggapin at paniwalaan. "Okay naman tayo di ba? Bakit mo binabawi?"
"...kalimutan na lang natin yon." Sabi ni Ardi. Paano ba niya gagawin 'to? Ano pabang sasabihin niya para kalimutan na lang siya ni Scott. "Huwag na lang nating ituloy. Okay naman tayo na magkaibigan lang..."
"No!" Nagsimula na namang umiyak si Scott. "Nandun na tayo eh, bakit ngayon binabawi mo. Ayaw mo ba sa akin?"
Napalunok si Ardi. Sa totoo lang, hindi niya inaasahan na aabot sila ni Scott sa ganito. Dati nagkikita lang sila kung kailangan ni Scott ng tulong niya. Nagkekwentuhan lang. Ngayon, kailangan niyang bitawan si Scott, dahil hindi siya para sa kanya. Hindi pwede.
"...hindi tayo pwede Scott." Yon lang ang nasabi ni Ardi habang hinahagod ang likod ni Scott. "...mabuti pa...kalimutan na lang natin kung anong meron sa atin."
She stared at him, eyes full of tears. "This is worth fighting for, please." She begged.
Ardi couldn't say anything. Instead, niyakap na lang niya si Scott. He wiped her tears away and kissed her forehead. "...meron pang mas okay sa akin. Hindi lang talaga ako para sa'yo."
Scott cried. Ang sakit na ng dinaramdam niya, she had doubt na kakayanin pa niya 'to. "...kinausap ka ba ng parents ko? Anong sinabi sa'yo?"
Kinuha na ni Ardi ang bag ni Scott, hindi na sinagotang nga tanong niya. "...tara na, hahatid kita sa inyo. Baka hinahanap ka na nila." He reached for Scott's hand.
Instead of reaching it, Scott came forward and hugged Ardi. Wala siyang sinabi. Ayaw niyang bumitaw, hindi siya sigurado kung magkikita pa sila ulit ni Ardi pagkatapos nito.
***
Bumaba na ng sasakyan si mrs. Mendiola at agad na pumasok ng bahay nila.
Hinanap niya ang katulong na tumawag sa kanya at nagsabing nawawala si Scott.
"Anong nangyari?" Tanong niya, nakasunod naman si mr. Mendiola sa kanya.
"Ma'am, narinig ko po kasing bumukas yong gate. Kaya po tiningnan ko sa kwarto niya tapos po wala na po pala si ma'am Scarlett dun." Paliwanag nung katulong.
Mrs. Mendiola glared at her dahil sa kakapabayaan nito. Pero bago pa siya sumabog bumukas ang pintuan and came in Ardi, dala dala pa niya ang bag ni Scott. At nandun din si Scott, nakasunod sa likod ni Ardi with her tear stained face.
"Scarlett!" Sinalubong ni mrs.Mendiola si Scarlett.
"Anong ginawa mo sa anak ko?" Tanong naman ni mr.Mendiola after seeing Scott's face.
"Hinatid ko lang po si Scott." Sabi ni Ardi, not even bothering to answer mr.Mendiola's question. Wala siyang balak na sabihing pinuntahan siya ni Scott sa apartment, at may balak na itong sumama saa kanya. "...sige po." Paalam pa niya at umalis na din.
"Scarlett, are you okay?" Mrs. Mendiola asked Scott in her most soothing tone, while she smoothes down Scott's hair.
Napasulyap si Scott sa pintuan, nakita pa niya si Ardi na umalis. A tear fell from her eye, kahit na lumingon lang sandali ay hindi magawa ni Ardi. Diretso lang itong naglakad palabas ng bahay, hindi man lang nagpaalam sa kanya.
Ayaw na nga talaga ni Ardi sa kanya.
END OF CHAPTER TWENTY EIGHT

BINABASA MO ANG
ARDI [BOYS BE SERIES]
Cerita PendekBOYS BE SERIES BOOK 3 [COMPLETE] Inside joke na ng mga kaibigan ni Ardi na tuksohin siyang allergic sa babae. He doesn't have time meeting and mingling with girls, para kay Ardi priority niya ang trabaho niya at uunahin niya yon. Until he accepts a...