"Oh, nasaan na daw si Wren?" Tanong ni Ardi kay Scott. Nasa isang coffeeshop sila at hanggang ngayon wala pang Wren na dumadating, kaya napatanong na siya.
Scott peered at him. "Anong Wren ang pinagsasabi mo diyan."
Ardi's face was blank. "Hindi ba kayo magkikita?"
Umiling si Scott and took a sip of her coffee. "Nope."
"Eh ba't nagpasundo ka?"
Naningkit na naman ang mga mata ni Scott. "Kung magpapasundo ako sa'yo automatic na bang magkikita kami ni Wren? Hindi ba pwedeng gusto ko lang mamasyal kasama ka?" She said, and then whispered to herself. "Duh."
Untiunting napangiti si Ardi kahit na pasungit ang pagakakasabi ni Scott. "Ganun ba." Matipid na sagot ni Ardi. "Kaya pala ganyan suot mo."
Scott smiled pero tinataasan pa din si Ardi ng kilay. Naka jeans kasi siya at printed shirt. In her opinion, this is by far the simplest outfit she wore. "Heh! Baka kasi anu na naman ang sabihin mo."
"Mas bagay naman sa'yo eh." Sabi ni Ardi, which caused Scott to blush and look away. Nabigla naman si Ardi sa naging reaction ni Scott. He cleared his throat. "Ahmm...okay na ba kayo ni Wren?"
Napatingin na si Scott sa kanya and slowly nodded. "Yeah... actually, tinawagan niya ako kanina and we talked. He asked me out, magdidinner sana kami but I said no."
"Oh, bakit naman? Minsan na nga lang kayo magkita nun eh."
Scott winced. "Magkikita naman kami bukas eh, so okay lang." She sat up straight as she remembered something. "Ay, oo nga pala Ardi. May pupuntahan tayo bukas ah."
"Tayo?" He wondered.
Tumango si Scott. "May party kasi yong kaibigan ni Wren eh, samahan mo ako dun." Sabi ni Scott.
She actually decided it nung tumawag si Wren. She wasn't that confident na naging okay na sila ni Wren, kaya naisipan niyang isama si Ardi in case things would go wrong.
She felt funny kasi masyado na siyang nagdedepend kay Ardi. Nagiging okay kasi siya kapag kasama niya si Ardi, and she's having a great time too. So bringing him along would seem like a very great idea.
***
Tahimik lang si Ardi.
Party? Anong gagawin ko dun?
He thought.
Hindi naman niya kilala yong kaibigan ni Wren at hindi din naman kasi sila friends ni Wren.
There's no point na sumama pa dun.
"Hindi ba pwedeng ihatid na lang kita dun, tapos sunduin na lang kung uuwi ka na?" He asked Scott.
Scott made a face. "Bakit? Sumama ka na kasi." She reached for Ardi's hand and shook it.
Ardi groaned. "Scott naman, hindi ko ma gets yong point dun. Wala naman kasi akon kakilala dun at isa pa, maaout of place lang ako dun. At anong party ba yan, wala akong masusuot sa mga magarbong party."
Napatawa lang si Scott sa mga sinabi ni Ardi. "Ang dami mo namang excuse para hindi sumama. Party lang naman yon eh, don't tell me hindi ka pa nakakaexperience magparty."
Nanlaki ang mga mata ni Ardi. "Grabe naman 'to, syempre pumaparty din ako kaso small group of people lang. Hindi katulad nung party ng mga party people talaga at socialites."
Scott studied his expression sa mga sinabi niya. "Napaka-anti mo."
"Hindi naman sa ganun, pero tama naman kasi sinabi ko. Wala akong kakilala dun, ba't pa ako pupunta? Okay na yong ihahatid lang kita dun." Sabi ni Ardi, hindi pa din nawawala ang simangot sa mukha niya.
"Eh ako? Hindi mo ba ako kilala? Sige ka, kung magwawala ako dun walang pipigil sa akin."
"Sige na, sige na pupunta na ako." Sabi ni Ardi, para tumigil na si Scott.
Scott clapped. "Thanks. Just wear something nice."
***
After nilang magcoffee ay namasyal lang silang dalawa sa mall, at walang tigil ang pagkekwentuhan nila.
Scott found out na naghahanap si Ardi ng malilipatang trabaho and that he's taking a vacation next next week.
They spend another hour strolling at pagkatapos ay umuwi na din.
Kinagabihan nasa kwarto si Scott at pumipili ng maisusuot para bukas sa party. She can't decide between sa little black dress at champagne backless dress. They're both super hot and she looks good on both.
Sigurado siyang magugustohan ni Wren kung alin man dun ang susuotin niya, at masesecure niya ang attention ni Wren.
Pero paano naman si Ardi?
Siguradong hindi magugustohan ni Ardi kung ito ang susuotin niya, at kung anu na naman ang sasabihin nun.
Binalik ni Scott ang dalawang dress sa loob ng dresser niya at naghanap na lang ng ibang masusuot para bukas.
"Knock, knock." Sabi ni Gene.
Scott turned to him. "Oh, kuya, pasok."
Gene smiled nang makitang naghahanap na si Scott ng masusuot bukas. "Excited ka ba talaga para hukas at naghahanap ka na ng masusuot?" Biro niya kay Scott. "Uhmm, by the way, here's the tickets."
Scott smiled at tinanggap na ang tickets. "Thanks." Sabi niya kahit na wala siyang intention na pumunta sa event nina Gene.
END OF CHAPTER TWENTY
BINABASA MO ANG
ARDI [BOYS BE SERIES]
Короткий рассказBOYS BE SERIES BOOK 3 [COMPLETE] Inside joke na ng mga kaibigan ni Ardi na tuksohin siyang allergic sa babae. He doesn't have time meeting and mingling with girls, para kay Ardi priority niya ang trabaho niya at uunahin niya yon. Until he accepts a...