Nang mapadaan si mrs.Mendiola sa kwarto ni Scott, tamangtama din na lumabas dun ang katulong. Napatingin si mrs.Mendiola sa dala nitong tray, at makikita na hindi ginalaw ni Scott ang pagkain.
"Ma'am, hindi na naman po kinain ni mam Scarlett." Malungkot na sabi ng katulong, pati siya ay apektado na sa nangyayari kay Scott.
"Anong ginagawa niya sa loob?" Tanong ni mrs.Mendiola.
"Nakahiga lang po sa kama, kinausap ko po hindi naman nagsasalita." Sagot ng katulong. Narinig niyang may nagdoorbell. "Ay, sandali lang ma'am titingnan ko lang kung sino yon." At dalidali nang iniwan si mrs.Mendiola.
Nang maiwan na siyang magisa, she gently opened the door of Scott's room, at katulad nga ng sinabi ng katulong sa kanya, nakahiga lang ito at nakatalikod sa pintuan.
Hindi niya alam kung gising ito so she called out. "Scarlett, honey, why don't you go out today."
Hindi sumagot si Scott. She moved a little, pero hindi siya napalingon sa mommy niya.
Pumasok na si mrs. Mendiola and slowly walked towards Scott, and sat down on the foot of her bed. Nakita na niya ngayon na gising si Scott. "Scarlett, are you going to be like this?" She reached out to touch her kaya napatingin si Scott sa kanya.
Naawa si mrs. Mendiola sa anak niya.
Scott's eyes are puffy from crying, pero may dark circles na visible sa ilalim ng mata niya. Resulta ng kulang sa tulog at kain. The bright and pretty Scarlett is long gone.
Alam niyang she's being selfish and unfair, at may dahilan siya dun. She just wanted Scott to be okay pero hindi niya inaasahan na nakakasama na pala yong intention niya.
Dahil hindi na niya kaya ang nararamdamang sakit at awa sa anak, she reached out and embraced Scott. "I'm sorry. It was not my intention to hurt you." Iyak nito, habang si Scott naman ay tahimik lang, nabigla sa ginawa ng mommy niya. "Ako ang may kasalanan kung bakit ka nagkakaganito. Believe me, hindi ito ang gusto kong mangyari. I'm so sorry Scarlett. Please give me another chance to be your mom, give me another chance to show you that i'm a good mom."
Hindi nakasagot si Scott dahil napaluha na siya but she managed to nod her answer, she hugged her mom back.
***
Nagising si Scott nang may pumasok ng kwarto niya. Napatingin siya at nakitang pumasok ang katulong nila, at may dalang tray ng breakfast niya.
Nanatili siyang nakahiga at hinintay na lumabas ang katulong, at tsaka bumangon. Lumapit siya sa desk niya kung saan iniwan ng katulong ang tray na may breakfast niya. Kumuha siya ng isang toast at kumain.
Scott's a bit okay now since kinausap siya ng mommy niya two days ago. Humingi ang mommy niya ng sorry sa kanya, telling her that she have her reasons pero hindi alam ni Scott kung ano yon. Hindi sinabi sa kanya.
At aaminin ni Scott na medyo nagbago na din ang mommy niya, at dahil na din sa nagiba na ang pakikitungo niya sa mommy niya. She opened her heart to her. She can feel the warmth.
Nagiging okay na ang lahat pero may isang bagay pa din na gusto ni Scott na maayos. At may mga bagay pa din na hindi nagbabago. Hindi pa binalik ng mommy niya ang mga kinuha sakanya, hindi pa niya magawang magkwento ng tungkol kay Ardi. Hindi pa nila napapagusapan ang ganung bagay.
"...Scarlett?"
Napatigil si Scott nang pumasok ang mommy niya. "...po?"
Her mom smiled at her. "Nothing... I was thinking that maybe you wanted to go out for lunch?" Tanong ng mommy niya sa kanya.
Matagal na nga na hindi nila nagagawa ng mommy niya yon. Last time she could remember when she was in high school, after nun nagiba na kasi ang buhay nila. Pumasok na ang daddy nila sa politics, Gene started to grew apart from their parents, she met Wren...nagsimula nang maging magulo ang lahat.
She realized that she misses her mom. Ilang taon na din na hindi sila nakakapagbonding tulad ng dati. Ngayon na ang mommy na niya mismo ang naghahanap ng paraan para bumalik ang dati, she wouldn't say no.
Tumango si Scott. "Okay po."
Her mom's smile widened and looked like she was relieved. "Great. Aalis tayo by 11:00 am." And seeing na wala nang sasabihin si Scott, she closed the door.
Binalik ni Scott ang toast sa plato, biglang nawala ang appetite niya.
Naisipan niyang maghanap na lang ng susuotin para mamaya.
She got up and went towards her closet. Habang naghahanap ng masusuot, napaisip na naman siya na baka dadalhin siya ng mommy niya para magshopping mamaya. Since na aalis na sila papuntang States, her mom would need something new to wear.
At anong mangyayari sa kanya pagdating nila dun?
Maghahanap siya ng trabaho and she would end up with Harry.
Scott closed her eyes and shuddered at that thought. Kung si Harry lang naman ang makakatuluyan niya, she might as well start being boring and dull.
But Harry was the reason kung bakit lumapit siya kay Ardi.
Nagsimulang magwander ang thoughts niya kay Ardi.
Wala na siyang balita kay Ardi. Hindi na kasi bumalik ang kuya Gene niya sa bahay nila, kaya hindi niya makiusapan.
Napatigil siya sa paghahanap ng masusuot dahil nakita niya ang isang tshirt. Yong tshirt ni Ardi na pinasuot sa kana nang pumunta siya sa apartment nito. She never got the chance to return it. Pero mas okay na din yon, at least she have something of his to remember him by.
Kumusta na kaya yon? Nakalimutan na kaya niya ako?
END OF CHAPTER THIRTY

BINABASA MO ANG
ARDI [BOYS BE SERIES]
NouvellesBOYS BE SERIES BOOK 3 [COMPLETE] Inside joke na ng mga kaibigan ni Ardi na tuksohin siyang allergic sa babae. He doesn't have time meeting and mingling with girls, para kay Ardi priority niya ang trabaho niya at uunahin niya yon. Until he accepts a...