Five

40 2 0
                                    

"4D! Buksan niyo ang pinto!" Sigaw ng landlady nila sa labas ng apartment nila.

At that very moment, kumakain sina Ardi at Pat ng lunch. Tumigil silang dalawa sa pagkain nang kumatok na ang landlady nila sa pintuan.

Napatingin si Pat kay Ardi. "Naniningil na. Anong gagawin natin, eh kulang pa yong pambayad natin."

"Subukan natin siyang kausapin." Sabi ni Ardi. Tumayo na silang dalawa at pumunta sa pintuan, at pinagbuksan yong landlady.

"Mabuti naman at naisipan niyong buksan. Ang bayad niyo." Singil nito.

Nagtinginan na naman sina Ardi at Pat. "Ahmm...medyo short pa po kasi kami ngayon. Pwede po bang next week lang yong bayad namin sa renta?" Mahinang tanong ni Pat.

Tumaas ang kilay ng landlady nila. "Next week? Dapat nga nung isang linggo pa kayo nagbayad eh. Alam niyo namang hindi pepwede sa akin ang delay delay, pinagusapan na natin yan bago pa kayo lumipat dito!"

"Alam naman po namin yon, eh kaso medyo alangan pa po kami sa pera ngayon. Kung pwede po next week na lang muna bigyan niyo lang po kami ng panahon kahit kunti lang." Tawad ni Ardi sa landlady nila.

Nagisip muna yong landlady bago pumayag. "Bibigyan ko kayo hanggang susunod na linggo. Kapag wala pa kayong maibigay na bayad sa akin pacensyahan na lang." Sabi niya pero inirapan pa yong dalawa at tsaka umalis.

Sinara na nila ang pintuan at bumalik na sa mesa. Napahinga na din sila ng malalim pero iniisip na naman nila kung saan sila makakakuha ng pambayad sa renta.

"Susubukan kong tawagan si mama, baka pwede akong humingi sa kanya." Sabi ni Pat.

Naalarma naman si Ardi dahil alam niyang nagigipit din ngayon ang mama ni Pat, at kaya nga nagtrabaho kaagad si Pat para hindi na makahingi sa mama niya.

"Di ba sabi mo medyo alangan si mama mo ngayon?" Tanong ni Ardi sa kaibigan niya.

Tumango si Pat at nagpatuloy na sa pagkain. "Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera eh. Kunti na din lang naman yong kulang dun sa itinabi kong pambayad. Mabuti nga at may itinabi na ako para sa renta."

Naging okay na silang dalawa pagkatapos nun. Tinawagan na din ni Pat ang mama niya at nasolusyonan naman kaagad yong problema nila sa renta. Pero kinahapunan, napatawag ang mama ni Ardi sa kanya.

"Ardi? Kumusta ka diyan?" Tanong ng mama niya.

"Okay naman ako dito ma. Mamayang gabi pa duty ko. Kayo? Kumusta kayo diyan?" Sabi niya habang nakahiga sa couch.

"Okay naman kami ng papa mo, kaso yong kapatid mo..."

Napaupo bigla si Ardi. "Bakit po? Anong nangyari kay Tam?"

Napatingin si Pat kay Ardi habang naglilinis ng sapatos niya, day off niya ngayon.

"Nandito kasi kami sa ospital ngayon, positive yong kapatid mo sa dengue." Sabi ng mama ni Ardi. "Pero huwag ka na masyadong magalala, okay na din si Tam sabi ng doctor." Dagdag pa niya bago pa magalala si Ardi ng tuluyan.

"Ganun po ba, eh yong panggastos niyo po?"

"Kaya namin yong ibang gasto pero mukhang mashoshort kami ng papa mo, pero okay na din kasi gumagaling na si Tam." Kwento ng mama niya. "Huwag ka nang magabala, kaya namin ng papa mo dito. Tumawag lang naman ako para ipaalam sa'yo."

"Magpapadala po ako ng pera sa inyo diyan ngayon." Sabi ni Ardi na hindi na nagdalawang isip.

"Ardi, huwag na. Itago mo na lang diyan, meron ka pang binabayarang renta diyan at yong pangarawaraw mo pa." Pagtanggi ng mama niya.

Napahinga si Ardi ng malalim. "Sige na ma, hindi ako mapapakali niyan. Alam kong nahihirapan kayo sa gastos ni papa. Kahit pangdagdag na lang sa mga gamot ni Tam." Ardi insisted. He would feel bad kung wala man lang siyang gagawin. "Huwag na pong tumanggi, magpapadala ako ngayon. Huwag po kayong magalala sa akin dito, kayang kaya ko po sarili ko dito, okay? Sige po, ingat kayo diyan." Ardi ended the call, napahinga siya ulit ng malalim.

"Anong problema?" Tanong ni Pat na kanina pa nakikinig at nagaalala na din.

"Si Tam nakaconfine daw, dengue." Kwento ni Ardi.

"Oh? Kumusta naman daw siya?"

"Gumagaling na daw." Tumayo na din si Ardi at pumunta na ng kwarto para magbihis. Ilang sandali bumalik na din. "Pat, lalabas na muna ako. Magpapadala lang ako ng pera sa kina mama."

Tumango si Pat. "Okay, sige. May natira pa ba sa'yo?" Tanong niya sa kaibigan.

"Oo naman. Sige, alis na ako para makabalik na ako kaagad." Sabi ni Ardi at lumabas na ng apartment nila.

Ang totoo niyan, nabawasan yong itinabi niyang pera para sa share niya sa rent. Hindi na niya kailangang pagisipan pa yon dahil alam niyang kakailanganin din nina mama niya. Okay lang, maghahanap na lang siya ulit. Next week pa naman yong binigay na date sa kanila nung landlady.

Napadukot si Ardi sa bulsa niya at nagtaka nang may nakuhang tissue. May nakasulat dun na pangalan at cellphone number. Napatigil si Ardi sa kakalakad nang maalala kung ano yon, at may kung anong idea ang pumasok sa isipan niya. Bigla siyang kinabahan, he carefully slid the tissue back in his pocket at nagpatuloy na sa kakalakad.

END OF CHAPTER FIVE

ARDI [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon