Nine

30 3 1
                                    

Dumating na si Ardi ng apartment nila at nadatnan niyang nanonood ng movie sa laptop si Pat at nandun din si Sean.

"Oi Sean, kumusta?" Bati ni Ardi sa kaibigan.

"Heto, galing lang ng review center." Sagot ni Sean at sinipa si Ardi nang dumaan ito sa kanya. Namiss na kasi niyang makipagkulitan sa mga kaibigan.

Tumawa si Ardi kahit na tinamaan siya ni Sean sa pwet. "Kumusta si George?" Umupo na si Ardi sa kabilang side ng couch.

"Okay lang, may dugo pa namang natitira sa katawan niya kahit papaano." Sagot ni Sean habang nanonood ng movie. "Hindi na sumunod dito, medyo malayo kasi yong review center nila. Matraffic pa."

"Kanina ka pa?" Tanong ni Ardi.

Napatingin si Sean kay Pat. "Kanina pa ba ako dito?"

"Hindi naman, isang movie pa lang naman yong natapos mo." Sagot naman niya at sumubo na ng potato chips. "Nagchat kami kanina ni Chad, two weeks na lang daw uuwi na siya."

"Mabuti naman, at ipagluto na niya tayo ng mga natutunan niya. Nyahahah!" Tawa ni Sean.

Nagaaral kasi si Chad ngayon ng culinary arts dun sa Italy ng ilang buwan lang din naman.

"Magkikita tayo kaagad pagkadating niya, pustahan." Sabi ni Pat. "Pipilitin tayong dun matulog sa bahay nila."

"Okay lang, basta ipagluluto lang niya tayo." Sabi ni Sean at nagconcentrate na naman sila ni Pat sa pinapanood.

Si Ardi naman umupo sa kabilang dulo nung couch at kinuha yong profile ni Scott. Paulitulit niyang binasa yon hanggang sa tumatak na sa utak niya yon.

Napasulyap sa Sean sa kanya. "Ano yan?"

"Wala." Maikling sagot ni Ardi at napaisip sandali. "Sean?"

"Oh?" Sean stretched his legs.

"Example lang ah, kung ininvite ka ng family ni George maglunch at first time ka pa lang niya ipapakilala, anong susuotin mo sa ganung occassion?" Tanong ni Ardi.

Sean peered at him, and then he turned to Pat. "May girlfriend na ba 'to?" Tanong niya, sabay turo kay Ardi.

Pat smirked. "Wala pa namang pinapakilala sa akin eh."

Sean faced Ardi. "May girlfriend ka na?" He asked wide eyed.

Umiling si Ardi. "Wala, for example nga di ba sabi ko." Sabi niya na medyo napipikon pa. "Oh, ano na?"

Walang idea si Sean kung para saan yong tinatanong ni Ardi, but he answered anyway. "Syempre yong disente at dapat malinis akong tingnan."

"Disente at malinis tingnan." Ulit ni Ardi at pasimpleng isinulat yon sa likod ng profile ni Scott.

"Pero syempre yong simple lang at yong importante kumportable ka." Dagdag pa ni Sean.

"Simple...kumportable..." Sulat naman ni Ardi.

Tinitigan lang siya ni Sean, si Pat naman no comment na lang at minabuti nang manood ng movie.

"Ano ba yan?" Tanong ni Sean, nagdududa na sa ginagawa ni Ardi.

"Research lang."

He is not seeing it. Biglang inagaw ni Sean yong profile ni Scott at binasa. "Scarlett Mendiola. September 4. Fashion design. Ano 'to?" Tanong ni Sean sa kanya.

"Wala nga. Research nga lang." Sagot ni Ardi sa kanya, trying to grab the profile back from Sean.

"Sino ba 'tong Scarlett Mendiola?" Binasa niya ulit yong profile. "May alam ka ba dito?" Tanong naman niya kay Pat, pero hindi pa din sumasagot si Pat kasi hinihintay niyang si Ardi ang unang magsasalita tungkol dun.

Ardi sighed and brushed up his hair. "Okay, trabaho ko lang yan. Side job."

"Ha? Trabaho? Bakit merong ganito?" Natawa si Sean. "FBI ka na ba ngayon?" Biro niya.

Ardi decided na ikwento na lang yon kay Sean, expecting na matutulungan din siya nito sa mga itatanong niya on having a girlfriend. Lolo kasi si Ardi.

Sean winced after hearing Ardi's story. Hindi niya maimagine ang pinasukan ng kaibigan niya para magkapera. Totoo naman kasing wala siyang mauutangan, wala pa naman kasing trabaho si Sean at Austin.

"Sigurado ka bang magagawa mo yan? Ako pa yata ang kinakabahan sa gagawin ko na yan eh." Inabot na ni Sean pabalik kay Ardi yong profile ni Scott.

Kinuha na din ni Ardi yon kay Sean. "Kaya ko 'to, kaya ko nga pinaghahandaan ng mabuti. Nagkikita kami para pagplanuhan ng mabuti 'tong gagawin namin. Feeling ko ang sama sama ko."

Nakatitig lang si Sean sa kanya, hindi makapaniwala sa mga pinanggagawa ng kaibigan. "Nagkagirlfriend ka na nga, peke pa."

           ***

The next day dalidaling lumabas ng trabaho si Ardi, at papunta na sa Night Owl. Malamang nandun na si Scott na naghihintay sa kanya.

Naeexcite siya ng kunti. Siguro dahil sa sitwasyon at reason ng pagkikita nila, nagbibigay sa kanya yon ng thrill.

Pagkapasok na pagkapasok niya sa Night Owl, napatingin siya kaagad sa usual na corner table nila ni Scott. She's there alright, at hindi siya nagiisa. Ardi guessed na yon yong boyfriend ni Scott.

"Ardi! Umupo ka na dito." Scott smiled when she saw Ardi approaching them. Napatingin din yong kasama ni Scott. "This is Wren." Tuwang tuwa na ipakilala ang boyfriend niya.

Wren nodded at Ardi pero nanatiling nakaupo. "So, ikaw pala yong nahanap niyang magpanggap. Nice to meet you." Sabi niya with his snobby behavior.

Hindi yon pinansin ni Ardi at pinilit ang sariling ngumiti sa harap ni Wren. Tahimik siyang umupo across from Scott and Wren.

"What do you want to drink?" Agad na tanong ni Scott sa kanya.

Ngumiti lang si Ardi sa kanya at pasimpleng napasulyap kay Wren. "Di bale na, okay lang ako." Sagot niya.

"Are you sure?" Tanong ulit ni Scott.

"Ardi, you don't have to be so stiff. Nandito lang naman ako kasi pinipilit ako nitong si Scott na pumunta dito para ipakilala ka." Sabi ni Wren na mukhang napipilitan nga talaga.

Pero parang hindi naman yon napansin ni Scott kasi maganda pa ang ngiti nito. "Well, it was your idea at gusto ko syempre na makilala mo naman siya."

Wren sighed. "Okay, okay." He paused at chineck yong phone niya. "Shit. I've got to go." Sabi niya at tumayo na.

Napatingin si Scott sa kanya. "What? You're leaving?"

"Yeah, di ba sabi ko naman sa'yo na i've got some important business to attend to. And besides nagkakilala na din naman kami ni Ardi eh." Wren leaned down to kiss Scott. "Bye. I'll call you." Paalam niya kay Scott at tumango naman siya kay Ardi, at umalis na.

Ang kanina lang na masayang Scott ay biglang natahimik at nalungkot.

Ardi felt sorry for her a bit. For just a short time, nalaman niya kung gaano kamahal ni Scott si Wren. Everytime na magkasama sila, walang oras na hindi nababanggit ni Scott si Wren. Feeling nga ni Ardi kilala na niya si Wren because Scott always talks about him. But Ardi saw something wrong about Scott and Wren's relationship, pero he wouldn't dare talk about it kasi pinangako niya sa sarili niyang huwag magcross sa boundary.

"Scott? Okay ka lang?" Sabi ni Ardi, hindi pa din kasi nagsasalita si Scott.

Ngumiti si Scott sa kanya. "Yeah, i'm okay." Kinuha na niya ang planner niya. Tiningnan lang siya ni Ardi habang may chinecheck sa planner niya. "Sa Saturday na yong lunch, at dun sa bahay namin."

"Okay." Sagot ni Ardi sa kanya at nagthumbs up.

END OF CHAPTER NINE

ARDI [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon