Eight

34 2 1
                                    

Ardi put down his pen and leaned back on his chair.

Isang oras na sila ni Scott dun sa Night Owl, at aakalain mong nagrereview sila sa board exam sa kakaaral ng background ng isa'tisa.

Napatingin siya kay Scott na nagcoconcentrate sa pagmememorize ng favorites ni Ardi.

Hindi niya alam kung matatawa siya or maaawa kay Scott. "Hindi mo naman kailangang imemorize lahat yan eh." Sabi niya.

Napatigil si Scott sa ginagawa niya. "You're my boyfriend, so every little detail about you is important."

"Bakit nung naging kayo ng boyfriend mo, nilista mo din ba ang mga yan?" He smirked nang hindi nakasagot si Scott sa kanya. "Hindi nga kasi dapat ganito. Sige, kausapin mo ako. Tanongin mo ako ng mga gusto mong malaman."

Scott peered at him. "Anong favorite color mo?"

"Blue. Ikaw?" Balik ni Ardi sa kanya.

"Red."

"Katulad niyang kuko mo?" Ngiti ni Ardi.

Napatingin naman si Scott sa super red niyang nail polish, at nagcross arms na lang para maitago yon. "Favorite food?"

"Wala naman, basta mahilig ako sa spicy foods." Napasulyap si Ardi sa kinakaing cake ni Scott. "Ikaw, mahilig ka sa sweets."

"Wala naman akong nilagay diyan na favorite food ko ah." Sabi ni Scott as she scanned the paper Ardi was reading.

"Eh kasi may malalaman ka sa tao kung nagoobserve ka." Natatawang sabi ni Ardi sa kanya. "Sige, tanong pa."

Pinipigilan ni Scott na huwag irapan si Ardi. Nakacross arms pa din siyang nagiisip ng magandang itanong kay Ardi. "Bakit wala kang girlfriend?"

Hindi kaagad nakasagot si Ardi, pero nakangiti lang ito kay Scott. "May girlfriend ako."

Scott smirked. Alam niyang nagsisinungaling si Ardi. "Wala kang girlfriend."

"Paano mo nasabi?" Ardi dared her.

Scott sighed. "Hindi ka papayag sa pinapagawa ko sa'yo kung may girlfriend ka."

Napangisi si Ardi. "Galing ah."

Scott leaned on the table. "Bakit nga ba wala ka pang girlfriend?" Nang mapatingin si Ardi sa kanya dinagdagan niya. "Sabi mo sa akin magtanong lang ako di ba."

"Kasi."

"Kasi? Wala ka pang nakikilala?" She guessed.

Umiling si Ardi. "Ayoko pa kasing magkagirlfriend."

Tinitigan lang siya ni Scott. Observing kasi baka nagbibiro lang ito. Nang hindi na nagsalita si Ardi, she asked. "Seriously? Bakit naman?"

"Gusto ko kasing makapagipon muna. Makakapaghintay naman siguro yang lovelife lovelife." Sagot ni Ardi sa kanya.

Tumayo si Scott at nagbow kay Ardi. "Wow, i'm so amazed na nakakilala pa ako ng kagaya mo. Its such an honor." Biro niya at umupo na ulit.

Natawa din si Ardi sa biniro ni Scott. "Sira. Sige na, continue na tayo. Magtanong ka pa."

Nagisip si Scott habang umiinom ng frappe niya. "Ewan, magusap na lang tayo. Go tayo sa idea mo."

"Paano kayo nagkakilala ng boyfriend mo?" Tanong naman ni Ardi sa kanya.

She smiled. "Well, marami kaming common friends ni Wren. Hindi alam nung family namin na magkakilala na kami even before pa nung elections. Madalas na kaming nagkikita nun, yon nga lang, things went wrong between dad at senator de Vera."

"Anak ni senator de Vera yong boyfriend mo?" Ardi asked a bit surprised. Hindi kasi niya alam yon at hindi din naman sinabi ni Scott sa kanya.

"Oo." Matipid niyang sagot pero hindi nawawala yong ngiti.

Tinitingnan lang siya ni Ardi. "Oh sige na, balik na tayo sa familiarization natin."

"Gusto mong marinig yong naisip kong lovestory natin?"

Nanlaki ang mga mata ni Ardi. "Lovestory? Natin?"

"Oo." Tumawa si Scott. "Sigurado kasi akong ipapakwento sa atin yon ni mommy, since wala akong sinasabi sa kanya."

"Ano bang naisip mong setting?"

Kinuha na ni Scott yong planner niya at binuksan sa may bookmark. "Okay, bale nagkakilala tayong dalawa sa isang party. Hindi tayo magschoolmates, dun lang talaga tayo nagkakilala sa party. Nakita mo ako ang then you liked me tapos hiningi mo yong number ko---"

"Sandali, sandali." Putol ni Ardi sa kanya.

"Bakit? May problema ba?" Tanong ni Scott.

"Masyado naman akong mabilis niyan. Kinuha ko kaagad number mo? Parang hindi naman ako yan eh." Reklamo ni Ardi.

Ibinaba ni Scott ang planner niya. "Sige nga, ano bang dapat?"

Umupo na si Ardi ng maayos. "Isulat mo." He gestured at her. "Sabihin nating iisang school tayo. Hindi tayo magclassmates, sadyang schoolmates lang."

"Oh, tapos?"

"Hindi pa nga ako tapos." Inirapan niya si Scott. "Syempre palagi kitang nakikita dahil iisang school lang tayo. Kaya nagustohan kita at naisipang ligawan, tapos sinagot mo naman ako. Ang simple lang di ba?"

Napaisip din si Scott sa ginawang kwento ni Ardi. "Okay lang. Madaling tandaan. Okay, go tayo sa story mo." Sinulat na din ni Scott yong lovestory nila sa planner niya. "Kelan naman naging tayo?"

"Huwag mo akong sagotin within the school year. Dapat between graduation at this month lang." Suggest ni Ardi. "At huwag lang June 10, birthday ko kasi. Parang ang korny naman kung ganun."

Scott pursed her lips tapos napangiti. "Sige, kunyari sinagot kita nung August 19." She wrote down.

"August 19." Ulit ni Ardi sa sarili, baka ksi makalimutan niya. "Ayos yon, fresh na fresh pa."

Natahimik silang dalawa. Nagtitinginan lang.

"Ardi?" Scott broke the silence.

"Hmmm?" Sagot naman ni Ardi, with his eyebrows raised.

"Gagawin mo ba talaga 'to?" Tanong niya.

Kinuha ni Ardi ang copy ng contract nila sa kanyang bag. "Pumirma nga ako dito di ba? Kapag sinabi kong gagawin ko, gagawin ko yon."

Ngumiti si Scott. "Magkikita tayo ulit bukas?"

Tumango si Ardi bilang sagot. "Same time, same place."

"Promise?"

"Promise, magkikita tayo ulit bukas." Sagot naman ni Ardi, making promises to a girl for the first time.

END OF CHAPTER EIGHT.

ARDI [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon