Sixteen

28 2 1
                                    

The moment na nagising si Scott, she immediately checked her phone for messages from Wren pero wala naman siyang natanggap ni isa.

She covered her face with her pillow. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang magwala dahil kay Wren pero hindi niya magawa. Paano niya aayusin yong naging away nila ni Wren kahapon kung hindi naman siya nito pinapansin. She felt like crying.

Agad siyang bumangon nang may kumatok sa pintuan niya. "Pasok." Sabi niya.

"Hi." Bati sa kanya ng kuya Gene niya nang pumasok ito sa kanyang kwarto. "Okay ka na?"

"Ha? Yeah...yeah." Sagot niya.

"In case you're wondering, tinawagan ako ni Ardi kagabi. He said to wait for you sa labas ng bahay kasi kahit na siya hindi niya alam kung anong gagawin sa'yo kagabi. You're drunk, do you remember that?"

Scott paused at inisip kung ano bang nangyari kagabi. Ang naalala lang niya kasi is nagaway sila ni Wren, pagkatapos uminom siya dun sa bar, at pagkatapos pinapunta si Ardi dun.

"May nangyari ba with Ardi?" Tanong ni Scott. "Between me and Ardi?"

Gene shrugged. "I don't know. Kayo magkasama eh, tinawagan lang naman ako kagabi para magpatulong. Great kid." Tinitigan niya si Scott na pilit inaalala ang nangyari. "Ano bang nangyari kahapon and why are you so drunk."

"Hmm...wala. Naparami lang kasi ako kagabi."

"And Wren?"

Napatigil silang dalawa dahil biglang nagring ang phone ni Scott, and her heart leaped nang makitang si Wren ang tumatawag. "Kuya, I should take this call."

"Okay." Gene turned towards the door at lumabas na ng kwarto ni Scott.

"Wren? Hi! I'm so sorry kahapon, hindi na sana ako nagpumilit."

"That's okay, hon. Are you doing something later?" Sabi ni Wren sa kabilang linya. "I want to see you. I miss you so much hon."

"Wala naman akong gagawin mamaya eh."

"Great, then call that guy, sabihin mong sunduin ka mamaya around 4pm and meet me." Utos ni Wren sa kanya.

"Ahmm...check ko pa si Ardi kung available siya, baka kasi may ginagawa siya eh."

"What? I'm paying him to do this stuff, just call him. Sandali lang naman eh. Why? Ayaw mo ba akong makasama?"

Scott sighed. "Of course I do."

"Then call him as soon as I end this call." Sabi ni Wren at pinatay na nga yong tawag.

Napaupo si Scott sa paanan ng kama niya at nakatitig lang sa kanyang phone. Tatawagan lang naman niya si Ardi pero parang nagaalinlangan siya. May kutob siya na parang may ginawa siya kagabi.

Oh, well, tatanungin ko na lang si Ardi mamaya.

She thought as she dialed Ardi's number.

***

Tahimik lang silang dalawa sa taxi.

Hindi magawang tanungin ni Scott si Ardi tungkol sa nangyari kagabi, nakaramdam kasi siya ng pagkahiya nang magkita na sila.

One block away sa meeting place nila ni Wren. "Ahmmm...kuya, dito na lang po kami bababa." Sabi ni Scott sa taxi driver at binayaran na din ito.

Walang imik na bumaba si Ardi kasama ni Scott, hindi din naman kasi niya alam kung saan magkikita si Scott at Wren, hindi sinabi sa kanya. Sumunod na lang din siya kay Scott na maglakad.

"Ardi..." Scott said nang mapatabi na si Ardi sa kanya.

"Hmmm?" Sagot naman ni Ardi, kamay sa bulsa.

"Thank you kagabi ah." Nakangiting sabi ni Scott sa kanya at napatingin na din. "Sira ulo talaga ako."

"Hindi naman masyado." Trying hard na biro ni Ardi. Medyo kakaiba ang nararamdaman niya ngayon kay Scott dahil sa nangyari kagabi. Hindi naman siya umaasa at hindi naman magbabago ang pakikitungo niya dito. Alam naman niyang nadala lang si Scott sa kalasingan niya kaya niya nagawa yon. Natural lang naman sigurong medyo weird kay Ardi, first kiss niya kasi.

"Ahmmm...may nangyari ba kagabi? Wala kasi ako masyadong maalala eh." Tanong ni Scott sa kanya.

"Ha? Eh..." Napakamot na lang si Ardi sa pisngi niya. Hindi naman niya masabi kay Scott yong totoong nangyari, sigurado siyang maiilang si Scott. "Wala, sinundo lang kita sa bar tapos hinatid na sa inyo. Yon lang." Pagsisinungaling niya. A small wave of sadness came in dahil sa hindi maalala ni Scott ang nangyari kagabi.

"Ganun ba, sorry ah. Nakakahiya, promise hindi na ako uulit."

Napangiti lang si Ardi at nagpatuloy na lang sila sa paglakad. Ilang sandali, nagtaka si Ardi nang pumasok silang dalawa sa isang hotel.

Nahihiyang ngumiti si Scott sa kanya. "Dito na lang siguro ako." Sabi ni Scott, nakatayo na silang dalawa sa labas ng isang kwarto.

Biglang bumukas ang pintuan at bumungad si Wren. "Hey." Ngisi ni Wren at nakipagshakehands kay Ardi, sabay abot ng pera. "Salamat, maaasahan ka talaga."

Dun na lang narealize ni Ardi ang nangyayari at mangyayari sa hotel na yon. Napanganga na lang siya. "...ah...okay, okay. Sige."

"Thank you ulit." Ngiti ni Scott.

"Sige, mhen." Wren nodded at him and pulled Scott inside the room.

Naiwan si Ardi sa hallway. Hindi niya inexpect yon, parang sinampal siya ng malakas ng katotohanan. Umalis na lang siya ng hotel na namamanhid ang buong katawan.

"Oh my ghad! Sabi ko na nga ba eh." Said a familiar voice nang makalabas na si Ardi ng hotel.

Napatingin si Ardi sa pinanggalingan ng boses at nakita si Austin.

"What are you doing out here, dude?" Sabi ni Austin at inakbayan si Ardi.

"Wala, may hinatid lang." Sagot ni Ardi. "Ikaw? Saan ka galing?"

"Galing ako sa apartment ni Billy. I brought her some food, tinatamad daw lumabas eh. Pagkatapos pinalayas ako. I guess its her time of the month." Austin shrugged.

"At least, hindi siya buntis." Biro ni Ardi sa kanya.

Tumawa si Austin. "Makakapaghintay yon. Hanggang kiss lang talaga kami. Can you believe it?"

"Kung dati siguro na hindi pa kayo ni Billy, imposible. Eh kaso nakahanap ka ng katapat mo." Sagot naman ni Ardi, which is true. "Saan ka pupunta ngayon?"

"Wala naman." Austin grinned and winked. "Come on! Wala naman tayong gagawin eh, tawagan natin sina Sean at Pat. Siguradong susunod ang mga yon. Tara na."

***

"Are you still mad at me? Yong totoo?" Malambing na tanong ni Scott kay Wren. Nakaupo silang dalawa sa kama at nakasandal sa headboard.

"No." Sagot naman ni Wren at uminom na ng light na beer. "Ikaw kasi masyadong mapilit. Kapag sinabi kong hindi, tapos na usapan." Sabi niya at pinatong na ang bottle sa bedside table.

Scott leaned closer to Wren. "I'm sorry." She cupped Wren's face and kissed his cheek. "I just want to be with you."

Wren winced. "Alam mo naman sa sitwasyon natin mahirap yon di ba?" Napatingin siya kay Scott na nakapout. "Alright, kung gusto mo talagang magsama tayo sa party...ahmmm...RM's having a party this weekend, I'll meet you there."

Her face brightened. "Really?"

"But you know RM's really high class, right? So try to wear something nice." Sabi ni Wren and kissed her right ear.

Napangiti si Scott nang mapunta ang mga kisses ni Wren sa neck niya, at untiunti na siya nitong pinahiga sa kama. She closed her eyes when they started kissing but she froze because Ardi crossed her mind. At naalala niya ang ginawa niya kagabi.

Oh no! I kissed Ardi!

END OF CHAPTER SIXTEEN

ARDI [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon