Eleven

25 2 4
                                    

Sino na naman ba 'to?

Ardi thought to himself, susubo pa sana ng pagkain.

Scott rolled her eyes. "Ardi, meet Gene, kuya ko." Sabi ni Scott, pagkatapos ay binaba ang boses. "And don't worry, he knows about our secret." Sabi niya kay Ardi sabay kindat.

Tumango naman si Ardi at nakipagshake hands sa kuya ni Scott. "Ardi."

"Gene." Pakilala naman ni Gene sa sarili. "Kumusta? Okay naman ba kayo?" He asked in a low voice.

"Okay naman, nagkaroon nga lang ng something kasi Harry joined us a while ago." Kwento ni Scott sa kuya niya, habang si Ardi ay nakikinig lang.

"Nakita ko nga nung dumating ako. Typical action ng isang lalake, nagaattempt to make his mark on something he thought was his property."

Napatingin si Ardi kay Gene ng sinabi niya yon. "Talaga? Naging kayo?" Medyo na gets na niya.

"Kuya..! No, its not like that Ardi." Sabi naman ni Scott. "Kuya Gene didn't mean something like that. Harry was just a friend." Explain niya. "Please huwag kang magisip ng ganyan, its not disgusting, its just that I don't like that idea at all."

"Eh anong meron sa inyo ni Harry?" Nanunuksong tanong ni Ardi sa kanya.

"Maybe next time, kung wala si Harry? Baka marinig niya tayo at magsumbong pa sa mommy niya." Natatawang sagot ni Scott. "Let's talk about something else but him."

"Okay, let's talk about something else then. Nagtatrabaho ka na ba Ardi?" Tanong ni Gene at uminom ng wine.

"Oo, sa call center ako nagtatrabaho." Nahihiyang sagot naman ni Ardi sa kanya.

Hindi naman suplado si Gene, in fact mukhang mabait nga siya. Nahihiya lang talaga si Ardi makipagkwentuhan sa kakakilala pa lang niya.

"Oh? Eh di madalas kang napupuyat?" Sabi ni Gene sa kanya.

"Okay lang, hindi naman kasi regular yong trabaho ko dun. Three days lang yong schedule ko every week."

Kinausap naman ni Gene si Scott ngayon. "Mabuti pa si Ardi oh, nagtatrabaho na. Ikaw?"

Scott blushed dahil kailangan pa ng kuya niyang pagusapan ang tungkol dun sa harap ni Ardi. "Kuya naman, napagusapan na natin 'to di ba? I'll get there."

"Alright, hindi na kita papakialaman diyan." Sabi ni Gene sa kanya.

Curious si Ardi sa paguusap ng magkapatid at kung anong issue yon, pero ginusto niyang manahimik na lang at huwag nang magtanong tungkol dun. Ayaw din naman niyang maattach masyado para madali ang trabaho niya.

Nakinig na lang siya sa kwento ni Gene tungkol sa trabaho niya.

***

Busy si Scott sa phone niya habang si Ardi naman ay nakikipagkwentuhan kay Harry. Mabuti na lang nandiyan ang kuya Gene niya, natitimpla niya ng mabuti yong usapan at hindi mabuko si Ardi.

"Scarlett is busy." Narinig niyang sabi ni Harry.

Kaya agad na napatingin sa kanya si Scott. "Hmmm?"

Ngumiti si Harry sa kanya. "Kanina ka pa nakatutok sa phone mo. You're not paying attention to Ardi." Biro pa ni Harry. Alam naman ni Scott na may meaning pa yong sinabi niya.

Napansin din yon ni Ardi kasi hinawakan niya ang kamay ni Scott and slowly turned to her. "May problema ba?" Tanong niya. Alam naman ni Ardi na si Wren yong katext ni Scott. Magkatabi sila at kanina pa niya nakita ang pangalan ni Wren sa screen ng phone ni Scott.

"Ahmm...wala, everything's okay. Nangangamusta lang yong dating classmate ko." Nakangiting pagsisinungaling ni Scott.

Tumango na lang din si Ardi.

Nagsalita na naman ulit si Harry. "So...how did you guys meet?"

"Ahmm...sa school." Sagot ni Scott. Nabigla siya sa tanong ni Harry.

"Ah! You're classmates then?"

Umiling si Scott. "Hindi." Sagot niya. Gusto niyang batukan ang sarili dahil nakalimutan niya bigla ang dapag na lovestory nila ni Ardi.

But Ardi spoke up and filled in bago pa makahalata si Harry that something's not right. "Magkaiba kami ng course. Palagi kasi siyang napapadaan sa building namin." Sabi ni Ardi.

"And just like that?" Tanong ni Harry sa kanya.

Ardi snapped his fingers. "Just like that. Everytime na mapapadaan siya mapapatingin ka talaga. She stands out. She's nice, she's funny, at napakacaptivating ng smile niya." He paused at tinitigan si Scott. "Who wouldn't fall for this girl?"

Nagblush si Scott sa sinabi ni Ardi. Napasulyap siya sa kuya Gene niya, nakangiti ito at umiiling pa parang natutuwa sa kanilang dalawa ni Ardi.

Si Harry naman ay nakangiti lang din. "You're right. Matagal ko nang kilala si Scott, I know exactly what you mean."

Nakaramdam ng kunting pagkainis si Scott kay Harry, dahil sa pagsingit ng sarili niya sa lahat ng bagay. Si Scott na naman ang nagsalita. "At bakit hindi ko naman papansinin ang lalakeng 'to? He never failed to greet me everyday. Kahit na madaanan ko lang siya sa hallway binabati niya akong good morning." Ngiti ni Scott, as if kinikilig kapag naalala yon. "And Ardi's very artistic and creative sa panliligaw sa akin. He gave me flowers made of art paper, it brightened my day...di ba?" Siniko niya si Ardi nang tumahimik lang ito.

"Yeah, I did." Ngiti ni Ardi sa kanya.

Tumangotango lang si Harry. "And then you decided to make it official?"

"Last august lang." Sagot ni Scott. "Of course, mas nagfocus kami sa studies and thesis and the graduation and the life after graduation."

"But of course hindi ako tumigil sa panliligaw." Dagdag ni Ardi, nakahawak pa din sa kamay ni Scott.

"Bumigay na din ako. Sino ba naman ang makakatiis dito." Sabi ni Scott sabay kurot kurot sa ilong ni Ardi.

Wow, ang tangos ng ilong niya.

She thought habang tinititigan si Ardi.

"Ang sweet sweet niyo." Commemt naman ni Gene na kanina pa nakangisi. Mukhang nageenjoy sa ginagawang drama nung dalawa.

Ngumiti lang si Scott sa kuya niya, hindi nagpapahalata na nahihirapan.

"Ang sweet nila di ba?" Tanong ni Gene kay Harry.

Tumango si Harry na nakangiti, pero yong ngiti niya ay hindi convincing at nagkwentuhan na naman silang tatlo nina Gene. While Scott is secretly wishing na tumahimik na si Harry at huwag nang magtatanong pa tungkol sa kanila ni Ardi.

***

"Bye, Ardi." Paalam ni Gene. "Next time naman."

"Sige, salamat." Nakangiting sagot ni Ardi.

Nauna na siyang umuwi dahil may pupuntahan pa siya, magkikita sila nina Austin minus Chad. Less then five hours din ang inilagi niya dun. Nakapagpaalam na din siya sa parents ni Scott, who are both busy with their guests.

Hinatid na siya ni Scott sa gate. "Ardi, thank you."

"Wala yon." Sagot ni Ardi sa kanya.

"Hindi ko inexpect kanina yong mga effort mo. Napakaconvincing mo, pati ako maniniwala sa'yo." Tukso ni Scott.

Natawa si Ardi. "May experience din naman ako kahit kunti." Napatigil si Ardi. "Mauna na ako. Kanina pa kasi nangungulit ang mga kaibigan ko."

"Okay, salamat ulit ah." Natigilan si Scott nang bigla siyang halikan ni Ardi sa noo.

"Kanina pa nakatingin si Harry sa atin." Paliwanag ni Ardi sa kanya.

Nanginit ang pisngi ni Scott. "Ah...ganun ba."

"Tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka." Sabi ni Ardi at tsaka umalis.

END OF CHAPTER ELEVEN

ARDI [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon