Graduation party;
"I can't believe it, graduate na tayo!" Natutuwang sabi ni George.
"Yaaaaay!" Billy joined her, and both of them hugged eachother.
Graduation party nila sa isang hotel, napagisipan nilang umalis sa function room at tumambay sa pool side para magkatime sila away from the crowd.
"Chad! Graduate na tayo! Ano pang minumukmok mo diyan?" Sigaw naman ni Sean, nakaupo lang kasi si Chad at tahimik na umiinom ng beer niya.
Tumawa si Ardi. "Nagsesenti lang yan, hindi makapaniwalang nakagraduate." Biro niya.
"Yong totoo, may iniisip ka ba?" Tanong ni Pat.
Uminom si Chad ng beer niya. "Wala, iniisip ko kasi kung ano na naman ang gagawin ko. May pinaplano kasi ako pero hindi ko alam kung magagawa ko yon."
Nagtinginan ang mga kaibigan niya.
"Pwede ba sa susunod na lang natin pagusapan yan, magenjoy na muna tayo ngayon." Sabi ni Austin.
"Eh si Pat tinanong ako eh, sinagot ko lang naman yong tanong niya." Reklamo ni Chad.
Si Sean naman ngayon ang natahimik. "Oo nga noh, ngayon ko lang naisip yan. Ano nang mangyayari sa atin ngayon na nakagraduate na tayo."
Austin smirked. "Ako, alam ko na yong kapalaran ko. Itetrain ako ni lola na magmanage nung resort." Nilapitan na niya si Billy at inakbayan. "And then gagawa na ng babies."
"Hey!" Siniko siya ni Billy, kaya pinatawanan siya ng mga kaibigan niya.
"Magpapahinga lang ako tapos magrereview para sa board exam." Sabi ni Sean, George smiled at him because she will be doing the same thing. May mga plano na silang dalawa.
Napatingin sila sa dalawang magbestfriend para malaman yong plano nila sa buhay.
Pat shrugged. "Maghahanap kami ng matutuluyang apartment tapos maghahanap ng trabaho, para makaipon na." Nang makitang naghihintay pa sina Sean ng magandang sagot galing sa kanya, dinagdagan niya. "Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa yong pakanta kanta ko."
Hinihintay naman nila ngayong makasagot si Ardi. "Syempre maghahanap ng magandang trabaho, at syempre yong magagamit ko yong ibang skills ko." Sabi niya.
***
Five months later;
Kinuha na ni Ardi sa bulsa niya ang susi ng apartment nila ni Pat, medyo natagalan pa siya sa pagbukas dahil mukhang pipikit na yong mga mata niya sa sobrang antok.
Nang makapasok na siya, nakita niyang nagaalmusal si Pat. All dressed up at ready nang pumasok sa trabaho.
Napansin siya nito. Napangiti na lamang si Pat nang makitang wala nang energy si Ardi na batiin siya. "Kaway kaway naman diyan sa mga inaantok."
Kumaway din si Ardi. Kumuha na siya ng pitcher sa ref, at uminom mula dun. Yon nga lang hindi pala nasara ng mabuti kaya nabasa siya. "Haaaaaaah..."
"Oh, nagising ka na? Kumain ka na muna, sabayan mo ako dito." Sabi ni Pat, uminom ng kape niya at inabot kay Ardi ang pandesal.
Kinuha naman ni Ardi ang isang pandesal at kinain. "Matutulog na ako." Sabi niya, dragging his feet towards their shared room.
"Sige, lock ko na lang yong pintuan pagalis ko." Sabi naman ni Pat, at hinayaan nang makatulog ang kaibigan.
Pumasok na si Ardi ng kwarto nila ni Pat, hinubad ang sapatos at kumagat sa pandesal, pagkatapos napahiga na. Dun lang niya narealize kung gaano siya kaantok, hindi na nga niya naubos ang pandesal.
Sa isang call center nagtatrabaho si Ardi, nahirapan siyang makapaghanap ng trabaho na under sa course niya. He worked as a call center agent para makapagsimula siya, and he only works three times a week. So sa four days siyang free, naghahanap pa din siya ng magandang racket para pangdagdag ipon na din.
Unlike Ardi, si Pat naman nakapagtrabaho sa isang advertising company. Four months pa lang siya dun pero mukhang aayaw na siya. Dahil at first, hindi naman kasi talaga gusto ni Pat nung ganung course. His first love was music at wala na talaga siyang choice nung nagaral siya ng advertising. Both of them agreed na hindi magtatrabaho sa iisang work place, kasi marami ang pwedeng mangyari to spoil their friendship at walang thrill.
Ardi opened his eyes, hawak pa niya ang hindi naubos na pandesal. Nakahiga lang siya dun sa kama niya for a few seconds hanggang sa chineck niya ang oras. Tanghali na. At dahil wala na naman siyang schedule sa call center, naisipan niyang lumabas mamaya at maghanap ng racket pangdagdag ipon.
Bumangon na siya at inubos na ang pandesal, at naligo na din pagkatapos.
***
Kakapasok lang ni Ardi ng Night Owl nang makita siya kaagad ni Migs, classmate ni Chad at barista na dun ngayon.
"Ardi!" Bati ni Migs sa kanya.
Ardi waved at him.
Night Owl is a coffee shop malapit sa call center where he works, at madalas siya dun tumambay nung bago pa lang siya sa trabaho. Dun din nagtatrabaho yong classmate ni Chad dati, kaya nakilala din siya nung owner ng coffee shop na nagbibigay sa kanya minsan ng racket.
Knowing na magaling si Ardi sa art, siya ang pinapagawa ng window art ng coffee shop. Si Ardi din ang gumawa ng mural sa isang section ng wall sa loob ng shop.
Kahit na ganyan lang, nagiging happy din si Ardi dahil nagagawa niya talaga yong passion niya at nakikita ng ibang tao.
"Kumusta? Akala ko mamayang gabi ka pa?" Sabi ni Ardi kay Migs, leaning against the counter, wala naman kasing umoorder na customer.
"Nagswap kami nung isa kong kasama." Sagot ni Migs habang pinupunasan ang bar. "Okay nga yon eh para makauwi akong maaga."
Napatigil silang dalawa sa paguusap dahil may lumapit na babae sa counter at umorder. Hinarap na muna siya ni Migs para kunin ang order, at ilang sandali umalis na din ito at umupo sa isang table.
"Order na din siguro ako." Sabi ni Ardi kay Migs nang makaalis yong babae, at sabay kuha ng wallet niya. "The usual."
"Okay." Sabi ni Migs at pinunch in na din yong order ni Ardi. "May pupuntahan ka pa ba?"
"Gala gala, naghahanap ng extra. Check ko lang sana kung meron bang matatrabaho dito." Sagot ni Ardi,sabay abot ng pera niya kay Migs.
"Hindi ako sigurado diyan eh, umalis kasi si boss Mike." Sabi ni Migs habang ginagawa yong order ni Ardi at nung babae.
"Ganun ba." Natahimik na lang si Ardi habang hinihintay ang order niya. Nagiisip na naman siya kung anong maganda at pwedeng gawin para pangdagdag ipon.
"Green tea cream for Scott." Tawag ni Migs, at inilapag na sa counter ang dalawang drinks. "Tatanungin ko siya mamaya kung meron ba siyang ipapagawa sa'yo."
Napangiti na si Ardi at kinuha na yong inorder niya. "Salamat, kailangan ko kasi talaga ng pagkakakitaan eh."
"Sasabihin ko sa kanyang pumunta ka tapos itetext kita kung okay na." Sabi ni Migs at pagkatapos ay kinausap na yong customer na oorder.
"Ahmm ... excuse me?" Sabi nung babaeng katabi ni Ardi, napalingon naman si Ardi sa kanya. "Nagkapalit yata yong drink natin." Nahihiyang ngiti niya, at pinakita ang nakasulat sa cup niya.
ARDI
Agad namang tiningnan ni Ardi yong cup niya.
SCOTT
"Ayy...sorry." He smiled apologetically.
"Okay lang." Sabi nung babae nang magexchange na sila ng drinks. "Sige." Sabi pa niya kay Ardi at umalis na.
END OF CHAPTER ONE
BINABASA MO ANG
ARDI [BOYS BE SERIES]
Short StoryBOYS BE SERIES BOOK 3 [COMPLETE] Inside joke na ng mga kaibigan ni Ardi na tuksohin siyang allergic sa babae. He doesn't have time meeting and mingling with girls, para kay Ardi priority niya ang trabaho niya at uunahin niya yon. Until he accepts a...