Seventeen

20 2 0
                                    

Kakagaling lang ni Ardi at ni Pat sa Shots, pauwi na sila ngayong dalawa at naglalakad na sa may kanto ng apartment nila.

Tahimik silang pareho, si Pat malamang nasusuka at si Ardi naman ay merong iniisip.

Hindi niya maalis sa isipan niya si Scott at Wren. Magkasama silang dalawa sa hotel, ano pa nga ba ang gagawin nila dun. Hindi din naman siya tinawagan ni Scott para magpasundo, ano kaya nangyari dun? Ano kaya sinabi niya sa mommy niya? Or baka hindi pa nakauwi yon...

"Hoooy, kanina ka pa nagkakaganyan. Anong problema?" Tanong ni Pat.

Napatingin si Ardi sa kanya, sa lalim ng iniisip niya nakalimutan niyang may kasama pala siya. "Wala."

Pat made a face. "Wala, wala. Meron eh, halata nga eh. Sinong iniisip mo? Si Scott?" Tukso niya kay Ardi and gave him a little push.

"Hindi noh. Bakit ba panay ang panunukso mo?"

"Kahit hindi mo sabihin alam kong medyo naaattach ka na sa kanya." Sabi ni Pat. "Wala ka naman pakialam sa babae dati eh."

"Bakit? Ikaw din naman ah." Balik ni Ardi kay Pat. Ayaw lang niya na tinutukso siya kay Scott, hindi sa ayaw niya kay Scott...kundi nahihiya siya.

"Anong ako? May dinedate ako dati sa dati kong school, eh kaso lumipat eh. At hindi ako ang pinaguusapan natin ngayon dito." Lumapit na sila sa pintuan ng apartment nila, at bago pa buksan ni Pat yon. "Ano ba talaga meron sa inyo ng Scott Mendiola na yon? Ang alam ko kailangan mo lang ng pera para pambayad sa renta kaya mo nagawa yon eh, bakit ngayon? Anong dahilan mo?"

Napalunok si Ardi. Ano nga ba ang dahilan niya at bakit niya ginagawa yon ngayon para kay Scott? "Naaawa nga kasi ako." Pagdadahilan niya.

Ngumiti lang si Pat sa kanya. "Okay, naaawa ka lang. Grabe ka naman kung maawa." At binuksan na niya ang pintuan. Hindi na niya pinilit pa si Ardi, alam niyang nagugustohan na ng kaibigan niya si Scott Mendiola. Kung dati nga hindi pinapansin ni Ardi ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya, pero ngayon binibigyan niya ng time ang Scott na 'to.

***

Scott lifted her cup and took a sip of her macchiato.

She is sitting across Ardi sa cafe na pagkikitaan nila ni Wren. But she was suppose to meet him forty minutes ago.

"Nasaan na daw siya?" Tanong ni Ardi sa kanya for the fourth time...or maybe the fifth...sixth time.

At katulad ng sagot niya kanina pa, she shrugged. "On the way na siguro. Hindi naman kasi sumasagot sa mga text ko eh." Sabi ni Scott.

Tumango lang si Ardi. "Okay."

Three days na ang nakalipas since the drunk kiss incident, at kahit na anong pretendings ang ginagawa ni Scott hondi pa rin niya mawala sa sarili ang maging awkward around Ardi. Hoping na hondi naman mapansin ni Ardi yon. They developed a nice friendly relationship at ayaw na ayaw ni Scott masira yon.

"Sorry ah. Alam mo pwede ka namang umalis na lang kasi may pupuntahan ka pa di ba."

Ardi raised his eyebrows. "Okay ka lang? Pagkatapos iiwan kitang magisa dito? Paano kung maulit yong nangyari isang araw? Naku, hihintayin ko na lang na dumating boyfriend mo, makakahintay yong pupuntahan ko."

Scott smiled sheepishly. Hindi niya kinaya ang kapal ng mukha niya. She wanted to build a very small boundary sa kanila ni Ardi pero hindi niya mapigilan ang sarili niyang mapalapit dito.

"Okay..." She said slowly. "Pero basta kapag dumating na si Wren, pwede ka nang umalis ah."

"Grabe! Ang sakit naman nun." Ardi chuckled. "Pinapalayas ako pero sa akin lumalapit kapag nangangailangan."

ARDI [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon