Binalik na ni Ardi ang walis at dustpan sa kinalalagyan nito, at napahinga na ng malalim. Nilinis na niya ang apartment nila ni Pat pero bored na bored pa din siya.
Wala naman kasi siyang magawa at mapuntahan. Ayaw naman niyang mamasyal, baka kasi matukso pa siya at gumasto pa. Busy naman kasi ang mga kaibigan niya. Si Sean busy sa pagrereview, si Austin busy din sa resort ng family niya, at si naman Chad hindi pa nakakauwi galing Italy.
Napahiga na lang si Ardi sa couch at nagisip na naman kung paano siya makakakita ng pera. Gusto niya kasing magpadala ng kunti man lang sa pamilya niya, pangdagdag gasto sa arawaraw. Pagkatapos naniningil na yong landlady nila ng renta, ang kulit pa naman nun, bawal ang delay sa kanya.
Bumukas ang pintuan at pumasok na si Pat, ngumiti pa ito kay Ardi na nakahiga sa couch. Dumiretso ito ng kusina para uminom ng tubig. "Ardi, kain tayo sa labas." Yaya niya sa kaibigan.
"Haaaay, salamat. Kanina pa ako nababagot dito eh." Bumangon na si Ardi at napatingin kay Pat. "Ano ba yan, niluluwa na nung bulsa mo yong dila niya oh." Turo niya sa back pocket ni Pat.
"Ha?" Nanlaki ang mga mata nang kinapa niya ang bulsa niya. "Anak ng pusa! Na pickpocket ako!"
Nilapitan na ni Ardi si Pat. "Hala! Paano mga id mo?"
"Nandun din." Sabi ni Pat, napafacepalm. Pero mukhang gusto niyang iuntog ang ulo sa refrigerator. "Paano na 'to."
"Papahiramin muna kita ng pera." Sabi ni Ardi, naawa sa kaibigan niya.
"Okay lang, meron akong naitago pero kunti lang yon." Sagot ni Pat.
"Magbibihis lang ako, lalabas pa din tayo para hindi ka umiyak diyan." Sabi ni Ardi at pumunta na ng kwarto niya para magbihis.
***
"What? Bakit mo sinabi yon?"
Scott wanted to cover Wren's mouth, masyado kasing napalakas ang boses niya kaya napatingin ang ibang tao sa kanila. Nasa isang coffee shop silang dalawa at nagtatago na naman sa pinakacorner na table. "Sshhh...keep your voice down. Sabi ko nga sa'yo kinabahan ako at nasabi ko na lang yon."
"At dinagdagan mo pa yong problema." Sabi ni Wren.
"Wow, thanks for reminding me." Scott said full of sarcasm. "Pwede ba, instead na magreklamo ka diyan tulungan mo na lang akong magisip ng solusyon dito?"
Wren paused for a few seconds and sighed. "Alright, maghanap ka ng desperadong lalakeng babayaran ko na ihaharap mo sa kanila bilang boyfriend mo." Sabi niya.
"Are you serious?" Tanong ni Scott, hindi makapaniwala sa naisip ni Wren.
"Well you asked me, yan ang naisip kong sagot sa problemang ginawa mo." Sabi niya, medyo mainit pa din ang ulo.
"Bakit ka ba ganyan? Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan eh."
"Look, I have no time to listen to your dramas. Just look for a guy who is desperate and stupid enough to agree with the deal." Tumayo na din siya. "I'd better go, bago pa may makahuli sa atin."
Scott watched him left and bumped into a guy as he walked out the door.
***
Pagkatapos nilang kumain sa isang fastfood, niyaya ni Ardi si Pat na pumunta ng Night Owl. Nakatanggap kasi siya ng text galing kay Migs, saying that gusto siyang makausap ng boss Mike nila.
Papasok silang dalawa sa coffee shop, sinalubong naman sila ng pormadong lalake. Nagkabanggaan silang dalawa ni Ardi pero hindi man lang ito nagsorry.
"Suplado nun ah." Bulong ni Pat nang makalayo na ang lalake.
"Ang yabang." Sabi naman ni Ardi at pumasok na silang pareho.
Lumapit na silang dalawa sa bar kung nasaan nagtatrabaho si Migs.
"Oy! Nandito ka na pala." Sabi ni Migs nang mapansin na sila. "Pat, kumusta na?"
Blanko lang si Pat pero ngumiti pa din. "Okay lang."
Napangisi din si Migs, kita ang braces nito. "Sandali lang, tatawagin ko lang si boss. Umupo na muna kayo dun."
Umupo na din sila sa table katabi ng babaeng magisang nakaupo. Nagtinginan silang dalawa dahil parang sira ulo yong babae, bumubulong magisa pagkatapos napapahinga ng malalim, mapapakamot ng ulo at magsasalita na naman.
"Nagdadrugs siguro yan kaya nagkakaganyan." Bulong pa ni Pat kay Ardi, tumango naman yong isa sa pagsangayon.
Tinitigan ni Ardi yong babae. Mukhang mayaman at disente, at medyo maganda naman. Naawa siya ng kunti dahil nagkakaganyan na yong babae, sayang naman.
"Ardi, Pat." May bumati sa kanila. Nilapitan na pala sila ni boss Mike, yong may ari ng coffee shop. Kilala niya na din si Pat kasi palagi din siyang sumasama kay Ardi dito.
"Boss Mike." Binati din siya ni Ardi, sabay tayo.
"No, no. Umupo lang kayo. Tatawagan naman talaga sana kita last week dahil may ipapagawa ako, eh kaso medyo naging busy din ako kasi due date na ni mrs.Dizon." Kwento ni boss Mike at umupo na din across Ardi and Pat.
Nagpatuloy ang paguusap nina boss Mike at Ardi, at nakikinig naman si Pat sa kanilang dalawa. Naabotan din ng one hour ang paguusap nilang dalawa, marami pa kasi silang topic na napagkwentuhan.
"Guys, sandali. Magpapaprepare lang ako kay Migs ng drinks, sagot ko na 'to okay?" Sabi ni boss Mike nang matapos na silang magusap ni Ardi. Pinuntahan na niya si Migs sa bar at kinausap.
"Magkano ba yong binabayad sa'yo ni boss Mike sa ganung trabaho?" Tanong ni Pat.
"Depende sa pinagawa niya at result, pero okay si boss magbayad." Sagot naman ni Ardi. "Timing din kasi kailangan din natin ng pera."
Biglang napalingon ang babae sa kabilang table sa kanilang dalawa. Hinintay nilang magsalita ito pero napatingin lang din ito sa kanila lalo na kay Ardi, pagkatapos tumalikod na.
"I hate drugs." Bulong ni Pat.
END OF CHAPTER THREE
BINABASA MO ANG
ARDI [BOYS BE SERIES]
Короткий рассказBOYS BE SERIES BOOK 3 [COMPLETE] Inside joke na ng mga kaibigan ni Ardi na tuksohin siyang allergic sa babae. He doesn't have time meeting and mingling with girls, para kay Ardi priority niya ang trabaho niya at uunahin niya yon. Until he accepts a...