Twenty Two

20 2 0
                                    

Nakaupo si Ardi sa isang table sa foodcourt. Hinihintay na dumating si Scott.

After the job offer from Gene the other day, hindi na nagsayang ng panahon si Ardi. Luckily, his boss approved his immediate resignation letter and he only got two weeks. Kinausap na naman niya si Gene tungkol dun nang dinaan niya ang application form niya kanina sa office nila.

And he also decided on one thing.

He wanted to give something back to Scott.

He clutched his side pocket to make sure na nandun pa.

"Ardi!" Someone called him.

Napangiti siya nang makitang papalapit na si Scott sa kanya na nakangiti din.

"Nainip ka?" Tanong niya as she sat beside him.

"Hindi." Sagot naman ni Ardi. "Hindi pala ako available bukas ah."

"May importanteng appointment ka?"

Umiling si Ardi. "Hindi sa ganun, may outing kasi kami ng mga kaibigan ko. Overnight daw eh."

"Ah...okay, mabuti naman." She realized she sounded sad kaya binawi niya kaagad. "Gosh, anong gagawin ko habang wala ka. Ang boring."

Tumawa si Ardi. "Pumunta ka kaya sa kuya mo, dun ka muna tumambay sa condo niya." He suggested.

"Kung sa bagay. I like your idea, madali pa akong makakaalis if magtext si Wren."

Hindi niya napansin ang pagiba ng mood ni Ardi. Ayaw lang niya kasing nagpapakabaliw si Scott kay Wren, sobrang obvious naman na he doesn't deserve her. Gusto man niyang sabihin kay Scott na hiwalayan na lang niya si Wren, ayaw naman niyang makitang nasasaktan ito. "Nasaan ba siya ngayon?"

"Out of town daw, sinama siya ng kuya niya for a week vacation." She made a face. "Sabay niyo pa akong iiwan."

Wala namang sinabi pa si Ardi, instead kinuha na niya sa kanyang bulsa ang bagay na gusto niyang ibalik kay Scott.

"Scott oh." He handed her an envelope.

Confused, kinuha naman yon ni Scott at tiningnan ang laman ng envelope. "Oy, saan galing? Ano 'to?" She asked when she saw what's inside. "Ito ba yong binayad ni Wren sa'yo?"

"Oo."

"Bakit mo binibigay sa akin? Bayad nga niya 'to sa'yo di ba." She slid the envelope back.

"Hindi, sa'yo na yan. Yong tinanggap ko lang yong para sa renta, yong sa unang trabaho ko." Kinuha niya ang envelope at inipit sa kamay ni Scott. "Kaya nga binabalik ko."

"Bakit nga? Pinagtrabahohan mo 'to." Nangiinsist pa si Scott.

"Kasi nga ginawa ko yon dahil gusto ko dahil gusto mo." He said slowly as if bata yong kinakausap niya. "Okay na?" He clasped her hand that's clutching the envelope. "Sa'yo na yan, ibalik mo sa kanya kung gusto mo. Basta hindi ko tatanggapin yan."

Nakatingin lang si Scott sa kanya na para bang ngayon lang niya nakita si Ardi habang hawakhawak pa ang envelope na may lamang pera.

"Sayang naman...pwede mo pang gamitin 'to." Scott tried again.

"Yong renta lang naman kailangan ko eh, at itago mo na kasi yan sa bag mo." He said.

Nakinig naman si Scott sa kanya at inilagay na ang pera sa bag niya. She decided na ibalik ang pera kay Wren, at kausapin na iconvince si Ardi na tanggapin yong pera.

***

Niyaya ni Ardi si Scott na magikot na muna dun sa mall. Yong isang dahilan na niyaya niya si Scott na makipagkita ngayon ay para makasama niya.

ARDI [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon