W
Let's meet up at 5pm. I really want to see you.
Binaba ni Scott ang phone niya at napakamot na lang ng ulo matapos basahin ang text message ni Wren.
Hindi naman siya makakaalis ng basta basta kasi hahanapin ng mommy niya si Ardi. She tried the other day na lumabas pero hindi siya pinayagan unless na sunduin siya ng boyfriend niya. So she never dared going out during the day, that's why tumatakas siya kapag gabi kung kailan tulog na lahat. And it really sucks kasi it goes to show na walang tiwala ang parents niya sa kanya if umalis siyang magisa.
And of course, napapagod din siya sa ginagawa niyang pagtago at pagtakas sa parents niya. Lalo na ngayon dahil napaaga ang daily na pagkikita nila ni Wren.
Anong gagawin ko?
Kahit na namomroblema, nagsimula na ding magayos si Scott. Its already 4pm anyway at baka nagpapahinga ang mommy niya, maybe she could sneak out.
Pero pagkababa niya ng hagdan nakasalubong niya ang mommy niya. "Scarlett, are you going somewhere?" Tanong ng mommy niya.
"Yes mom, gusto ko lang magcoffee sa labas and to drop by at the bookstore." Scott lied, again. "I need a new book." And again.
Pero ngumiti lang ang mommy niya. "I didn't know na mahilig kang magbasa. Hindi ka ba masusundo ni Ardi?"
"Ahmmm...busy kasi siya mom sa trabaho."
Mrs.Mendiola raised an eyebrow. "Busy? On a three day work schedule?" She smiled. "If you want, I can call your tita Divina. She did mentioned that Harry's really bored, pwede ka niyang samahan."
Scott could only roll her eyes. "Mom, i'm okay to go out alone."
"No, darling, you can't. Alam mo namang your dad is having problems at work, and you know how it goes. You can't go alone." Mrs.Mendiola paused. "Give me a minute, tatawagan ko si tita Divina mo to tell Harry na samahan ka."
"No, mom. Please, ako na." Sabi ni Scott at bumalik na sa kwarto niya.
***
Pumasok si Ardi ng c.r at dumiretso sa urinal para umihi.
Two days na wala na siyang balita kay Scott. Tulad ng sinabi niya, nabayaran na ni Wren si Ardi the very next day kaya parang wala na silang dahilan ni Scott para magkita ulit. Tahimik lang si Ardi pero nalulungkot din siya. Magaan kasi ang loob niya kay Scott at kahit na ayaw niyang maattach, he still sees her as his friend. Yon lang.
Naghugas na siya ng kanyang kamay at lumabas na ng c.r. Nagring ang cellphone niya and he's a bit surprised nang makitang si Scott pala ang tumatawag, kaya tumabi na muna siya para sagutin yon.
"Scott?"
"Ardi? Hi."
"Hi! Kumusta ka na?" Tanong ni Ardi, hindi namalayan na napapangiti siya. "May problema ba?"
"I'm okay, its just that...kailangan kong lumabas ng bahay. Magkikita kami..."
Ardi snapped, naintindihan na niya. Kailangan ni Scott ng tulong niya. "Ah...susunduin kita?"
"Okay lang ba? Nakakahiya Ardi." Bulong ni Scott sa kabilang linya.
Napangiti si Ardi. "Ano ka ba, nahihiya ka pa sa akin. Hintayin mo ako diyan, papunta na ako."
***
Hinatid na ni Ardi si Scott sa bar na pagkakakitaan nila ni Wren.
"Papunta na ba si Wren?" Tanong ni Ardi sa kanya habanh nakaupo sila sa isang table.
"Oo, on the way na daw siya." Scott covered her face and peeked between her fingers. "Sorry, kailangan ko kasing lumabas."
Tumawa lang si Ardi. "Ayos lang, tamang tama lang ang tawag ko kanina kakalabas ko lang ng trabaho. Okay lang yon."
She blew out some air. "Alam mo bang tumatakas na lang ako every night para makipagkita kay Wren. Tapos kanina balak pa ni mommy na tawagan si Harry para pasamahan ako, kaya yon tinawagan na lang kita. I mean, duh? I would rather go out with you than be with Harry." Scott smiled at him, napangiti din si Ardi sa kanya. "What would I do without you. You've been a really big help Ardi."
"Sabi naman kasi sa'yo tawagan mo lang ako kung may kailangan ka." Mahinang pagkasabi ni Ardi kay Scott.
"Iba naman kasi yon dati, may contract tayo nun kaya okay lang kung tatawagan kita anong oras." Sagot ni Scott. "Promise, last na lang 'to hindi na kita tatawagan concerning sa mga kalokohan ko."
Tinaasan siya ni Ardi ng kilay, and Scott thinks he is cute when he does that. "Sigurado ka bang last na lang? Hindi mo naman matiis si Wren mo eh." Panunukso ni Ardi kay Scott.
Ngumiti lang si Scott, tama naman kasi si Ardi. Isang tawag ni Wren, nagkakandarapa na siya kaagad. Ewan ba niya kung bakit nagkakaganun siya kay Wren, parang hindi siya mabubuhay kung hindi niya makita or makausap man lang.
"Ardi, umiinom ka ba?" Tanong ni Scott out of the blue.
"Ng tubig? Oo naman." Ardi joked.
Scott rolled her eyes. "You know what I mean."
"Ano bang sa tingin mo?"
She peered at him and sniffed. "Good boy ka yata eh."
"Mabait naman talaga ako eh." Ardi said smirking. Napatitig lang si Scott sa kanya. "Ano? Yayayain mo na akong maginuman ngayon?" Natatawang tanong niya.
"Hindi ko naman sinasabi, nagtatanong lang naman. At baka kasalanan ko pa mamaya niyan if malasing ka at magwala dito, sabihin pa nila bad influence ako sa'yo." Si Scott naman ang nagbiro.
Biglang dumating si Wren, agad itong lumapit kay Scott and kissed her on her lips. Ardi looked away. "I'm here." Sabi niya, si Scott naman ay parang napapatulala sa kiss ni Wren. "Ardi." Bati niya nang mapansin na si Ardi pala ang kausap ni Scott. "What are you doing here? Akala ko tapos na yong contract mo."
"Its my fault, babe." Sabi ni Scott.
Ardi pressed his lips together on the word babe. Babe din kasi yong ginamit ni Scott sa kanya, but of course it doesn't mean anything.
"What do you mean its your fault?" Tanong ni Wren, nakaakbay na kay Scott.
"Alam ko namang hindi ako makalabas ng bahay di ba? So I called Ardi na sunduin ako at pumayag din naman kaagad si mommy." Scott explained. "Maiintindihan ko naman di ba? Alam mo naman siya yong kinikilala nilang boyfriend ko."
Wren glared at Ardi. Kinabahan ng kunti si Ardi sa akalang baka na offend si Wren, but he was surprised nang napangisi si Wren. "Of course, mabuti nga yon dahil nakalabas ka sa bahay niyo. And you know what? That gives me an idea."
"What?" Tanong naman ni Scott, napapangiti dahil walang tigil si Wren sa paghalik sa pisngi niya.
"Sunduin mo kaya si Scott sa bahay nila everytime na may usapan kami? In that way, sigurado akong papayagan siyang makaalis ng bahay nila." Sabi ni Wren kay Ardi.
Scott froze. "Wait, what? Babalik na naman siya sa bahay at haharap kina mommy?"
"To come pick you up of course, hindi naman siya magtatagal dun. Kailangan lang nilang makita si Ardi na sinusundo ka at hinahatid if necessary." Wren nodded at Ardi. "Anong sa tingin mo Ardi? Ayos di ba? You'll be paid of you services per day, yon lang ang gagawin mo. Deal?" Offer ni Wren kay Ardi.
"Deal." Sabi ni Ardi. Pumayag siya sa offer ni Wren.
Nagulat naman si Scott sa naging desisyon niya. "No, no. Ardi ano ka ba, okay ka lang?"
Nakangiting tumango si Ardi. "Oo, okay lang." Sabi niya at kinuha na ang bag niya. "Mauna na ako, tawagan niyo na lang ako."
Ngumiti pa si Scott sa kanya bago pa siya umalis. Nang makalabas naman siya ng bar ay gusto niyang iuntog ang ulo sa pader, kung bakit kasi pumayag siya sa inoffer ni Wren sa kanya.
END OF CHAPTER FOURTEEN
BINABASA MO ANG
ARDI [BOYS BE SERIES]
Short StoryBOYS BE SERIES BOOK 3 [COMPLETE] Inside joke na ng mga kaibigan ni Ardi na tuksohin siyang allergic sa babae. He doesn't have time meeting and mingling with girls, para kay Ardi priority niya ang trabaho niya at uunahin niya yon. Until he accepts a...