Four

35 3 0
                                    

"Scott? I've got something for you." Sabi ni Gene sabay katok sa pintuan ng kwarto ni Scott. Nang hindi sumagot ay pumasok na lang ito, at nadatnang nakaupo si Scott sa kanyang kama, malalim ang iniisip. "I wonder kung anong nasa isipan mo ngayon."

Napatingin si Scott sa kanya and without any words, umiyak na lang ito bigla.

"...kuya..." She sobbed.

Gene looked at his sister. "Nakipaghiwalay si Wren sa'yo?"

Napatigil si Scott and glared at him. "No! Oh please sana hindi mangyari yon." She cried.

Umupo si Gene sa kama ni Scott. "Sinabi mo sa kanya ang nangyari?"

"Yes." She wiped her tear. "Sinabi niya sa akin na maghanap daw ako ng desperadong lalake na babayaran niya para magpapanggap na boyfriend ko. Hindi ako sigurado kung seryoso ba siya dun sa sinabi niya..." She looked at her phone and then dropped it on her bed. "He's not answering my calls."

"Is it really worth the risk Scott?" Tanong ni Gene.

She sniffed. "Mahal ko si Wren, at alam kong ipupush ako nina mommy at daddy dun kay Harry. Ayoko, gusto ko si Wren lang."

Gene sighed, wala na siyang magawa para mabago pa ang isipan ni Scott. "So ano na ang gagawin mo ngayon?"

"Eh di yong sinabi ni Wren, maghahanap ako ng lalakeng babayaran niya."

Umiling pa si Gene, hindi makapaniwala sa takbo ng utak ng kapatid niya. "Ayayay, Scott. Makakahanap ka ba nun?"

Natahimik lang si Scott, nagiisip na naman kung paano niya magagawa yong plano niya. Saan ba siya makakahanap ng lalakeng papayag sa ipapagawa nila ni Wren?

She thought a little bit deeper.

Ngayon, nagsisimula na niyang pagsisihan kung bakit siya gumawa ng kwento. Why did she even told them na meron siyang boyfriend na Ardi ang pangalan.

Ardi.

Hindi na naman maalis sa isipan niya ang pangalang yon.

Naalala niya bigla ang lalakeng nasa coffee shop. Ardi ang pangalan nung lalakeng nakapalitan niya ng drink, at naalala niyang siya din yong nakaupo sa kabilang table kanina. Obviously dun niya kinuha yong pangalang Ardi.

An idea suddenly came to her.

"...may alam na ako kung saan ko mahahanap yong lalakeng kakailanganin ko. Let's just hope na papayag siya." Sabi ni Scott. Ngayon na meron na siyang naisip na tao, hindi na siya ngayon makapaghintay na kausapin ito and convince him.

             ***

Natapos na ni Ardi ang trabaho niya sa coffee shop. Window art lang naman ang pinagawa sa kanya ni boss Mike.

Pumunta siya ng wash area para maghugas ng kamay, napatingin siya sa salamin at dun lang niya napansin ang babaeng nakatitig sa kanya.

Hindi niya ito pinansin.

Niligpit na niya ang gamit niya at pinuntahan na si Migs sa bar para magliquidate.

"Pakipirma na lang dito sa petty cash." Sabi ni Migs at iniabot na kay Ardi ang maliit na envelope na may lamang bayad. "Sabi ni boss may free drink ka daw." Ngiti ni Migs.

"Aba, okay ah." Nakangiti ding sabi ni Ardi habang pumipirma sa petty cash.

"Same order pa din?" Tanong ni Migs kahit na alam niya naman ang sagot ni Ardi.

Tumango si Ardi. "Uupo lang muna ako dun, aayusin ko lang ulit yong gamit ko." Sabi niya at pumunta na sa isang table. Umupo na siya at inayos ang gamit sa bag niya.

Napatigil si Ardi nang biglang may nakiupo sa table niya. Nagtaka si Ardi dahil hindi naman niya kilala ito, ang alam lang niya ay yon yong babaeng nakatitig sa kanya kanina.

"Hi." Bati nung babae sa kanya.

"Hi." Sagot naman ni Ardi. "Ahmmm...may kailangan ka ba?"

Naghesitate siya nung una nang tinanong siya ni Ardi. "...Nakita kasi kita. Naisipan kong lapitan ka."

"Ha..?" Namula si Ardi, nakaramdam ng hiya.

Namula din yong babae at parang pinagsisihan yong sinabi niya. "I'm Scott nga pala." Pakilala na lang niya kay Ardi.

Ngumiti si Ardi sa kanya at nakipagshake hands. "Ardi."

"Ikaw pala yong gumagawa nung window art." Sabi ni Scott.

Napatingin si Ardi sa gawa niya. "Ah, oo. Mga ilang months na din." Tapos he nodded at the mural. "Ako din gumawa nun."

Sinundan ng tingin ni Scott at napangiti naman ng makita ang mural na gawa ni Ardi. "Wow. Napakacreative mo pala."

"Ahmmm...nagkakilala na ba tayo dati? Medyo familiar kasi---" Tanong ni Ardi sa kanya.

"Nagswitch yong drinks natin nung isang araw? Green tea cream?" Scott refreshed his memory.

Napatango si Ardi. "Ah, oo. Naalala ko na." Napangiti siya lalo. "May maitutulong ba ako?"

"Funny you'd ask, kailangan ko kasi ng tulong mo." Sabi ni Scott.

"Oh, talaga? Ano ba yon?" Interesadong tanong ni Ardi.

Hindi pa nagsalita si Scott, dumating kasi si Migs at hinatid yong drink ni Ardi. Napatingin din siya sa kanilang dalawa at nakangiting umalis.

"...narinig ko nung isang araw, nangangailangan ka ng trabaho?"

"Oo...kaya nga ako nandito dahil merong pinagawa sa akin. Bakit ba? Meron ka bang job offer sa akin?" Biro pa ni Ardi.

Tumango si Scott. "Kailangan ko ng lalakeng magpapanggap na boyfriend ko sa harap ng pamilya ko next week." Sabi niya.

Napatingin lang si Ardi sa kanya at ilang sandali ay tumawa na. Napatigil na lang siya nang makitang seryoso si Scott. "Seryoso ka?"

"Oo, at desperada na talaga ako. Please? For one day, be my boyfriend for one day and i'll assure you you will be paid with a fair amount." Pagmamakaawa ni Scott sa kanya, pressing her palms together. "Please?"

"Ayoko, sorry pero hindi ko magagawa yon. Nangangailangan ako ng pera, pero hindi ako ganun ka desperado." Sabi ni Ardi sa kanya. "Sorry talaga pero maghanap ka na lang ng ibang tutulong sa'yo." He smiled at her apologetically. Scott stared at him with sad eyes. "...sorry." Ulit ni Ardi, at tumayo na.

Sumabay na din sa pagtayo si Scott. "Okay lang, maghahanap na lang ako ng iba. Sorry din ah." Sabi niya, ngumiti pa siya kay Ardi pero halata ang lungkot nito. "Hindi na siguro kita ma convince pa pero baka kasi..." Kumuha siyang tissue at sinulat dun ang cell number niya. "If, and only if, magbago isip mo. Kailangan ko lang kasi talaga ng tulong. I know, stranger ako sa'yo pero hindi ako masamang tao. Nagkataon lang talaga na naipit ako sa isang sitwasyon na mahirap palang lusotan." Binigay niya ang tissue kay Ardi. "Sorry ulit." Ngiti ni Scott.

Ardi nodded and smiled back, kinuha na din ang tissue. "Sige, good luck." Sabi niya at lumabas na ng coffee shop, sabay pasok ng tissue sa bulsa niya and completely forgotten about it hanggang sa makarating ng apartment nila.

END OF CHAPTER FOUR

ARDI [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon