Eighteen

36 2 0
                                    

Scott checked her phone again. Wala pa din siyang natatanggap na message kay Wren.

Napahinga siya ng malalim.

Napapaisip siya sa relationship nila ni Wren and how things are going between them.
Minsan gusto na niyang isipin na nawawala na ang feelings ni Wren sa kanya kaya nagiging ganun yon. Pero Wren wouldn't do that sa kabila ng mga pinagdaanan nila.

Busy lang kasi siya.

Sabi pa ni Scott sa sarili since pinapahawak na ngayon si Wren ng family business nila.

Syempre, uunahin niya yon kasi pinagkakatiwalaan siya.

Pero saying that didn't convince her, may natitira pa ding pagdududa sa kanya.

And for the nth time, she checked her phone and immediately dropped it beside her nang makitang blank ang screen.

"Aaauuurrrrggghhh!" She covered her face with a pillow at sumigaw. "Damn it Wren!"

Bigla namang nakatanggap ang phone niya ng message, kaya agad na niya itong chineck at ready na siya na awayin si Wren.

But it wasn't the person she's expecting.

Ardi

Tama na ang drama. Huwag mo na masyadong dibdibin, meron ka pang likod.

Kahit na korny, napangiti pa din si Scott sa attempt ni Ardi na joke.

Oh my gad! Ang korny mo. Hahaha!

Natawa ka naman. Tama na kasi yong drama, wala nang iyakan. Nakakastress lang yong ganun. Magenjoy ka nga kahit isang araw lang.

Napaisip siya sa sinabi ni Ardi. Nakakastress nga 'tong relationship nila ni Wren, at kailangan niyang ma relax ang utak niya sa kakaproblema.

Gusto ko ngang mamasyal para makapagrelax naman kami ng utak ko.

Samahan kita...gusto mo?

Napabangon si Scott. Hindi niya inexpect kay Ardi yon...but then, merong maliit na something ang nagpupush sa kanya na pumayag. She needed to go out and relax, why not be with someone that makes her feel okay always?

Okay. I'll be ready in an hour, okay ba yon?

Okay :)

She opened her closet and looked for something to wear sa date nila ni Ardi.

Napatigil siya bigla.

This is not a date Scott. Sasamahan ka lang ni Ardi.

***

Naglalakad silang dalawa sa mall. Si Ardi tahimik lang at patingintingin kay Scott.

"Oh, may problema ka ba?" Tanong ni Scott sa kanya, kanina pa din niya kasi napapansin si Ardi.

"Wala." Tahimik na sagot ni Ardi.

"Anong wala? Ayaw mo lang sabihin eh." Pangungulit ni Scott sa kanya, pagkatapos ay napasimangot dahil may nagwolf whistle na lalake sa kanya. "Anong problema nun." Reklamo niya.

Ardi faced her. "Eh kasi nga..." He paused at napatingin ulit sa suot ni Scott. "...tingnan mo naman kasi yang suot mo." He said in a low voice.

"Ano namang problema sa suot ko?" Tanong ni Scott, at napatingin na din sa suot niyang tight skinny jeans at fitted white top na labas pusod. "Nakapantalon naman ako ah, anong masama dun?"

"Oo nga, pero nakakaagaw atensyon pa din eh. Kahit na ako mapapatingin sa'yo, kitang kita na kasi yong hugis ng katawan mo." Ardi winced. "Iba ang iisipin ng tao sa'yo niyan."

ARDI [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon