Nineteen

20 2 0
                                    

Scott could only sigh nang makitang wala pa ding message galing kay Wren, but she doesn't feel bad like she was yesterday. Hinayaan na lang niya at nagayos para makapagbreakfast na sa baba.

Tsaktong napadaan ang kuya niya nang lumabas siya ng kwarto niya.

"Hi." Bati ni Scott kay Gene.

"Hi." Bati din ni Gene sa kanya. "Scott."

"Yes?"

May tinitingnan si Gene sa phone niya kaya hindi nakapagsalita kaagad. "Ahmm...are you up for a party next week?"

"Hmmm? I don't know. Bakit?"

"May event kasi yong compan and I got two tickets. You can bring your...friend." Sabi ni Gene, tinutukoy si Wren.

Napangiti si Scott. "Wow, thanks." Alam ng kuya niya na gustong gusto niya yong mga ganung party.

"May pupuntahan ka ba ngayon?" Tanong ni Gene sa kanya.

"Wala naman eh. Bakit?"

Gene shrugged. "Wala lang, napapadalas kasi pagalis mo. Syempre, nagwoworry din naman ako kasi baka ihatid ka naman dito ni Ardi na lasing."

Natawa si Scott. "Kuya, hindi na mangyayari yon. Okay, pipilitin kong hindi maulit. Pero huwag kang magworry masyado, wala namang mangyayari sa akin na masama si Ardi naman kasi yong kasama ko."

Napagingin si Gene sa kanya pero wala namang sinabi, instead parang pjnipigilan niyang mapangiti. "Talaga? Magkasama kayo ni Ardi?"

"Oh? Anong masama? Friends naman kami ni Ardi eh." Sabi ni Scott at tinataasan pa ng kilay ang kuya niya.

Natawa na ngayon si Gene. "Wala naman akong sinasabi ah. Hay naku, ikaw talaga." Sabi niya at iniwan na si Scott magisa.

Scott stood there at napatingin sa dalawang tickets na binigay ng kuya niya. She loves to attend events na hineheld ng company ng kuya niya, at sigurado siyang mageenjoy na naman siya sa upcoming event na 'to.

All she have to do is tag someone along with her.

***

"Ssshhhhh!" Suway ni Sean sa mga kaibigan niya at nagdoor bell na.

Hinintay nilang bumukas yong gate pero walang sumagot sa kanila.

"Hindi sasagot sa ganyan yon." Sabi ni Austin at nagdoorbell ng paulit ulit.

Tumawa sina Ardi dahil sa kakulitan ni Austin, pero hinayaan lang din nila na gawin niya yon.

Ilang sandali, nakuha na din nila ang hinihintay nilang sagot. "HOY SANDALI!! BALAK MO BANG SIRAIN YONG DOORBELL!?"

At bumukas ang gate.

"Waaaaaaahh!!!" Sigaw nilang apat nang makita si Chad.

"Putang ina, sabi ko na nga bang si Austin yong nagdodoorbell eh. Ikaw lang kasi yong nakakabwesit dumorbell!" Sabi ni Chad at pinapasok na din ang mga kaibigan niya.

"But seriously nagulat ka, right?" Tanong ni Austin ky Chad, hinahabol niya ito papasok ng bahay. "You weren't expecting us."

Napalingon si Chad sa kanya. "Kaninang madaling araw lang ako dumating, hindi pa nga ako naliligo!" Bigla niyang inakbayan si Austin at inipit sa kilikili niya.

Pinagtawanan sila ng mga kaibigan nila.

"Shit! Ang baho mo! Fuck..." Reklamo ni Austin nang bitawan siya ni Chad. "...oh my gawd! Fuck dude...ano bang amoy yan." Hindi maexplain ang reaction ni Austin sa kilikili ni Chad.

ARDI [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon