Twenty Nine

19 2 0
                                        

"HINDI KAYO PWEDENG MAGDESISYON NG PARA SA KANYA!"

Dinig na dinig ni Scott ang kuya niyang nagsisgaw na sa galit. Pangalawang araw na niyang punta dito na puro sigawan lang ang nagaganap. Nalaman kasi niyang nagdecide ang parents nila na dun na lang sa abroad magstay si Scott.

She closed her eyes and let her tears fall down. Nakaupo siya sa sahig at nakasandal sa pintuan.

"...SARILI KONG KAPATID HINDI KO MAKAUSAP KASI NAGKUKULONG NA DUN SA KWARTO NIYA! INIISIP NIYO BA KUNG BUHAY PA YON?!"

Napaiyak pa lalo si Scott. Ilang araw na siyang nagkukulong sa kwarto niya at hindi nakikipagusap kung kanino man. Napapagod na siya sa buhay niya, wala na din naman kasi siyang magagawang gusto niya. Lahat na lang dinidikta sa kanya ng parents niya. Gusto man niyang umalis na dun pero wala na siyang magagawa. Kinuha na nila ang pera niya, cellphone, credit cards at atm, passport...wala na. Pati si Ardi wala na din.

...Ardi

Si Ardi na lang sana ang makakapagpasaya sa kanya, pero pati siya ay lumayo na din.

Just when everything felt so nice...

She thought as she wiped away her tears.

Pagkatapos ng lahat ng sinabi at ginawa ng parents niya, imposible nang bumalik si Ardi sa kanya. Masyado nang naapakan ang pagkatao niya, kahit na siya ay hindi niya mapapatawad ang parents niya. Hindi niya masisisi si Ardi kung gusto na nitong lumayo at piliing kalimutan ang lahat.

***

Two weeks na ang nakalipas after nung incident sa bahay ng mga Mendiola.

Two weeks nang hindi nakita ni Ardi si Scott.

Two weeks na niyang hindi nakakausap.

Two weeks na siyang walang balita.

Hindi naman niya tinatawagan or tinetext. Mabuti nang ganito, pareho silang hindi mahihirapan. Pero hindi pa din maalis sa kanya ang magworry kay Scott.

Ano na bang nangyari sa kanya? Kumusta na siya? Nandito pa din ba siya sa bansa?

Wala siyang mapagtanungan tungkol kay Scott, pero ngayong araw baka may makuha pa siyang balita.

Pumasok na si Ardi ng office sa third floor. Lahat ng empleyado ay may sariling work cubicle, hindi napatingin sa kanya dahil sobrang busy at medyo maingay dahil sa pagtatype sa keyboard.

He looked around for someone na pwede niyang mapagtanungan. Nakita niya ang isang babae na pumunta sa water dispenser, yon na ang pagtatanungan niya.

Lumapit na si Ardi sa babae pero nakakailang hakbang pa lang siya, may tumawag sa kanya galing sa isang cubicle na nadaanan niya.

"Ardi!" Tawag sa kanya.

Napalingon naman kaagad si Ardi. "...G-Gene." Napalunok siya.

Tumayo na si Gene sa kinauupuan niya at lumabas ng cubicle niya. Napatingin siya sa relo. "Ang aga mo ah."

Napangiti si Ardi. "Mabuti na yon. Ayokong ma-late sa first day ko." Ngayon na magsastart magtrabaho si Ardi sa company nina Gene.

Gene tapped him on his shoulder. "Yan gusto namin dito. Tara, ipapakilala kita sa ibang artist namin at ipapakita ko na din kung saan station mo."

Hinatid na siya ni Gene sa working station ni Ardi kasama ang iba pang illustrators, pinakilala na din siya ni Gene sa mga kasama niya.

"Okay ka na dito?" Tanong ni Gene sa kanya. Tumango lang si Ardi. Gene gave out a short laugh. "Huwag kang kabahan, kayang kaya mo mga trabaho dito. Ikaw pa, bilib na bilib nga si Scott sa'yo eh."

Umiba ang mukha ni Ardi nang marinig ang pangalan ni Scott, pati ang pagtibok ng puso niya.

Gene nodded at Ardi, telling him that they should go outside the working station, kung saan hindi na marinig nung mga artist ang paguusap nila. "...alam kong iniisip mo na awkward kasi dahil dun sa nangyari, tapos natanggap ka pa sa trabahong inoffer ko sa'yo."

"...yon na nga eh." Ardi fidgeted.

Gene sighed. "Problema namin yon ng parents ko. Tayo, wala tayong problema sa isa't isa. Pinakilala ka ni Scott sa akin kaya may tiwala ako sa'yo."

Ardi gathered his courage to ask Gene. "...kumusta na siya?"

"Hindi ko alam, hindi ko nakita at hindi ko din nakausap eh." Sagot ni Gene, malungkot ang mukha. "Ayaw lumabas ng kwarto niya."

Napalunok si Ardi. Naisip niyang magiging malungkot si Scott sa mga nangyari, pero hindi niya inaasahan na aabot sa ganun. Nagkukulong na sa kwarto niya at pinapabayaan ang sarili.

"...pagkatapos nalaman kong binabalak pala nilang ipadala si Scott abroad. Isasama na daw siya ni mommy dun." Dagdag ni Gene. "If I know, ididiin na naman nun si Harry kay Scott." Umili g si Gene.

Napayuko na lamang si Ardi, lalo siyang nawalan ng pagasa sa kanila. Lalo lang pinapamukha sa kanya na yon dapat ang mangyari sa buhay ni Scott. Na sa mga katulad ni Harry lang napupunta si Scott, at hindi sa katulad niya.

Napansin siya ni Gene, hindi na kasi siya nakapagsalita nang marinig yon. "Gagawan ko pa din ng paraan na makuha si Scott. Kahit na ako, ayokong pumayag na dun siya sa States titira kung pwede naman sa akin. Alam kong hindi magiging masaya kapatid ko dun." Gene tapped Ardi's shoulder. Sa ganung paraan, naramdaman ni Ardi na boto si Gene sa kanya.

END OF CHAPTER TWENTY NINE

ARDI [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon