Twenty Six

28 3 0
                                    

Nakaharap si Scott sa salamin at naglalagay ng kunting amount ng lipstick. Naghahanda na ang mga boys sa labas ng brunch, at silang mga girls naman ay busy sa pagaayos ng sarili.

"Grabe eyebags ko." Sabi ni George nang makita ang sarili sa salamin. Pinapatuyo pa niya ang kanyang buhok dahil kakatapos lang niyang maligo. "Panda na ako, nagkakadark circles na."

Scott looked at George's reflection, pagkatapos ay kinuha ang concealer niya. "Here, gamitin mo." Binigay niya yon kay George.

"Thanks." Ngiti ni George at naglagay na din ng concealer.

Pumasok ng kwarto nila si Billy. Kakagaling lang niya ng kitchen to check on things. "Haay.." Sabi niya at napahiga sa kama.

The three of them shared a room and talked the rest of the night, kaya comfortable na sila masyado sa isa't isa.

"Oh bakit?" Tanong ni George, studying her face. "Tapos na ba sila?"

"Hindi pa, malapit na." Sagot ni Billy at napatingin sa dalawa na busy sa harap ng salamin. "You're so pretty." Sabi niya kay Scott.

Scott smiled at her. "I'm not the only one."

"So...ano nang plano mo sa inyo ni Ardi?" Binalik na ni George kay Scott ang concealer at umupo na sa kama katabi ni Billy.

"I don't know..." Napangiti si Scott nang maalala ang inamin ni Ardi sa kanya kagabi. Inaamin niya, hindi niya inexpect kay Ardi yon. Akala niya siya lang ang nagkakaroon ng ganung feelings.

"Di ba akala nila boyfriend mo talaga si Ardi? Eh di walang problema, totohanin niyo na lang." Biro ni George sa kanya.

"Hindi ba masama na pumasok na naman ako sa isang relationship kaagad? Kakabreak lang namin ni Wren."

Billy and George shrugged.

"Wala namang nakasulat na ganun. Kung mahal mo na talaga siya, then go. Alangan naman pigilan mo yan." Sabi ni Billy sa kanya. "Pinahirapan mo pa lalo sarili mo."

Tumango naman si George. "Oo nga naman, bakit mo pa pipigilan ang sarili mo."

Ngumiti pa lalo si Scott. "Well...i'm still waiting for his next move. Hindi pa din ako sigurado tungkol sa amin eh."

Napatigil sila nang may kumatok sa pintuan at sumilip si Pat. "Ladies, handa na yong pagkain sa baba." Sabi ni Pat sa kanila.

Bumangon na din si Billy at sabay na sila ni George na tumayo. "Ikaw Pat? Kelan mo ipapakilala sa amin ang girlfriend mo?" Panunukso ni Billy. Ngayon na meron nang Scott sa picture, si Pat na naman ang nakita nilang tuksohin. Katulad ni Ardi, wala din silang nakilalang babae na naiinvolve kay Pat.

Umiling si Pat and smiled shyly at them. "Wala pa, wala pa. Hindi pa dumadating eh."

"Sunduin namin gusto mo?" Pabirong tanong ni George sa kanya at niyaya na sina Scott na lumabas ng kwarto.

Tumawa lang si Pat. "Sige, sunduin niyo na nga lang. Ang tagal eh." Sagot ni Pat sa kanya as he closed the door behind them.

Bumaba na sila at nakahain na nga ang kanilang pagkain.

"Oooi! Effort na effort ah." Billy clapped her hands, giving the applause they deserve.

"Wow!" Lumapit na din si George sa table. "Mukhang masarap Chad ah." Sabi ni George, examining their foods.

Nalaglag ang balikat ni Sean. "So si Chad lang talaga ang nagluto sa akala niyo?"

George smirked. Nageenjoy siya kapag inaasar niya si Sean. "Bakit? Nagluluto ka ba?" Umupo na siya at tumabi na din si Sean sa kanya.

ARDI [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon